backup og meta

Ano Ang Hashimoto's Disease? Alamin Ang Sanhi, Sintomas, At Paggamot Dito

Ano Ang Hashimoto's Disease? Alamin Ang Sanhi, Sintomas, At Paggamot Dito

Ano ang Hashimoto’s disease o Hashimoto’s thyroiditis? Ito ay isang kondisyon sa kalusugan na nakapagbabago ng kalusugan ng thyroid gland. Gayundin, ito ay autoimmune na kondisyon sa kalusugan na nangangailangan ng gamot upang i-manage ang flare-ups. Ngunit paano mo malalaman kung ikaw ay nakararanas ng kondisyon sa autoimmune thyroid o mayroong sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis? Alamin sa artikulo kung ano ang Hashimoto’s thyroiditis.

Sa artikulong ito, mababasa mo ang tungkol sa Hashimoto’s thyroiditis kabilang ang mga sintomas at iba pang mahahalagang punto. Tatalakayin din namin ang epekto sa kalusugan kung iniwang hindi nagagamot ang Hashimoto’s thyroiditis. Kaya’t mahalaga para sa iyo na malaman ang sintomas at humingi ng napapanahong medikal na payo. 

Simulan natin sa kahulugan ng Hashimoto’s disease o thyroiditis.

Pag-Unawa Sa Hashimoto’s Disease

Ano ang Hashimoto’s disease? Ang Hashimoto’s thyroiditis o Hashimoto’s disease ay inflammation ng thyroid gland, na nagreresulta sa underactive thyroid o hypothyroidism. Ito ay autoimmune na kondisyon, na nakaaapekto sa iyong thyroid gland at ang produksyon ng thyroid hormone.

Upang ipaliwanag, ang thyroid gland ay hugis ng paruparo, maliit ito na gland na nasa harap ng iyong leeg. Ang iyong thyroid hormones ay responsable sa pagma-manage ng metabolic rate ng iyong katawan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa buto, utak, puso, digestive function, at muscle function.

Gayunpaman, ang pagtaas o pagbaba sa produksyon ng thyroid hormone ay maaaring mag dulot ng problema sa thyroid tulad ng hyperthyroidism o hypothyroidism. Ang mga ito ay makakikitaan ng tiyak na sintomas, na kung matutukoy agad ay makatutulong sa pag-iwas ng komplikasyon.

Ang autoimmune na disease ay kondisyon kung saan ang immune system mo ay inaatake ang iyong sariling organs at cells. Sa pangkalahatan, ang iyong immune system ay pumoprotekta sa iyong katawan mula sa bacteria at ibang nakasasamang substances mula sa environment.

Ngunit, sa autoimmune disorder tulad ng Hashimoto’s thyroiditis, ang iyong immune system ay inaatake ang iyong thyroid glands at pinipinsala ito. Ito ang nagiging sanhi ng thyroid na mag-produce ng kaunting hormones, karaniwan itong tinatawag na hypothyroidism.

Ang Hashimoto’s thyroiditis ay kilala rin sa tawag na autoimmune thyroiditis at chronic lymphocytic thyroiditis.

Sintomas Ng Hashimoto’s Disease

Ang Hashimoto’s disease ay may sobrang bagal ng pagproseso ng kondisyon, kaya’t ang mga sintomas ay hindi agad mapapansin. Gayunpaman, mainam na malaman ang mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis o ang mga senyales na makatutulong upang matukoy ang problema sa thyroid para sa napapanahong medikal na lunas.

Ang mga senyales at sintomas ng Hashimoto’s disease ay iba-iba sa mga tao, maging ang pagiging malala ng kondisyon. Ilan sa mga senyales at sintomas na maaaring makita sa Hashimoto’s thyroiditis ay:

  • Pagbabago sa iyong boses tulad ng persistent hoarseness
  • Goiter (paglaki ng thyroid gland)
  • Pamamaga ng mukha
  • Menorrhagia o malakas na dugo sa regla
  • Tuyong balat
  • Hypertension o high blood pressure
  • Constipation
  • Pakiramdam na giniginaw
  • Fatigue
  • Pagkalagas ng buhok
  • Cognitive issues tulad ng pagiging makakalimutin o depresyon
  • Mabilis na pagdagdag ng timbang
  • Stiff at tender knees, feet at hand joints

Mayroong mga panahon na ang Hashimoto’s disease ay maaaring hindi makita ang sintomas. Maaari itong nagkataong matukoy sa imbestigasyon sa ibang problema sa kalusugan. Sa mga ganitong kaso, nakatutulong sa pagtukoy ang regular na medikal na checkups o preventive health checkups.

Sino Ang Maaaring Magkaroon Ng Sintomas Ng Hashimoto’s Disease?

Upang matukoy ang kondisyon, mahalaga rin na maging malay sa mga banta sa pag-develop nito. Ang ilang mga tao na may tiyak na salik o kondisyon ay maaaring magkaroon ng malalang banta ng pagkakaroon ng Hashimoto’s thyroiditis

Ang pag-alam sa mga ito ay nakatutulong sa pagtukoy ng mga sintomas at pagkuha ng agad na medikal na tulong upang makumpirma.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa mga mananaliksik ng The Johns Hopkins University School of Medicine, ang mga babae ay walong beses na mas nagde-develop ng Hashimoto’s thyroiditis kaysa sa mga lalaki.

Napag-alaman din ng mga doktor na ang mga babae sa pagitan ng edad na 40 at 60 ay mas maaaring magkaroon ng ganitong kondisyon kaysa sa mga teenage o young women.

Ang tsansa ng pagkakaroon ng Hashimoto’s thyroiditis ay maaaring tumaas kung ang kahit na sino sa pamilya ay nakaranas ng ganitong kondisyon o mayroon na nito. Maaari kang magkaroon ng Hashimoto’s disease kung mayroon ka nang autoimmune disease. Makatutulong ito na maging malay sa mga posibleng banta.

Ang mga taong may mga tiyak na kondisyon ay papayuhan ng regular na checkups upang matukoy ang banta at masuri ang mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis.

Kondisyon Na Kaugnay Ng Hashimoto’s Disease

Ang mga sumusunod na listahan ay ang mga kondisyon na kaugnay ng Hashimoto’s disease, tulad ng:

  • Vitiligo Isang kondisyon kung saan ang ilang parte ng balat ay nagiging maputla o maputi.
  • Lupus – Malala at pangmatagalang kondisyong autoimmune din, na nakaapekto sa maraming parte ng katawan.
  • Addison’s disease – Isang hormonal disorder na nagreresulta sa pagbaba ng cortisol na humahantong sa pagkahina, fatigue, at hypotension.
  • Sjogren’s syndrome – Isang sakit na sanhi ng pagkatuyo ng mga mata at bibig.
  • Autoimmune hepatitis – Sakit kung saan ang sariling immune system ay inaatake ang iyong atay.
  • Celiac disease – Isang digestive disorder na maaaring makapinsala sa small intestine.
  • Type 1 diabetes – Kondisyon na nangyayari kung ang iyong blood sugar ay mataas.
  • Pernicious anemia – Isang disorder na sanhi ng kakulangan sa bitamina B12.
  • Rheumatoid arthritis – Isang kondisyong autoimmune, na nakaapekto sa joints at minsan iba pang sistema ng katawan.

Ano Ang Mga Epekto Sa Kalusugan Ng Hashimoto’s Thyroiditis Kung Hindi Ito Na-Diagnose Nang Maaga?

Ano ang Hashimoto’s disease at epekto nito? Ang pinaka dahilan ng pagtukoy ng mga posibleng sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis ay upang maiwasan ang mga mas malalang epekto sa kalusugan o komplikasyon at upang makatanggap ng napapanahong lunas.

Narito ang ilang mga posibleng komplikasyon, na maaaring maranasan dahil sa hindi na-diagnose o hindi nagamot na Hashimoto’s thyroiditis.

Myxoedema

Ang myxoedema ay malalang uri ng estado ng hypothyroidism na may hindi natural na pagkaantok, coma, at labis na pagiging sensitibo sa malamig na temperatura bilang sintomas. Sa malalang mga kaso, ang kondisyon na ito ay maaari ding ikamatay.

Gayunpaman, bihira na makaranas ang mga tao ng myxoedema. Madalas itong nangyayari kung ang mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis ay hindi napansin at ang kondisyon ay iniwang hindi nagagamot.

Kabawasan Sa Sex Drive

Maaaring maapektuhan ang emosyon ng hypothyroidism at magpababa ng sex drive. Ang mababang level ng thyroid ay nagpapababa rin ng sex hormones testosterone (sa mga lalaki) at oestrogen (sa mga babae), na naaapektuhan ang kanilang sekswal na kalusugan. Ang sexual dysfunction ay maaari ding humantong sa mental na problema tulad ng depresyon.

Kaya’t kung nakakitaan mo ang sarili ng sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis, humingi ng medikal na tulong, at i-manage ang kondisyon.

Congenital Defects

Ang isang babae na mayroong hindi nagagamot na Hashimoto’s thyroiditis ay maaaring manganak ng isang sanggol na may congenital defects. Ang hindi pa isinisilang na sanggol ay maaaring magkaroon ng problema sa utak, bato, o malformation sa puso, at cleft palate.

Kaya’t ang mga babae na nagpaplano na magka-baby at ang mga buntis ay kailangan na maging vigilante, tignan ang mga posibleng sintomas, at humingi ng medikal na tulong upang maiwasan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis.

Problema Sa Puso

Ang mababang produksyon ng thyroid hormones ay maaaring magpataas ng lebel ng LDL cholesterol (masamang cholesterol) sa katawan. Nagpapataas ito ng banta ng cardiovascular na sakit, kabilang ang atake sa puso.

Sa tiyak na mga kaso, ang Hashimoto’s disease ay nagiging sanhi ng ibang problema sa cardiovascular tulad ng heart failure o paglaki ng puso. Kaya’t siguraduhin na hindi mo binabalewala ang mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis.

Goiter

Ang kondisyon na ito ay nagiging sanhi ng paglaki ng iyong thyroid gland. Sa mga malalang kaso, ang iyong lalamunan ay magmumukhang tennis ball na nakadikit sa iyong oesophagus. Mayroong mga posibilidad na ang malaking thyroid gland ay maaaring maging sanhi ng problema sa paglunok at problema sa paghinga.

Ang mga kapansin-pansin na pagbabago sa paligid ng lalamunan o sintomas na kaugnay ng hirap sa pagnguya o pagsasalita ay maaaring kaugnay ng problema sa thyroid. Tandaan ang mga ito at humingi agad ng medikal na payo.

Paano Makukumpirma Kung Ikaw Ay Nakararanas Ng Hashimoto’s Disease

Ano ang Hashimoto’s disease? Kung nakapansin ng mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis, magpatingin sa doktor. Ang iyong doktor ay magsasagawa ng mga test depende sa mga sintomas ng Hashimoto’s thyroiditis at ibang mga salik sa kalusugan. Magsasagawa ang iyong doktor ng physical examination, kabilang din ang thyroid-stimulating hormone (TSH) blood test.

Sa pangkalahatan, ang mga tao na may medical na history na problema sa thyroid ay nadi-diagnose nang maaga upang matukoy ang development ng Hashimoto’s thyroiditis o kahit na anong problema sa thyroid. Kinakailangan ng regular na checkup para sa mga taong may malaking banta upang makatulong sa maagang pagtukoy at paggamot nito.

Ang pagsunod ng panuto ng iyong doktor at ang pagsasailalim sa test upang matukoy ang isyu ng thyroid at posibleng sanhi nito. Huwag gumamit ng kahit na anong gamot para sa thyroid liban na lamang kung inireseta ng doktor. Sundin ang payo ng doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hashimoto’s Thyroiditis (Lymphocytic Thyroiditis)/https://www.thyroid.org/hashimotos-thyroiditis/Accessed on 19/05/2020

Hashimoto’s Disease/https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17665-hashimotos-disease/Accessed on 19/05/2020

Could you have a thyroid problem-and not know it?/https://www.health.harvard.edu/womens-health/could-you-have-a-thyroid-problem-and-not-know-it/Accessed on 19/05/2020

Thyroid – Hashimoto’s disease/https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/thyroid-hashimotos-disease/Accessed on 19/05/2020

Hashimoto’s Thyroiditis/https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hashimotos-thyroiditis/Accessed on 19/05/2020

Hypothyroidism (underactive thyroid)/https://www.uclahealth.org/endocrine-center/hypothyroidism/Accessed on 19/05/2020

Hashimoto’s Disease/https://www.niddk.nih.gov/health-information/endocrine-diseases/hashimotos-disease/Accessed on 19/05/2020

Hashimoto thyroiditis: clinical and diagnostic criteria/https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/24434360/Accessed on 19/05/2020

Kasalukuyang Version

06/24/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkakaiba Ng Thyroid At Parathyroid Glands

Autoimmune Disease Ng Babae: Heto Ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement