backup og meta

Pasa Sa Balat, Paano Nagkakaroon, At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Pasa Sa Balat, Paano Nagkakaroon, At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Madalas ka bang magkaroon ng pasa sa balat nang hindi mo namamalayan kung paano ka nagkaroon nito? O kaya naman nagkapasa ka na ba dahil sa pagiging malikot at pagkakasangkot sa ilang mga aksidente o disgrasya? Marahil ang ilan sa mga nagbabasa ng artikulong ito ay nakaka-relate sa mga tanong na ito dahil minsan na rin silang nakaranas na magkaroon ng pasa. Ngunit ang tanong paano nga ba nagkakaroon nito, at ano ang mga dapat gawin sa ating mga pasa?

Basahin mo ang artikulong ito para malaman ang mga mahahalagang detalye tungkol sa pasa.

[embed-health-tool-bmi]

Ano Ang Pasa Sa Balat?

Ang pasa ay kilala rin sa salitang Ingles bilang “bruise” kung saan isa ito sa karaniwang injury na makikita sa ating balat. Tinatawag din na “contusion” sa medical term ang pasa, at kung minsan kulay itim ito, o mamula-mula na parang kulay asul sa ating balat na resulta ng pagkawasak ng blood cells sa ilalim ng ating mga balat.

Sa madaling sabi, ang mga pasa ay ang pagbabago sa kulay ng ating balat na dulot ng injury sa balat kung saan nagkakaroon tayo ng skin discoloration sa’ting balat kapag may namuo tayong dugo.

Ayon na rin kay Dr. Carlo Palarca karaniwan na may maliliit na ugat o capillaries ang soft tissues ng ating katawan na kaya’t kapag nababangga o tinatamaan ito ng malakas ay pumuputok ang ating ugat, at tumatagas ang red blood cells natin at naiipit ito sa ilalim ng ating balat.

Bago rin tayo tuluyang gumaling sa pagkakaroon natin ng pasa, asahan mo na patuloy sa pagbabago ang kulay ng ating balat. Ang pag-iiba ng kulay ng ating mga pasa ay palatandaan na nagsisimula na ang paggaling ng ating pasa, at nagkakaroon na pagsasaayos sa mga nasira na blood cells sa ating skin.

3 Uri Ng Pasa

Mayroon tayong 3 type ng pasa at narito ang mga sumusunod:

  • Periosteal — bone bruise
  • Subcutaneous — nagpapakita ito sa ilalim ng balat
  • Intramuscular — sa loob ng tiyan ng ating underlying muscle

Gaano Katagal Pwede Magtagal Ang Mga Pasa?

Maaaring magtagal ang pasa sa loob ng ilang araw hanggang buwan, pero ang bone bruise ang pinakamasakit at pinakamalubha.

Sino Ang Madalas Na Magkaroon Ng Pasa Sa Balat?

Lahat ng tao ay mayroong posibilidad na magkaroon ng pasa lalo na kung madalas nating ginagawa ang pagkilos ng magaslaw, o nasangkot tayo sa ilang mga disgrasya at aksidente.

Huwag ding kakalimutan na anuman ang kasarian at iyong edad ay mayroon kang posibilidad na magkaroon ng pasa sa katawan. Gayunpaman, madalas makaranas ng mga pasa ang mga taong may medical conditions tulad ng mga sumusunod:

  • Von Willebrand disease
  • Cancer 
  • Anemia
  • Leukemia
  • Henoch-Schonlein purpura (HSP)
  • Sakit sa atay
  • Idiopathic thrombocytopenic purpura (ITP)
  • Nasa kanilang lahi ang pagiging pasain
  • Sakit sa dugo
  • Mababa ang low blood platelet count
  • Internal bleeding
  • Endocarditis
  • Autoimmune disease

Maaari rin magkaroon ng mga pasa ang mga taong regular na umiinom ng nonsteroidal anti-inflammatory drugs bilang pain reliever, at mga indibidwal na kulang sa vitamin C at K. Nagkakapasa rin kung minsan ang mga taong umiinom ng aspirin, antibiotics, at mga gamot sa seizure na pwedeng magresulta ng abnormal na pasa sa ating katawan, at mayroon ding mga pagkakataon na nagiging sanhi ng mga pasa ang child abuse.

Sintomas Ng Pasa Sa Balat

Narito ang list ng mga sintomas na maaaring makita na may kaugnayan sa pasa:

  • Pagkakaroon ng pagbabago ng kulay sa ating balat (kulay itim, asul, pula, berde, lila at kayumanggi) at kapag pagaling ka na maaaring maging madilaw-dilaw ang kulay ng iyong pasa
  • Pwede kang makaranas ng pananakit ng katawan sa bahagi kung nasaan ang iyong pasa

Mga Dapat Gawin Sa Pasa Ng Balat

Karaniwan na ang pasa ay kusang gumagaling mag-isa at nawawala, pero maaari ka pa ring magsagawa ng first aid sa’yong mga pasa at narito ang mga sumusunod:

  • Dampian ng ice pack o cold compress ang pasa.
  • Paggamit ng ilang ointment para sa pasa, pero siguraduhin na ligtas itong gamitin para sa’yo.
  • Masahein ang pasa sa dahan-dahan na paraan, at lagyan mo ng pressure ang pagmamasahe kung kailangan upang makatulong sa pagpapadaloy ng dugo.
  • Maaaring itaas o iangat ang parte ng katawan upang makadaloy ang dugo.

Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Doktor?

Maraming mga pasa na hindi naman ganun kalubha, pero may mga pagkakataon na minsan ang pagkakaroon natin ng pasa ay manifestation, o paraan ng katawan upang sabihin na may problema sa ating kalusugan. 

Kinakailangan na magpatingin ka sa doktor kapag nagkaroon ng dugo sa’yong ihi, dumi at mata habang ikaw ay may pasa sa katawan. 

Narito pa ang ilan sa dapat mong tandaan kung kailan ka dapat magpakonsulta sa doktor kapag may pasa ka:

  • Pagkakaroon ng pasa dahil sa durog o sirang buto
  • Madalas magkaroon ng pasa kahit walang sakit at hindi naman nadisgrasya o aksidente
  • Masyadong matagal ang pananatili ng pasa sa katawan
  • Pagdurugo ng gums, ngipin at ilong habang may pasa sa katawan
  • Sobrang sakit ng mga pasa at ang pamamaga
  • Pagkakaroon ng madalas na pasa sa binti na kulay itim
  • Nagkaroon ng pasa dahil sa malakas na pagkakauntog at pagkakahulog
  • Pasa sa ilalim ng kuko
  • Mga pasang hindi sumasakit

Key Takeaways

Lahat ng tao ay posible na magkaroon ng pasa at maaaring gumaling ito ng kusa at mawala nang walang paggamot. Pero lagi dapat nating tandaan na pwedeng maging palatandaan ito ng mga malalang medikal na kondisyon. Ipinapayo na mapagkonsulta sa doktor kapag napansin ninyo ang mga malalang sintomas na may kaugnayan sa inyong pasa. 
Kung hindi naman sanhi ng malalang medikal na kondisyon ang mga pasa, pwede nating gamitin ang ilang mga hakbang sa paggamot na nabanggit sa artikulong ito.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bruises, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15235-bruises, Accessed July 14, 2022

Bruise First Aid, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-bruise/basics/art-20056663, Accessed July 14, 2022

Easy bruising: Why does it happen? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/healthy-aging/in-depth/easy-bruising/art-20045762, Accessed July 14, 2022

8 Causes of Random Bruising, https://www.verywellhealth.com/unexplained-bruising-causes-treatment-and-prevention-5215854, Accessed July 14, 2022

Should You Be Worried About Bruising Easily? https://health.usnews.com/wellness/articles/2016-06-13/should-you-be-worried-about-bruising-easily, Accessed July 14, 2022

Bruise, https://medlineplus.gov/ency/article/007213.htm, Accessed July 14, 2022

Bruising in leukemia VS ordinary bruising, https://www.leukaemiacare.org.uk/support-and-information/latest-from-leukaemia-care/blog/spotting-the-difference-bruising-in-leukaemia-vs-ordinary-bruising/, Accessed July 14, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Glycerin sa Balat, Alamin Dito!

Pamamantal ng Balat: Ano-ano ang Maaaring Sanhi Nito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement