Sa isang Tiktok video inamin ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak ang pagsailalim nito sa isang breast reduction surgery. Kung saan ipinasilip niya sa kanya Tiktok video ang iba’t ibang bidyu at larawan na nagpapakita ng kanyang ginawang paghahanda bago ang operasyon sa pagbawas ng laki ng kanyang dibdib. Kaya naman marami ang na-curious kung ano ang breast reduction surgery at bakit nga ba kailangan itong isagawa?
Matatandaan na noong 2020 nagsimula na magbigay ng hint si Erika tungkol sa plano niyang pagpapabawas ng dibdib, at makikita rin sa kanyang Tiktok video na kumonsulta siya sa isang doktor para sa bagay na ito.
Ayon na rin kay Ina Raymundo ang ina ng dalaga matagal ng gustong magpabawas ng suso ng kanyang anak dahil sa insecurity na nararamdaman.
Basahin mo ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa surgery sa pagpapabawas ng suso.
Ano ang breast reduction Surgery?
Ang breast reduction ay kilala rin bilang “reduction mammaplasty,” at ginagamit ang surgery o pamamaraan na ito para alisin ang sobrang taba ng suso at glandular tissue upang makamit ang laki ng suso na angkop sa proporsyon ng iyong katawan.
Maraming tao ang naghahangad ng breast reduction surgery sa paghahangad na maibsan ang discomfort na nararamdaman dahil sa pagkakaroon ng sobrang laking suso.
Mayroon bang epekto sa mental health ang pagkakaroon ng malaking suso?
Maaaring makaranas ng physical at emotional distress ang ilang mga tao na nagtataglay ng malaking suso dahil sa physical discomfort na pwede nilang maranasan na resulta ng timbang at bigat ng kanilang suso. Dagdag pa rito, maaaring maging mahirap para sa kanila ang paggawa ng ilang physical activities na sanhi para maghirap sila sa emotional distress.
Sino ang pwedeng sumailalim sa breast reduction surgery?
Kadalasan ang mga naghahanggad na magkaroon ng breast reduction surgery ay ang mga taong may sobrang lalaking dibdib o may malaking suso. Pero dapat mo munang siguraduhin na angkop para sa’yong katawan at kalusugan ang operasyon na ito.
Narito ang mga sumusunod na dapat mong tandaan at isaisip bago magpaopera:
- Mayroon kang makatotohanang expectations
- Malusog ang iyong pangangatawan
- Hindi ka naninigarilyo
Sa oras din na maranasan mo ang mga sumusunod na discomfort maaari mong ikonsidera ang pagpapaopera:
- Nagkakaroon ka ng hindi komportable na pakiramdam dahil sa malaking sukat ng dibdib.
- Nalilimitahan ng iyong malaking suso ang paggawa ng ilang mga pisikal na aktibidad.
- Nakakaranas ka ng pananakit ng likod, leeg at balikat dahil sa bigat ng iyong suso.
- Nahihirapan ka nang ikabit ang iyong bra straps.
- Nagkakaroon ka na ng skin irritation sa ilalim ng iyong breast crease.
Ano breast reduction surgery risks?
Ang pagiging matagumpay at pagkakaroon ng kaligtasan sa breast reduction procedure ay nakadepende rin sa’yong kumpletong consultation at lifestyle. Dapat mo ring malaman ang mga posibleng risk sa breast reduction surgery, at narito ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng posibilidad ng revisional surgery
- Infection
- Mabagal na paggaling ng sugat
- Pagdurugo o hematoma
- Pagbabago sa nipple o breast sensation (maaaring maging temporary o permanent ito)
- Anesthesia risk
- Pagkakaroon ng scarring
- Contour at shape irregularities
- Permanenteng pigmentation changes
- Skin discoloration
- Pamamaga
- Pagkakaroon ng pasa
- Breast asymmetry
- Seroma
- Sobrang firmness ng suso
- Pagkakaroon ng potensyal na kawalan ng kakayahan sa pag-breastfeed
- Skin necrosis
- Pagkakaroon ng potensyal na pagkawala ng nipple at areola
- Deep vein thrombosis, cardiac at pulmonary complications
- Pananakit na hindi nawawala
- Fat necrosis
Paano isinasagawa ang breast reduction surgery?
Narito ang list ng mga dapat mong malaman kung paano isinasagawa ang breast reduction surgery:
Paghahanda/Preparation
- Pagkuha ng lab test o medical evaluation
- Pag-inom ng ilang partikular na medications o pagkakaroon ng adjustment sa’yong kasalukuyang gamot
- Pagtigil sa paninigarilyo
- Pag-iwas sa pag-inom ng aspirin, herbal supplements, at anti-inflammatory drugs dahil pwede nilang mapataas ang pagdurugo o bleeding
- Pagkuha ng baseline mammogram bago ang operasyon
Kasama rin sa paghahanda para sa surgery ang pagbibigay ng special instructions ng iyong doktor sa kung ano ang gagawin sa mismong araw ng surgery, at anu-ano ang post-operative care at follow ups na dapat mong gawin.
Procedure
Narito ang summary kung paano isinasagawa ang breast reduction surgery:
- Step 1 — Pagbibigay ng anesthesia sa pasyente
- Step 2 — Pagsasagawa ng incision na kinakailangan para sa iyong operasyon
- Step 3 — Pagtatanggal ng tissue at pagsasagawa ng repositioning
- Step 4 — Pagsasara ng mga isinagawang incisions
Ang resulta ng iyong breast reduction surgery ay mabilis na makikita, at sa paglipas ng panahon ang post-surgical swelling ay gagaling at mawawala rin ang mga incision line.
Ano ang mga dapat asahan sa resulta ng operasyon?
Sinasabi na “long lasting” ang resulta ng breast reduction surgery, at ang bagong sukat ng iyong suso ay makakatulong upang magawa ang mga aktibidad na hindi mo magawa dahil sa dating bigat at sukat ng iyong dibdib.
Gayunpaman, maaaring magbago ang itsura ng iyong suso dahil sa hindi mapipigilan na pagtanda, weight fluctuations, gravity at hormonal factors.
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng mabigat at malaking sukat ng suso sa mga babae ay pwedeng maging sanhi ng kanilang discomfort at stress. Pero dahil nasa makabagong panahon na tayo nakadiskubre na ang mga doktor at researcher ng surgery na pwedeng makatulong sa pagbawas ng sukat at bigat ng mga suso ng mga babae. Subalit dapat mong tandaan na bago ka sumailalim sa anumang operasyon siguraduhin mo muna na nagkaroon ka ng sapat na paghahanda upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.