backup og meta

Uri Ng Psoriasis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Uri Ng Psoriasis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ang psoriasis ay isa sa mga pinaka-karaniwang kondisyon ng balat. Ipinapakita ng data na 125 milyong tao ang nagdurusa sa psoriasis sa buong mundo. Ngunit ano ang kondisyong ito at ano ang pinakakaraniwang uri ng psoriasis? Basahin dito.

Ano Ang Psoriasis?

Ayon sa American Academy of Dermatology, ang psoriasis ay isang pangmatagalang kondisyon ng balat na nangyayari kapag ang skin cells ay masyadong mabilis na nagagawa na nagiging sanhi upang mag-pile up at lumikha ng mga patch sa balat.

Maaaring lumitaw ang psoriasis sa anumang bahagi ng katawan ngunit kadalasang nakakaapekto sa mga bahagi tulad ng:

  • Tuhod
  • Siko
  • Anit

Ang patches sa balat na dulot ng psoriasis ay tila tuyo at nangangaliskis, at kadalasan ay paltos o nanunuot. Gayunpaman, ang mga patch na ito ay maaaring halinhinan na lumabas at humupa sa loob ng ilang panahon.

Ang mga uri ng psoriasis ay maaaring makilala batay sa hitsura at kung saan sila lumilitaw sa katawan.

Gayunpaman, posible para sa isang tao na magkaroon ng higit sa isang uri ng psoriasis.

Uri ng Psoriasis

Mayroong ilang mga uri ng psoriasis na lumilitaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Makakatulong ang iyong healthcare provider na matukoy kung alin sa mga uri ng psoriasis ang mayroon ka upang matukoy kung aling uri ng paggamot ang pinakamabuti para sa iyo. 

Plaque Psoriasis

Ang plaque psoriasis ay kabilang sa mga pinaka karaniwang uri ng psoriasis. Ang sakit na ito ay nakaumbok,  pula, at makakapal na mga patch ng balat na natatakpan ng silvery build-up ng dead skin.Ang mga patch na ito ay naiiba sa laki at kadalasang lumilitaw sa ibabang likod, siko, tuhod, o anit. Madalas silang nangangati, at maaari silang pumutok at dumugo.

Guttate Psoriasis

Ang ganitong uri ng psoriasis ay ang pangalawa sa pinaka karaniwang sa mga uri ng psoriasis, kasunod ng plaque psoriasis. Ito ay marami, maliit, at drop-shaped na mga sugat na karaniwang lumalabas sa trunk o limbs. Ang guttate psoriasis ay kadalasang nakakaapekto sa mga bata o kabataan, at kadalasang nati-trigger ito ng bacterial infection tulad ng strep throat.

Inverse Psoriasis

Ang inverse psoriasis o intertriginous psoriasis ay kadalasang nakakaapekto sa folds ng katawan tulad ng singit o pigi. Ito ay napaka pula at makinis na mga sugat na lumalala dahil sa friction o pawis.

Pustular Psoriasis

Ang pambihirang psoriasis na ito ay pangunahing nakakaapekto sa mga kamay at paa, na nagdudulot ng masakit na mga paltos at nangangaliskis na balat na madaling pumutok.

Erythrodermic Psoriasis

Ang ganitong psoriasis ay ang pinaka-karaniwan ngunit pinaka-mapanganib na uri ng psoriasis na nagiging sanhi para ang malaking bahagi ng balat ay maging  sobrang pula at “sunog.” Ang erythrodermic psoriasis ay maaaring maging banta sa buhay kung hindi magagamot.

Paano kaya?  Ang balat, ang pinakamalaking organ ng iyong katawan, ay gumaganap ng mahalagang papel na i-manage ang temperatura ng iyong katawan, pagpapanatiling hydrated ka, at higit sa lahat, pinoprotektahan ka laban sa mga mikrobyo at iba pang nakakapinsalang lason. Ang erythrodermic psoriasis ay nakakaapekto sa mga function ng iyong balat, na ginagawa kang mahina sa iba pang mga sakit.

Kung hindi ma-manage, ang ganitong uri ng psoriasis ay maaaring humantong sa nakamamatay na resulta dahil sa hypothermia, sepsis, pneumonia, shock, kidney failure, at heart failure.

Nail Psoriasis

Ang ganitong uri ng psoriasis ay pangunahing nakakaapekto sa iyong mga kuko sa parehong mga paa at kamay. Nagdudulot ito ng abnormal na paglaki at discoloration. Isa sa mga palatandaan at sintomas ay ang apektadong nail bed kung saan ang kuko ay humihiwalay dito at maaaring maging sanhi ng mas madaling pagkawatak-watak ng kuko.

Psoriatic Arthritis

Tulad ng ibang uri ng arthritis, masakit at hindi komportable ang psoriatic arthritis, na nagiging sanhi ng pamamaga ng mga kasukasuan. Minsan ang joint symptoms ay ang tanging sintomas na nagiging kapansin-pansin. Kung minsan,, nagbabago ang kuko nito. Maaari nitong gawing mahirap ang paggalaw dahil nagdudulot ito ng paninigas at progressive condition na nagdudulot ng malubha, panghabambuhay na pinsala.

Sintomas Ng Psoriasis

Maaaring mag-iba ang mga sintomas depende sa uri ng psoriasis na mayroon ang isang tao. Gayunpaman, ang pinaka karaniwang mga palatandaan at sintomas ng psoriasis ay ang mga sumusunod:

  • Ang balat na tuyo, makati, at madaling nagbibitak
  • Mga kuko na mukhang mas makapal o may gulod
  • Matigas na kasukasuan
  • Mapula at nangangaliskis ang balat

Mga Sanhi Ng Psoriasis

Ang eksaktong dahilan ng psoriasis ay hindi pa rin alam hanggang ngayon. Gayunpaman, alam na ngayon ng mga siyentipiko at doktor na ang immune system at genes ng isang tao ay maaaring makaimpluwensya sa pagkakaroon ng psoriasis.

Matuto pa tungkol sa Psoriasis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin conditions, https://medlineplus.gov/skinconditions.html, Accessed Dec 23, 2020

Psoriatic arthritis, https://www.psoriasis.org/content/statistics#:~:text=According%20to%20current%20studies%2C%20more,psoriasis%20also%20develop%20psoriatic%20arthritis, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis, https://www.aad.org/public/diseases/psoriasis/what, Accessed Dec 23, 2020

About Psoriasis, https://www.psoriasis.org/about-psoriasis, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/symptoms-causes/syc-20355840, Accessed Dec 23, 2020

Plaque, https://www.psoriasis.org/about-psoriasis/types/plaque, Accessed Dec 23, 2020

Guttate psoriasis, https://dermnetnz.org/topics/guttate-psoriasis/, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis types, https://www.psoriasis.org/about-psoriasis/types/inverse, Accessed Dec 23, 2020

Erthrodermic, https://www.psoriasis.org/about-psoriasis/types/erythrodermic, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis causes, https://www.aad.org/public/diseases/psoriasis/what/causes, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis diagnosis and treatment, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/diagnosis-treatment/drc-20355845, Accessed Dec 23, 2020

Psoriasis symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/symptoms-causes/syc-20355840, Accessed Dec 23, 2020

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Shampoo Para Sa Psoriasis: Ano Ang Pinakamainam Na Gamitin?

Psoriasis Sa Anit: Bakit Nagkakaroon Nito, At Ano Ang Puwedeng Gawin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement