backup og meta

Mababang Estrogen: Alamin Dito Ang Sintomas ng Kondisyong Ito

Mababang Estrogen: Alamin Dito Ang Sintomas ng Kondisyong Ito

Sa mga babae, nagmumula sa ovaries, adrenal glands, at fat cells ang hormone na estrogen. Madalas natin inuugnay ang hormone na ito sa female production at sexual health, pero nakakaapekto rin ito sa iba pang organ sa katawan. Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa mga sanhi at sintomas ng mababang estrogen.

Naaapektuhan ng estrogen ang iba pang bahagi ng katawan

Ang estrogen, na isang sex hormone, ay kumokontrol sa menstrual cycle at mahalaga rin ito sa panganganak. Gayunpaman, tulad ng nabanggit kanina, may impluwensiya rin ito sa iba pang organ sa katawan. Ayon sa mga report, nakakaapekto rin ang estrogen sa:

  • Urinary tract
  • Mga buto
  • Muscles
  • Balat
  • Buhok
  • Utak
  • Heart at blood vessels
  • Kontrol ng cholesterol

Ang mga gawain ng estrogen ang dahilan kung bakit magkakaroon ng malaking epekto sa katawan ng isang babae ang pagbaba ng level nito.

Mga sintomas ng mababang estrogen sa kababaihan

Sa kababaihan, maaaring humantong sa mga sumusunod na sintomas ang pagkakaroon ng mababang estrogen:

Irregular o missed period

Dahil isa ang estrogen sa mga salik na nagtutulak ng ovulation (paglabas ng egg cells), maaaring magresulta ng irregular o missed periods ang mababang estrogen. Dagdag pa rito, maaari din itong maging sanhi ng mga isyu sa fertility ng kababaihan.

mababang estrogen

Vaginal Dryness

Hindi natin mapag-uusapan ang mababang estrogen at ang mga sanhi at sintomas nito nang hindi nababanggit ang vaginal hydration. Maaaring makaranas ng vaginal dryness ang babaeng may mababang estrogen, na kadalasang nauuwi sa masakit na pakikipagtalik.

Urinary Tract Infections (UTIs)

Dahil sa mababaeng estrogen kaya maaaring mas numipis ang urethral lining kung kaya mas malapit ang isang babae sa UTI.

Hot flashes at night sweats

Isa pa sa pinakakaraniwang sintomas nito ang hot flashes. Ang dugong dumadaloy sa iyong balat na nagbibigay sa iyo ng mainit na pakiramdam, na maaaring magdulot ng pagpapawis sa gabi.

Mahinang buto

Alam mo bang nakatutulong din ang estrogen sa pagpapalakas ng buto? Iyon ang dahilan kung bakit maaaring makaranas ng bone weakness o loss ang mga babaeng may mababang estrogen. Madali din silang mabalian at magkaroon ng osteoporosis.

Mood Swings

Maaari ding magresulta sa mood swings ang mababang estrogen, na nagdudulot ng pagkabalisa, kalungkutan, o pagkainis. Bukod dito, maaaring makadagdag sa mood swing at pagkapagod ang kawalan ng tulog dahil sa night sweats at hot flashes.

Depresyon

Napapataas ng estrogen ang level ng serotonin, isa pang hormone na nagpapalakas ng mood. Sa pagbaba ng estrogen, maaari din maapektuhan ang dami ng serotonin sa katawan, na maaaring magdulot ng depresyon.

Mga sakit sa puso

Panghuli, ilang ulat ang nagsasabi na nakatutulong sa pagprotekta ng puso ang estrogen na ginagawa ng ating katawan. Bukod dito, pinapataas din ng hormone na ito ang level ng high-density lipoprotein, o kilala rin natin bilang “good cholesterol.”

Mga sanhi ng mababang estrogen

Ngayong alam mo na ang mga karaniwang sintomas ng mababang estrogen, pag-usapan naman natin ang mababang estrogen at ang mga sanhi nito. Nasa ibaba ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit bumababa ang estrogen ng isang babae:

  • Labis na pag-eehersisyo (karaniwan ito sa mga atleta na nagsasanay)
  • Problema sa thyroid gland
  • Problema sa pituitary gland
  • Mga eating disorder tulad ng anorexia at bulimia
  • Malnutrisyon
  • Isyu sa ovaries, tulad ng mga naoperahan upang alisin ang isa o pareho ng kanilang ovaries.
  • Malalang kondisyon ng bato
  • Mga side effect ng chemotherapy
  • Autoimmune conditions

At higit sa lahat, huwag nating kalimutang maaari ding makaranas nito ang kababaihan na papunta pa lamang sa menopause.

Mga susunod na hakbang

Kung nakararanas ng alinman sa mga karaniwang sintomas ng mababang estrogen, mangyaring komunsulta kaagad sa iyong doktor.

Kung may mga natatagong sakit dahil sa mababang estrogen, gagamutin ng doktor ang nasabing kondisyon upang bumuti ang iyong sintomas. Kapag mayroon namang mababang estrogen dahil sa menopause, posibleng sabihin ng iyong physician ang posibilidad na magsagawa ng estrogen replacement therapy.

Sa mga atleta naman, siguradong tatanungin ka nila kung nagsasanay ka ba nang husto. Kung iyon ang pangyayari, papayuhan kang bawasan ang intensity o dalas ng iyong pagsasanay.

Key Takeaways

Iba-iba sa bawat babae ang sanhi at sintomas ng mababang estrogen. Ngunit sa lahat, menopause ang karaniwang sanhi nito habang kabilang naman sa mga sintomas ang mga problema sa menstrual cycle. Para makatiyak sa iyong kondisyon, mag-book ng appointment sa iyong physician.

Matuto pa tungkol sa Female Hormonal Imbalance dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Menopause: Effects of Low Estrogen Levels
https://www.fairview.org/patient-education/84991
Accessed December 21, 2020

Low Estrogen Levels in Menopause
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00559
Accessed December 21, 2020

Life After Menopause: How to Live With the Effects of Low Estrogen
https://www.iowaclinic.com/obstetrics-gynecology/life-after-menopause-how-to-live-with-the-effects-of-low-estrogen/
Accessed December 21, 2020

Perimenopause: Rocky road to menopause
https://www.health.harvard.edu/womens-health/perimenopause-rocky-road-to-menopause
Accessed December 21, 2020

How Low Estrogen Can Affect Your Body
https://www.cwhwichita.com/blog/how-low-estrogen-can-affect-your-body
Accessed December 21, 2020

Kasalukuyang Version

05/16/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Problema Sa Thyroid Pag Nakararanas Ng Menopause

Epekto sa Balat ng Hormonal Imbalance


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement