Maraming tao ang nagkakarashes sa hindi malamang dahilan. Mas madalas kaysa sa hindi, hindi nila alam kung saan nila nakuha ito o kung ano ang nag-trigger sa kanila. At kadalasan, iniuugnay nila ito sa mga pamilyar na pangalan tulad ng psoriasis at buni. Habang ang parehong mga kondisyon ng balat ay nagdudulot ng rashes at pangangati, magkaiba sila sa mahahalagang paraan. Paano mo malalaman kung ito ay psoriasis o buni? O maaaring iba pa? Ang artikulong ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng psoriasis kumpara sa buni.
Ang psoriasis at buni ay dalawa sa mga pinakakaraniwang kondisyon ng balat. Gayunpaman hindi sila ganap na pareho– sila ay may iba’t ibang sintomas, sanhi at paggamot. Ang pagtukoy sa mga sanhi at sintomas ng bawat isa ay makakatulong sa pagkakaiba ng psoriasis kumpara sa buni.
Ano ang Psoriasis?
Ang psoriasis ay isang talamak na sakit sa balat na nagdudulot ng makapal na kulay rosas o pulang skin patches na nababalutan ng puti o makintab na kaliskis.
Tulad ng anumang uri ng pantal, lalabas muna ito bilang maliliit na pulang bukol. Habang patuloy itong lumalaki, nabubuo ang mga kaliskis sa ibabaw ng mga bukol, at ang mga ito ay parang balakubak. Ang flakes sa ibabaw ay madaling matanggal kapag nakamot mo ito. Ngunit ang labis na pagkamot ay maaaring humantong sa sugat at pagdurugo. Ang mga sugat, o mas malalaking bahagi ng pinsala, ay maaaring lumala habang dumadami ang pantal.
Maaaring lumitaw ang mga pantal ng psoriasis sa anumang bahagi ng katawan, ngunit kadalasang lumalabas ito sa mga sumusunod na bahagi:
- Mga Siko
- Tuhod
- Mukha
- Anit
- Ibabang likod
- Mga palad at paa
Ang psoriasis mismo ay isang pangkalahatang termino. May iba pang mga partikular na uri nito, depende sa kanilang itsura at kalubhaan. Ang anit at plaque psoriasis ay karaniwang mga uri ng kondisyon sa balat na ito. May mga signs din para matukoy kung psoriasis o buni ang kondisyon sa balat.
Mga Palatandaan at Sintomas ng Psoriasis
Bukod sa tipikal na makati, pulang tuldok, may iba pang senyales at sintomas na kinabibilangan din ng:
- Natutuklap na mga patches na balot ng makapal, makintab na mga kaliskis
- Bitak at tuyong balat
- Namamaga at naninigas na mga kasukasuan
- Soreness
- Ridged o makapal na mga kuko
Mga sanhi ng Psoriasis
Kapag nag-overreact ang iyong immune system, nagiging sanhi ito ng pamamaga. Ang pamamaga ay nagiging dahilan para ang mga bagong skin cells ay mabilis na dumami. Ito ay nag reresulta sa nangingintab na kaliskis ng psoriasis.
Kung ang ganitong kondisyon ng balat ay nasa pamilya, ibig sabihin maaari itong maipasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Ngunit, maaaring iba din ang hitsura at pakiramdam ng mga outbreak sa bawat tao.
Ang ilang mga nagti-trigger ng psoriasis ay:
- Mga pinsala sa balat
- Streptococcal o iba pang mga impeksyon
- Mga kundisyon na autoimmune
- Ilang iniresetang gamot (i.e., lithium, at mga beta-blocker)
- Malamig na panahon
- Emosyonal na stress
Ito ba ay Nakakahawa?
Alin ang nakakahawa, psoriasis o buni? Taliwas sa pinaniniwalaan ng mga tao, ang psoriasis ay hindi nakakahawa. Ibig sabihin, ang isang tao ay hindi mahahawa mula sa isang taong nakatabi na mayroon nito, o kapag hinawakan nila ang balat ito.
Ano ang Buni? Ano ang Dahilan Nito?
Ang buni ay mukhang isang pabilog na pantal. Ito ay sanhi ng isang fungus na kilala bilang tinea. Tulad ng psoriasis, may iba’t ibang uri ng buni, depende sa kung anong fungi ang sanhi nito at kung anong bahagi ng katawan ang partikular na apektado. Kaya, malalaman kung psoriasis o buni ang nakikitang kundisyon. Kabilang dito ang:
- Athlete’s foot (Tinea pedis)
- Buni sa anit (Tinea capitis)
- Jock itch (Tinea cruris)
- Buni sa balbas na lugar (Tinea barbae)
Mga Palatandaan at Sintomas ng Ringworm
Ang bawat uri ay maaaring magpakita ng iba’t ibang sintomas, ngunit ang pinakakaraniwan ay:
- Makati ang balat
- Hugis-singsing na pantal
- Namumula, bahagyang nangangaliskis, cracked na balat
- Paglalagas ng buhok sa apektadong bahagi
Nakakahawa ba Ito?
Pagdating sa psoriasis kumpara sa buni, ang dalawang kondisyon ng balat na ito ay maaaring pag-iba-ibahin sa mga tuntunin ng pagkakahawa.
Ang impeksyon ng buni ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Tao sa tao
- Hayop sa tao
- Mga bagay sa tao (mga infected na bagay tulad ng damit, bedsheet, suklay, o tuwalya)
- Lupa sa tao (mga infected surface at kapaligiran)
Key Takeaways
May pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng psoriasis kumpara sa buni. Ito ay ang ugat na sanhi. Ang psoriasis ay isang autoimmune na problema sa balat, samantalang ang buni ay fungal infection. Ang isa pang mahalagang pagkakaiba ay kung paano ito kumakalat mula sa isang tao patungo sa isa pa.
Kung hindi ka sigurado kung psoriasis o buni ang iyong mga pantal, kumunsulta ka sa doktor upang matukoy ito at magamot ng tuluyan.