Ang populasyon na patuloy na lumalaki gamit ang teknolohiya at internet ay gumugugol ng higit na mas maraming oras sa harap ng mga screen ng mga devices — kompyuter, smartphone, malalaking flat-screen na telebisyon, at tablet, upang pangalanan ang ilan. Naging sanhi ng pag-aalala ang blue light marahil ang mga trabaho ngayon ay digital na. Dagdag pa rito, naghahatid din ang entertainment at tulong pangedukasyon para sa mga millennial at Gen Z-ers ang kanilang telepono. Sa artikulong ito, malalaman natin ang kasagutan sa tanong na: Makatutulong ba ang sunblock para sa blue light?
Upang mas maunawaan, alamin muna natin kung ano ang liwanag na ito at kung paano ito nakakaapekto sa atin. Pagkatapos ay malalaman natin kung ang epektibo ang sunblock para sa blue light, at kung gayon, anong klase.
Ano ang Blue Light?
Ang ganitong uri ng liwanag ay bahagi ng visible light spectrum sa pagitan ng mga wavelength na 400 nm (nanometer) hanggang 500 nm. Sa araw, ang blue light ay kapaki-pakinabang para sa pagtaas ng attention span at reaction time. Dagdag pa rito, nakaiimpluwensya rin ito sa mood. Ang problema ay kapag na-expose sa blue light, pinipigilan nito ang melatonin, ang hormone na responsable sa pagpapatulog sa iyo. Sa ganitong paraan, naaapektuhan nito ang natural na cycle ng pagtulog at paggising ng katawan. Ang sikat ng araw ay ang pangunahing pinagmumulan ng blue light. Gayunpaman, ang mga LED lights, fluorescent lights, mga electronic devices, TV, at mga screen ng computer ay maaari ring maglabas nito.
Maaaring magmukhang nakakatawa ang pagtanong kung maaari bang maprotektahan ng sunblock para sa blue light, ngunit ayon sa mga pag-aaral, ang blue light ay may parehong mga kaigihan at kasamaan sa balat. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mababang enerhiya at mababang oras ng exposure sa high energy visible light (HEV), o blue light, ay pumipigil sa mga sakit sa balat. Ang mga pinsala nito ay buhat ng mahabang exposure time – nagdudulot ito ng pinsala sa:
- DNA
- Mga mata
- Skin barrier
Ito ay maaari ring maging sanhi ng pagkamatay ng cell at tissue at photoaging.
Ano ang mga Epekto Nito?
Ang pinakakapansin-pansing epekto ng blue light ay ang henerasyon ng mga non-enzymatic nitric oxide radical (free radicals) at reactive oxygen species. Maraming salik ang nakakatulong sa pagtanda ng balat:
Subalit, ang ultraviolet radiation ay bumubuo sa 80% ng mga salik na ito sa kapaligiran. Sa katunayan, ito ang pinakamahalagang kadahilanan sa kanser sa balat at pagtanda.
Ang blue light ay tumutukoy sa 10% ng skin aging at maaaring magpakita sa mga sumusunod na paraan:
- Melasma
- Pekas (freckles)
- Actinic keratoses (precancerous spots)
- Pagbabago ng texture
Ano ang mga Senyales ng Photoaging?
Ang sun exposure at UV light exposure ay maaaring makapinsala ng balat. Ngunit, 10% ng skin aging ay nauugnay sa HEV.
Ang iba pang mga senyales ng photoaging ay:
- Spider veins sa ilong, pisngi, at leeg
- Pigmented spots
- Uneven skin color
- Wrinkles at deep creases
Nakatutulong Ba ang Sunblock Para sa Blue Light?
Oo ang sagot sa katanungang tungkol sa tulong na hatid ng sunblock para sa blue light.
Upang maprotektahan ka mula sa visible light, ang sunblock para sa blue light ay dapat nakikita. Ang mga tinted sunscreens ay naglalaman ng mga pormulasyon na kabilang ang mga ultraviolet filters tulad ng titanium oxide at iron oxides.
Ibinunyag ng isang pag-aaral na ang mga sunblock na may titanium oxide at zinc oxide ay epektibo laban sa UVA at UVB radiation. Ngunit, marahan lamang ang bisa nito laban sa HEV (blue) light.
Sa kabilang banda, ang mga sunblock na nagtataglay ng zinc oxide at iron oxide ay nakatutulong maprotektahan ka laban sa blue light.
Key Takeaways
Pinakamainam na pumili ng mga tinted sunblock para sa blue light na mayroong titanium oxide at iron oxides.
Maaaring makapinsala ang blue light, ngunit kadalasan natin itong natatanggap mula sa mga screen ng TV at kompyuter, mga LED lights, mga fluorescent lights at iba pang mga electronic devices. Hindi lamang nito naaapektuhan ang ating mga mata at mga gawi sa pagtulog, ngunit maaari rin itong mag-udyok sa pagtanda ng balat.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.