backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Butlig na May Tubig, Ano ang Maaaring Sanhi Nito?

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD · Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

Butlig na May Tubig, Ano ang Maaaring Sanhi Nito?

Madalas nagkakaroon ng mga butlig na may tubig sa paa o kaya naman sa mga kamay. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga ito? Ating alamin ang mga karagdagang impormasyon patungkol sa kung ano ang mga butlig sa artikulong ito. 

Ano ang Butlig na May Tubig?

Ang butlig na may tubig, o mas kilala sa tawag na paltos, ay tumutukoy sa isang kondisyon ng balat kung saan pinupuno ng likido ang puwang sa pagitan ng layer ng balat. 

Madalas na nabubuo ang mga ito sa mga kamay at paa buhat ng pagkukuskos at presyon. Sa paa, ito ay karaniwan kapag ikaw ay nagsusuot ng hindi komportableng sapatos. Sa kabilang banda, maaari ka naman magkaroon ng ganito sa kamay kung hindi ka nagsusuot ng mga guwantes kapag gumagawa ng mga bagay tulad ng pagpupok gamit ang martilyo o pagbibisikleta. Bukod sa paa at kamay, maaari rin itong lumitaw sa kahit anong parte ng katawan. 

Ito ay maaaring masakit o makati, at kung impeksyon ang dahilan ng pagkabuo nito, maaari itong magkalaman na nana. 

Ano ang mga Sanhi ng Butlig na May Tubig?

Maaari kang makakuha ng mga butlig na may tubig sa iba’t ibang paraan, kabilang ang ilang mga sakit, injury, allergic reaction, at impeksiyon. Ang mga ito ay maaaring ikategorya sa mga sumusunod na mga karaniwang uri ng paltos:

Blood blisters

Ang mga kurot sa balat ang pangunahing dahilan ng mga blood blisters. Sa halip na malinaw na likido, dugo ang laman nito sa loob. Ito ay mula sa mga sirang daluyan ng dugo at pinsala sa mas mababang mga layer ng balat. 

Friction blisters

Ito ang pinakaraniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga butlig na may tubig. Dulot ng pagkiskis sa balat, nabubuo ito kapag naipon ang malinaw na likido sa itaas na mga layer ng balat. 

Humahantong sa naturang uri ang sobrang paglalakad na hindi gumagamit ng medyas o paggamit ng hindi komportableng sapatos. Maaari mo ring makuha ang mga ito sa iyong mga kamay mula sa paghawak ng mga bagay tulad ng mga pala o iba pang mga tool.

Heat blisters

Gaya ng iminumungkahi ng pangalan ng uring ito, mga paso o sunog (tulad ng sunburn) ang dahilan ng uri na ito. Dagdag pa rito ang mga frostbite. 

Ang mga butlig na may tubig ay bahagi ng second-degree burn.

Ilan pa sa ibang mga sanhi ay ang mga sumusunod na sakit ng balat:

Paano Nagagamot ang mga Butlig na May Tubig?

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang mga butlig na may tubig ay karaniwan namang kusang gumagaling sa loob ng ilang araw. 

Makatutulong ang mga sumusunod na paraan upang mas maging komportable ka sa mga ito:

  • Iwasan ang sadyang pagputok nito dahil maaaring lumala ang impeksyon.
  • Linisin ang paligid ng apektadong lugar gamit ang mild soap.
  • Takpan ang paltos gamit ang malambot na plaster o padded dressing.
  • Panatilihing malinis ang kamay sa pamamagitan ng paghuhugas bago at matapos hawakan ang isang pumutok na paltos.
  • Hayaang maubos ang likido mula sa pagkaputok bago ito lagyan ng antibacterial cream, ointment, o petroleum jelly. 
  • Muling takpan ito ng panibagong plaster o dressing.

Mangyaring obserbahan ang apektadong lugar para sa mga senyales ng impeksyon tulad ng pagtaas ng init, pamamaga, pamumula, pagpapatuyo, pagbuo ng nana, o pananakit. Kung may napansin kang anumang senyales ng impeksyon, tawagan kaagad ang iyong doktor. Maaaring mangailangan ka na ng tulong ng antibiotic.

Key Takeaways

Hindi nakakaalarmang kondisyon ang mga butlig na may tubig. maaaring maramdaman ang pangangati o panakikit nito paminsan-minsan, ngunit kadalasan naman ito ay kusang nawawala.
Bago dumiretso sa paggamot nito, mahalagang malaman kung ano ang posibleng sanhi ng pamumuo nito. Ito ay makatutulong magkaroon ng mas akmang gamot para dito.  Nararapat din na huwag balewalain ang isang apektadong paltos. Kung walang paggamot, maaari itong humantong sa impeksyon sa balat o dugo.

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

advertisement iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

advertisement iconadvertisement
advertisement iconadvertisement