Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ibinahagi ng aming pinagkakatiwalaang panel ng mga doktor at eksperto kung ano sa tingin nila ang susi sa pag-aalaga sa mas malusog, mas maligayang sarili—sa bawat araw. Ano nga ba ang mga gawain ng masayahing babae?
Pang-araw-araw na Gawain ng Malusog at Masayahing Babae, Ayon sa Mga Eksperto
Dr Jessica Jarabe, Internal medicine
Para sa doktor at espesyalista sa internal medicine na si Jessica Jarabe, mahalagang magkaroon ng magandang kalidad ng pagtulog, gawing prayoridad ang pangangalaga sa sarili, at kumain ng mga masusustansyang pagkain, gaya ng pagsunod sa DASH Diet. Ang DASH diet ay isang regimen na nagtataguyod ng panghabambuhay na malusog na gawi sa pagkain. Ito ay partikular na nakatuon sa pagpapababa ng altapresyon nang walang gamot.
Steph Naval, Founder of Empath
Para kay Steph Naval, na ang organisasyong Empath ay naglalayon na gawing mas madaling ma-access ang pangangalaga sa kalusugan ng isip at edukasyon. Ang ilang mga gawi sa pag-aalaga sa sarili na madali at simpleng gawin ay pagyakap sa isang miyembro ng pamilya, pagkakaroon ng oras ng paglalaro kasama ang iyong alagang hayop, at pagsasanay ng mindful breathing.
Dr. Dineth Gutierrez Go, OB-Gynecologist
Ano ang ibig sabihin ng maging isang masayahin at malusog na babae? Para sa OB-Gynecologist na si Dineth Gutierrez, nangangahulugan ito na harapin ang bawat araw nang may pusong puno ng pasasalamat. Nangangahulugan ito ng paggawa ng maingat na pagpili ng pagkain at pag-inom ng maraming tubig. Panghuli, magtakda ng sapat na oras magpahinga at alagaan ang sarili.
Dr. Grazielle Millo-Paderes, Pediatric Dentist
Para kay Dr. Grazielle Paredes, isang pediatric dentist, nakatulong sa kanya na maging mas malusog at mas masaya ay: “pagsusulat sa isang journal at paggawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin pati ang pagdarasal at pasasalamat sa Panginoon kahit sa maliit na pagpapala. At kung malungkot ka, inirerekomenda ko ang paggawa ng isang bagay na mag-aalis sa isip mo roon, tulad ng pag-go-grocery!”
Dr. Rubilyn Saladana-Santiago Pediatrician
Si Dr. Rubilyn Saladana-Santiago, isang pediatrician ay nakatagpo ng kaligayahan sa pananampalataya. Nagdarasal siya at nagpapasalamat sa Diyos sa panibagong araw. Bukod dito ay masustansya ang kanyang kinakain, sinisigurado na palagi siyang may magandang bahagi ng prutas at gulay sa bawat pagkain, pati sa almusal. Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 10 hanggang 15 minuto bawat araw kahit gaano ka-busy ang iskedyul.
Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora, Educator
“Palaging ngumiti, uminom ng maraming tubig, at magpahinga nang mabuti.”—ito ang unang tatlong bagay na naiisip ni Dr. Nina Zamora kung ano ang nagpapalusog at nagpapasaya sa isang babae.
Dr. Regina Victoria Boyles, Pediatrician
Para kay Dr. Boyles, ang mga kababaihan ay karaniwang kilala na laging nagsasagawa ng self-care o pangangalaga sa kanilang kalusugan at kagalingan. Ang pangangalaga sa kanilang kagalingan ay nangangahulugan na pinahahalagahan nila ang kanilang sarili at sila ay masaya sa kanilang sariling katawan kaya’t sila ay nagsisikap na “mapanatili” ito. Ngunit ito ay dapat gawin in moderation.
Ang isa pang likas sa kababaihan ay ang pagiging mapagbigay. Madali nilang ipahayag ang kanilang pasasalamat, o pagkamaalalahanin, at simpleng kagalakan sa pamamagitan ng pagbibigay. Hindi lang sila generous sa mga materyal na bagay kundi pati na rin sa mga salita at/o pag-iisip. Kaya ang patuloy na paggawa ng mga bagay na ito ay maaaring gawing mas malusog at mas masaya ang mga kababaihan.
Janie-Vi Gorospe
Ang susi sa isang mas malusog at mas maligayang sarili, ayon kay Janie-Vi Gorospe, ay ang palaging pagkakaroon ng sapat na tulog, manatiling naka-focus, at palaging maglaan ng oras upang matuto ng mga bagong bagay.
Ang patuloy na paglago at pag-aaral, ay ang susi sa pagpapabuti ng sarili at sa pamamagitan ng pag-aalaga nito, mapalalakas natin ang ating kalidad ng buhay at mapalalalim ang ating antas ng kasiyahan.
Liza Legaspino, Educator
Para sa educator na si Liza Legaspino, ang nakatutulong sa kanya ay ang pagbabasa ng motivational statement o bible verse para itakda ang “mantra” ng araw. Nakatutulong ito na magkaroon ng “growth mindset”. Kaya kahit nahihirapan siya sa trabaho, nagagawa niyang simulan ang kanyang araw na may mas maliwanag na pananaw sa buhay. Ang pagbati sa mga taong nagpapasaya sa iyo, sa social media, ay maaaring makatulong na palakasin ang iyong kumpiyansa at bigyan ka ng lakas ng loob.
Panghuli, makatutulong din ang paglalaan ng oras para sa mga screen break. “Sa aking kaso, ang paglalaro sa aking mga alagang hayop o paglalaan ng oras para sa kanila ay nagbibigay-daan sa akin upang maalis ang stress,” pagbabahagi niya. “Napaka-therapeutic ng mga alagang hayop” Ang isang screen break ay maaari ding mangahulugan ng pagtingin sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Para sa kanya, ito ang kanyang koleksyon ng mga Funko pop na nagdudulot sa kanya ng kagalakan. “Maaari ka ring tumingin sa mga lumang larawan, tandaan ang magagandang alaala at umasa na makita muli sila. At the end of the day, ang pagkakaroon ng malusog at masayang puso ang mahalaga.”
Eauau Roco-De Leon, Yoga Instructor
Eauau Roco-De Leon, isang Yoga practitioner at instructor. Ang mga gawi ng malusog at masayang kababaihan ay kinabibilangan ng: “panahon ng pangangalaga sa sarili – ito man ay pagpapaganda sa iyong sarili sa gabi o paliligo nang matagal. Ito ay isang bagay na dapat mong gawin araw-araw. Matulog ng maaga, gumising ng maaga – pinakamainam na maging kaayon ng iyong natural na biorhythms. Nakakatulong din ito para sa mabuting immunity. Tumawa hangga’t maaari, at magsaya. Life’s too short to be too serious all the time.”