backup og meta

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?

Bahagyang karaniwang marinig sa mga kababaihan ang kanilang hinaing tungkol sa pananakit ng muscles at ilan pang uri ng pananakit dahil sa kanilang buwanang dalaw. Gayunpaman, paano kung ang pananakit na kanilang nararamdaman ay hindi lamang sanhi ng regla? Ano ang nangyayari sa kanilang katawan kung sila ay nakararanas ng kondisyong tinatawag na adenomyosis? Sa pamamagitan ng artikulong ito, masasagot ang mga pinakakaraniwang katanungan tungkol sa kung ano ang ano ang adenomyosis.

[embed-health-tool-ovulation]

Ano Ang Adenomyosis?

Ano ang adenomyosis? Ito ay tumutukoy sa kondisyong nangyayari sa reproductive system ng mga kababaihan, partikular sa bahagi ng endometrial tissue na nagsisilbing lining sa wall ng uterine (endometrium).

Nadedebelop ito kung ang tissue ay lumalagpas sa myometrium, ang panlabas na muscular wall ng uterus. Ang sobrang tissue ay maaaring maging dahilan upang maging doble o triple ang laki ng uterus. Normal pa rin nitong naisasagawa ang orihinal nitong paggana na nagiging sanhi ng pagkasira at pagdurugo sa bawat siklo ng regla. Maaari din itong humantong sa paglaki o pagkapal ng uterus. Dahil dito, maaaring maranasan ng babae ang hindi normal na pagdaloy sa uterine at lubhang hinding maginhawang pakiramdam sa bawat pagreregla.

Ang partikular na kondisyong ito ay laganap sa mga kababaihang nasa edad 30s na nakaranas ng full-term na pagbubuntis.

Kilala rin ito bilang uterine adenomyosis.

Paano Nagkakaiba Ang Adenomyosis Sa Endometriosis?

Ang adenomyosis at endometriosis ay parehong problema sa uterine tissue. Ang mga ito ay ang sanhi upang makaramdam ang isang tao ng labis na hindi komportableng pakiramdam. Higit na mas masakit ang mga kondisyong ito kaysa sa regular lamang na regla.

Ang malubhang pagdurugo habang nagreregla ay halos katulad ng adenomyosis. Nangyayari ito sa loob ng layer ng muscle ng uterus, habang ang endometriosis naman ay nangyayari sa labas ng uterus na maaaring kabilangan ng obaryo, fallopian tubes, sidewalls ng pelvic, o bowel.

Ang mga kababaihang nasa edad 30s hanggang 50s ay karaniwang may tyansang magkaroon ng sakit na ito. Ang adenomyosis sa mga mas matatandang babae ay maaaring may kaugnayan sa mas matagal na pagkakalantad sa estrogen kaysa sa mga mas batang babae. Ngunit, mayroon ding mga kaso kung saan ang mga mas batang babae ay nakararanas ng ganitong kondisyon.

Anu-Ano Ang Mga Sanhi Ng Adenomyosis?

Hindi pa rin natutuklasan ang tiyak na sanhi ng adenomyosis. Gayunpaman, iminimungkahi ng mga pag-aaral at teorya na may kaugnayan ang uterine adenomyosis sa isa sa mga sumusunod:

  • Mapanganib na paglaki ng tissue
  • Developmental origins
  • Stem cell origins
  • Pamamaga ng uterine dulot ng pagbubuntis at panganganak

Anu-Ano Ang Mga Senyales At Sintomas Ng Adenomyosis? 

May mga pagkakataon kung saan hindi ito nagpapakita ng mga senyales at sintomas, tanging mga simpleng hindi komportableng pakiramdam lamang. Gayunpaman, may ilang mga kababaihang maaaring makaranas ng ilang mga senyales at ng ilang mga sintomas kabilang ang mga sumusunod:

  • Dysmenorrhea (masakit na menstrual cramps)
  • Menorrhagia (mabigat, matagal, at hindi regular na regla)
  • Dyspareunia (masakit na pakikipagtalik)
  • Masakit at hindi regular na regla
  • Infertility
  • Paglaki ng uterus
  • Malubhang pananakit ng pelvic

Paano Ang Diagnosis Ng Adenomyosis?

Kung sa iyong palagay ay mayroon kang adenomyosis, siguraduhing kumonsulta sa gynecologist. Magsasagawa ang gynecologist ng ilang mga pagsusuri upang malaman ang iyong kondisyon tulad ng mga sumusunod:

  • Pisikal na pagsusuri at ebalwasyon ng mga sintomas, siklo ng reglas, at maging sa family history
  • Ultrasound
  • Pagsusuri ng pelvic
  • Endometrial biopsy
  • Imaging scans (i.e., magnetic resonance imaging o MRI)

Paano Gamutin Ang Adenomyosis?

Ang paggamot at pagkontrol ng adenomyosis maaaring mag-iba-iba sa bawat taong nakararanas nito. Ito rin ay maaaring depende sa maraming mga salik tulad ng kalubhaan ng sakit at mga sintomas nito.

Maaaring irekomenda ng doktor ang pag-inom ng nonsteroidal anti-inflammatory na gamot (ibuprofen o naproxen) upang makatulong na maibsan ang sakit sanhi ng menstrual cramps. Maaari ding uminom ng hormonal contraceptives tulad ng birth control pills, injectables, at IUDs upang mabawasan ang pagdurugo at cramping.

Sa ilang mga pagkakataon, maaaring maging opsyon ang operasyon. Ang hysterectomy ay kinabibilangan ng pagtanggal ng uterus upang hindi na kailangan pang tiisin ang mga nabanggit na pananakit at hindi komportableng pakiramdam. 

Mayroon ding uterine artery embolization kung saan ang doktor ay mag-inject ng maliit na particles o agents sa arteries gamit ang catheter sa singit. Layunin nitong putulin ang suplay ng dugo sa bahagi ng adenomyosis, at maaaring humantong sa pagliit nito.

[embed-health-tool-due-date]

Key Takeaways

Ang pananakit at hindi komportableng pakiramdam na may kaugnayan sa sakit na ito ay maaaring hindi maging malubha tulad ng sa iba pang mga karamdaman. Gayunpaman, maaari itong maging sanhi ng pagkaantala sa mga pang-araw-araw na gawain.
Maaaring hindi ito agad na mapansin sa maaga nitong yugto, ngunit lumulubha ang pananakit nito habang tumatagal. Ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang maunawaan kung ano ang nangyayari sa iyong katawan para sa maaga at epektibong interbensyon.

Matuto pa tungkol sa mga problema sa Kalusugan ng mga Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Adenomyosis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14167-adenomyosis, Accessed October 6, 2021

Adenomyosis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/adenomyosis/symptoms-causes/syc-20369138, Accessed October 6, 2021

Adenomyosis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/adenomyosis/diagnosis-treatment/drc-20369143, Accessed October 6, 2021

Uterine Adenomyosis, https://www.msdmanuals.com/professional/gynecology-and-obstetrics/miscellaneous-gynecologic-disorders/uterine-adenomyosis, Accessed October 6, 2021

Adenomyosis, https://www.uofmhealth.org/health-library/tv2147, Accessed October 6, 2021

Adenomyosis, https://www.nbt.nhs.uk/our-services/a-z-services/gynaecology/adenomyosis, Accessed October 6, 2021

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Masama nga ba Ang Pagsusuot ng Bra? Alamin Dito!

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement