backup og meta

Sunblock: Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol Dito!

Sunblock: Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol Dito!

Dito sa Pilipinas, sanay na sanay na ang mga tao sa init ng panahon, lalo na kapag summer na. Dahil sa matinding init at sikat ng araw, karaniwan na sa mga Pilipino ang gumamit ng mga sumbrero, payong, at pati na rin ng sunblock upang protektahan ang balat.

Sa article na ito, ating tatalakayin kung anu-ano pa ang benepisyong dala ng paggamit ng sunblock, mga tips sa paggamit nito, at kung ano ang maitutulong nito sa ating kalusugan. Magbasa rito at alamin!

Ano ang sunblock at bakit ito ginagamit?

Ang sunblock ay isang produkto na ipinapahid sa balat upang magbigay ng proteksyon sa sikat ng araw.  Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga sangkap na hinaharangan ang sikat ng araw upang maprotektahan ang balat.

Ang ginagamit na pamantayan upang sukatin ang bisa ng mga sunblock pati na rin ng sunscreen ay tinatawag na SPF o sun protection factor. Base sa pangalan nito, ang SPF ay nagdidikta kung gaano ka-bisa ang proteksyon na ibinibigay ng isang produkto.

Ang proteksyon na ibinibigay ng sunblock ay mahalaga dahil nakatutulong ito upang makaiwas sa skin damage na dulot ng UV o ultraviolet light mula sa sikat ng araw. Ang ultraviolet light na ito ay tumatagos sa mga ulap at mas matindi sa mga matataas na lugar at sa mga lugar na malapit sa equator tulad ng Pilipinas.

Bukod dito ay mayroong dalawang uri ng UV light: ang UV-A at ang UV-B. Ang UV-A ay nagiging sanhi ng pagkakulubot ng balat, freckles, pagbabago sa balat, premature aging, at skin cancer. Ang UV-B naman ang nagiging sanhi ng sunburn o pagkasunog ng balat. Bagama’t hindi naman agaran ang epekto ng UV light na ito sa ating balat, kapag tumatagal at dumadalas ang exposure ay mas nakakapinsala ito sa balat. Kaya mahalaga ang paggamit ng proteksyon tulad ng sunblock at sunscreen.

Ano ang pagkakaiba nito sa sunscreen?

Ngayong alam na natin kung ano ang sunblock at bakit ito mahalaga, pag-usapan naman natin ang pagkakaiba nito sa sunscreen.

Ang pangunahing pagkakaiba ng sunblock sa sunscreen ay sa paraan kung paano napoprotektahan ang ating balat. Ang sunblock ay gumagawa ng “barrier” o humahadlang sa UV rays upang hindi ito mapunta sa ating balat. Ito ang dahilan kung bakit opaque ang sunblock at kapag gumagamit ka nito ay mayroong parang puti-puti sa balat; ito ang barrier na pinoprotektahan ang iyong balat mula sa sikat ng araw.

Ang sunscreen naman ay gumagamit ng mga ingredients na direktang ina-absorb ang UV light upang hindi ito tumama sa balat.

Pagdating naman sa pagiging epektibo, hindi rin naman nagkakalayo ang sunscreen at sunblock, lalo na kung parehas lang ang SPF ng mga ito. Gayunpaman, ang sunscreen ay hindi kayang harangan ang UV-A rays, na nagagawa ng sun block.

Ang ikinaganda pa ng sunblock ay bihira ang nagkakaroon ng skin reaction sa paggamit nito. Ito ay dahil gumagamit ito ng titanium dioxide at zinc oxide na napatunayang safe at hindi makasasama sa balat. Kung sensitibo ang iyong balat, o kaya ay kailangan ng isang bata o sanggol ng proteksyon mula sa araw, mas mainam gumamit ng sunblock. Mas mabisa rin ang sunblock kapag matagal na magbibilad sa araw. Kaya’t ito ang inirerekomendang gamitin kapag pumupunta sa beach

Bagama’t iba ang proteksyon ng sunscreen, malaki rin ang naitutulong nito sa pangangalaga ng ating balat. Ang sunscreen ay madaling gamitin dahil para lamang itong lotion na ipapahid at hihintaying matuyo sa balat. Bukod dito, maaari rin itong gamitin bago maglagay ng makeup, at mayroon ring mga makeup na may nakahalong sunscreen. Kung pang araw-araw na proteksyon ang pangangailangan, malaki ang naitutulong ng sunscreen.

Kung nais mong protektahan ang iyong balat, mainam na pumili ng produkto na swak sa iyong pangangailangan. Parehas na mabisa ang mga produktong ito, at makatutulong na magbigay ng proteksyon mula sa sikat ng araw.

Ligtas ba ang paggamit nito araw-araw?

Ligtas ang paggamit ng sunscreen at sunblock araw-araw. Gayunpaman, mahalaga ring kilatising mabuti ang mga produktong iyong bibilhin, lalo na kung sensitibo ang iyong balat.

I-research muna ng mabuti ang produkto at siguraduhing aprubado ito ng FDA. Bukod dito, mabuti rin na i-test muna ang produkto sa maliit na bahagi ng iyong balat bago gamitin sa mukha o buong katawan. Kapag walang naging masamang reaksyon ay safe na itong gamitin sa iyong balat.

Kung gusto mong makasigurado, nakakabili rin ng mga sunblock at sunscreen na mas mild ang mga ginagamit na ingredients. Kadalasang nakasulat ito sa mismong label, at ligtas gamitin ng mga bata, sanggol, at mga may sensitibong balat

Tandaan

Pagdating sa proteksyon mula sa araw, mahalaga ang paggamit ng sunblock at sunscreen. Alin man sa dalawang ito ang mapili mo ay siguradong makatutulong upang makaiwas sa masamang epekto ng pagkabilad sa araw.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Sunscreen: Chemical Ingredients and Summertime Safety – Chemical Safety Facts, https://www.chemicalsafetyfacts.org/health-and-safety/sunscreen-chemical-ingredients-and-summertime-safety/
  2. Sunblock Skin Protection – Craig Hospital, https://craighospital.org/resources/have-fun-in-the-sun-but-protect-your-skin
  3. Sunscreen vs Sunblock: What’s the Difference? | University Hospitals, https://www.uhhospitals.org/blog/articles/2023/06/sunscreen-vs-sunblock-whats-the-difference
  4. Sunscreen and Your Morning Routine | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/sunscreen-and-your-morning-routine

Kasalukuyang Version

03/21/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement