Ang tamang skincare routine sa gabi ay nakatutulong sa iyong magkaroon ng mas malusog, malambot, at kumikinang na balat sa umaga. Ano-ano ang mga produkto na dapat mong gamitin sa gabi, at sa anong pagkakasunud-sunod dapat mong ilapat ang mga ito? Alamin dito.
Skincare Routine sa Gabi: Ano ang Tamang Pagkasunod-sunod?
Alam mo ba na ang cell division, isang mahalagang proseso sa pagpapagaling ng balat, ay mas mabilis nagaganap sa gabi? Ang balat ay hindi gaanong nakalantad sa mga panlabas na salik habang ikaw ay natutulog. Samakatuwid, ang iyong skincare routine sa gabi ay bahagyang naiiba sa iyong morning routine.
Narito ang tamang pagkasunod-sunod ng mga skincare products para sa gabi.
1. Exfoliate
Ayon sa celebrity dermatologist na si Dr. Harold Lancer, ang unang hakbang na dapat mong gawin matapos tanggalin ang mga makeup residue ay ang pag-exfoliate. Maaari kang pumili ng mechanical exfoliator, gaya ng scrub, o kemikal na naglalaman ng AHA, BHA, at PHA .
Ang layunin ng exfoliation ay tanggalin ang lahat ng natitirang dumi at dead skin cells na dumidikit sa iyong mukha. Ito ay magiging mas madali para sa susunod na hakbang — ang paghugas ng mukha. Pinapadali nito ang tungkulin ng mga facial cleansers na tumagos sa mga layer ng balat, upang ang paghuhugas ng iyong mukha ay nagiging mas mahusay.
Paalala:
Hindi mo kailangang mag-exfoliate araw-araw. Karamihan sa mga kaso ay isa o dalawang beses lang ginagagawa ito sa isang linggo, at ito ay sapat na.
Kung mayroon kang tuyo o sensitibong balat, ang pag-exfoliate ng dalawang beses sa isang linggo ay maaaring masyadong madalas. Dahil dito, ito ay maaaring magdulot ng pangangati ng balat.
Samantala, kung nakatira ka sa isang lugar na may mainit na klima o mayroon kang natural oily skin, maaaring kailanganin mo mag-exfoliate nang mas madalas. Gawin ito 2-3 beses sa isang linggo upang mawala ang buildup ng mga dead skin cells.
2. Cleanse
Ang pangalawang hakbang sa iyong skincare routine sa gabi ay ang paghugas ng iyong mukha gamit ang isang gentle cleanser.
Mahalaga ang paglilinis hindi lamang dahil inaalis nito ang dumi at labis na langis, kundi dahil nakatutulong din ito sa balat na sumipsip ng mga aktibong sangkap sa iyong susunod na mga skincare products.
Para sa pinakamamagagandang resulta, hugasan ang iyong mukha ng gamit ang isang facial cleanser na partikular na nakatuon sa problema mo sa balat.
Halimbawa, ang mga taong mayroong tuyo at sensitibong balat ay nararapat na pumili ng gentle facial cleanser na walang gaanong bula at amoy.
Gayundin, bigyang pansin ang temperatura ng tubig. Hugasan ang iyong mukha ng maligamgam na tubig. Ang mainit na tubig ay nakakapagpatuyo ng balat, habang ang tubig na masyadong malamig naman ay maaaring magsara ng mga pores. Ito ay nagdudulot ng pagsasara na kasama ang mga dumi sa balat na hindi pa naaalis nang lubusan.
3. Tone
Ang toner ay isang water-based na produkto na naglalaman ng mga aktibong sangkap na tumutulong sa paggamot ng ilang mga problema sa balat. Ito ay maaari ring tumulong sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Tulad ng mga cleansers, inihahanda din ng mga toner ang iyong balat para sa mga susunod na gagamiting mga produkto.
Matapos hugasan ang iyong mukha, basain kaagad ang cotton pad ng toner. Pagkatapos, ilapat ito sa lahat ng parte ng iyong mukha.
4. Paggamit ng Facial Mask
Opsyonal lang ang ang mga facial masks dahil sapat na ang pagsunod mo ng tama at wastong order ng mga facial treatment sa gabi. Gayunpaman, depende sa uri, ang mga mask sheet ay maaaring magbigay ng mga karagdagang benepisyo para sa mga partikular na pangangailangan sa balat.
Dagdag pa rito, ang mga ito ay nakatutulong sa mga sumusunod na paraan:
- Pagbukas ng mga facial pores.
- Pagpapalambot ng wrinkles.
- Pagbilis ng pagsipsip ng mga susunod na produkto.
Ang ilang uri ng face masks ay may kaakibat ding aromatherapy, na tumutulong sa iyong makatulog nang mahimbing.
Maaari kang pumili sa pagitan ng mga commercial masks o homemade natural masks. Anuman ang uri ng face mask na iyong gamitin, ang mahalaga ay ang mga sangkap ay naaayon sa iyong mga partikular na pangangailangan.
5. Paglagay ng Facial Serum
Pagkatapos tanggalin ang face mask, ang susunod na produkto sa iyong skincare routine sa gabi ay serum. Ang mga facial serum ay mahalaga dahil ang kanilang mga aktibong sangkap ay gumagana nang mas malakas sa mga partikular na isyu sa balat.
Halimbawa, ang isang hyaluronic acid serum ay nakatutulong na ma-moisturize ang iyong mukha sa pamamagitan ng pag-lock ng tubig sa mga layer ng iyong balat. Mayroon ding alpha arbutin serum na nagpapatingkad sa mukha, retinol na lumalaban sa mga senyales ng maagang pagtanda, at iba pa.
Ilapat ang serum habang ang iyong mukha ay half damp pa. Pagkatapos, maghintay ng mga 10 minuto para masipsip ng iyong balat ang lahat ng serum bago lumipat sa susunod na hakbang.
Paalala:
Mayroong mga serum na maaaring masyadong matapang kung ikaw ay mayroong sensitibong balat. Sa halip, maaari kang gumamit ng katulad na produkto sa anyo ng essence. Ang isang essence ay gumagana tulad ng isang serum. Ngunit, ang konsentrasyon ng mga sangkap ay mas mababa, kaya ito ay medyo banayad.
6. Gumamit ng Eye Cream
Ang pagdagdag ng eye cream sa iyong skincare routine sa gabi ay isang simpleng paraan para panatilihing mukhang bata ang iyong mukha. Ang produktong ito ay partikular na pinoprotektahan at mino-moisturize ang manipis na balat sa paligid ng mga mata.
Karamihan sa mga eye cream ay binubuo ng caffeine, niacinamide, at mga moisturizing agent. Bukod sa pagiging mabisa nito sa pagbabawas ng puffiness at dark circles, ang kombinasyon ng tatlong sangkap na ito ay maaaring magpataas ng water content, na tumutulong panatilihin ang balat mula sa pagkatuyo. Dagdag pa rito, maaari rin maiwasan ang mga wrinkles sa pamamagitan ng paggamit nito.
Direktang ilapat ang isang maliit na halaga ng cream sa balat sa paligid ng mata gamit ang iyong (palasingsingan) daliri at dahan-dahang tapikin hanggang ang mga sangkap ay nasisipsip na ng balat. Maghintay ng 3-5 minuto hanggang ang natitirang cream sa mata ay ganap ng nasipsip.
7. Tapusin ang Skincare Routine sa Gabi Gamit ang Night Cream
Ang malalakas na produkto, gaya ng mga face serum o ang mga produktong nangangailangan pa ng ng reseta ng doktor, ay kadalasang nagpapatuyo sa balat. Kung kaya, ang night cream ang siyang makatutulong na maprotektahan ang iyong balat mula sa epektong ito.
Ang mga night cream ay karaniwang isang anyo ng moisturizer. Sa halip na gamitin ang iyong morning moisturizer, gumamit ka ng night cream sa gabi.
Maghanap ng cream na may texture na angkop sa uri ng iyong balat, pagkatapos ay tingnan ang komposisyon nito. Hangga’t maaari, pumili ng night cream na naglalaman ng mga antioxidant, peptides, vitamin A at C upang makatulong na ayusin ang pinsalang maaari mong maranasan dahil sa araw.
Pantay-pantay na ilapat ang cream sa buong mukha at leeg. Pagkatapos, dahan-dahang i-massage ang iyong balat hanggang sa masipsip ang lahat ng sangkap at wala nang natitirang cream.
Key Takeaways
Pagkatapos ng iyong skincare routine sa gabi, huwag kalimutang matulog nang maayos dahil mahalaga rin ito para sa kalusugan ng iyong balat. Sa susunod na araw, gawin naman ang iyong skincare routine sa umaga upang buong araw na maprotektahan ang iyong balat.
Layunin ng night skincare routine na ayusin ang anumang pinsala sa mga skin cells na dulot ng polusyon, sikat ng araw, at stress sa mag hapon. Ang mga produktong ginagamit mo ay makakapagmoisturize rin ng iyong balat dahil mas maraming likido sa katawan ang nawawala sa iyong balat habang natutulog ka.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglilinis ng Balat dito.
[embed-health-tool-bmi]