Naririnig natin kadalasan ang mga kababaihan na umiinda dahil sa sakit ng kanilang balakang, lalo na kapag ang kanilang gawain sa araw-araw ay kinasasangkutan ng pagbubuhat, at maraming paggalaw. Kung saan masasabi na ang ating balakang ay mayroong malaking gampanin sa pagbabalanse ng ating mga paggalaw at pagkilos. Kaya naman napakahalagang malaman kung bakit sumasakit ang balakang ng isang babae para mabigyan sila ng angkop na treatment.
Basahin mo ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pagsakit ng balakang.
[embed-health-tool-ovulation]
Bakit Sumasakit Ang Balakang Ng Isang Babae?
Maraming dahilan kung bakit maaaring makaranas ng pananakit ng balakang ang isang babae, at narito ang mga sumusunod na dahilan na dapat mong malaman:
- Pagkakaroon ng rayuma
- Masyadong napupuwersa ang mga muscle ng balakang
- Pagtanda ng mga buto sa gulugod habang nagkakaedad ang isang tao
- Pagkakaroon ng sobrang timbang
- Kakulangan sa ehersisyo
- Maling posisyon sa pag-upo, pagbubuhat, at paghiga
- Pagkakaroon ng scoliosis
- Pagdadalang-tao o nagbubuntis
[embed-health-tool-bmi]
Bukod sa mga nabanggit na sanhi ng pagsakit ng balakang ng isang tao, kadalasan ang muscle strain o sprain ang dahilan ng pagsakit ng balakang ng isang indibidwal. Nagaganap ito kapag ang litid o iyong ligament ay nababanat ng masyado at nagiging dahilan ng pagkapunit nito.
Narito ang list ng mga senaryo na pwedeng maging dahilan ng pagkabanat ng iyong litid:
- Pagkakaroon ng sports injuries
- Nagkaroon ka ng maling pag-ikot sa iyong katawan
- Nahulog ka o nabagsak
Mayroon ding mga pagkakataon na sumasakit ang balakang ng isang babae dahil sa kanyang buwanang dalaw o mentsruation cycle.
Mga Medikal Na Kondisyon Na Pwedeng Dahilan Ng Pagsakit Ng Balakang
Sa ilang mga kaso ang pananakit ng balakang ay maaaring indikasyon ng mga mas malalang medikal na kondisyon na dapat tugunan. Narito ang mga sumusunod:
- Slipped disc
- Rayuma
- Kidney stones at impeksyon
- Appendicitis
- Endometriosis
Mahalaga na malaman ang mga sakit na nauugnay sa pagsakit ng balakang upang mabigyan ng angkop na paggamot ang isang tao at maiwasang ang anumang medikal na komplikasyon at pagkamatay.