Para saan ang niacinamide? Ang niacinamide ay isang water-soluble, active form ng niacin o vitamin B3 na karaniwan na makikita sa iba’t ibang pagkain, tulad ng:
- Lean meat
- Isda
- Yeast
- Mani
- Legumes
- Itlog
- Gatas
- Cereals
- Luntiang gulay
Kung mas maraming niacin ang kinonsumo kaysa sa kinakailangan ng katawan, ito ay nagiging niacinamide. Kailangan ng katawan ang component na ito sa maliliit na fats at ibang sugars sa katawan upang maayos na mag-function at mapanatili ang kalusugan ng cells. Ang ilan ay ginagamit ang niacinamide upang lunasan ang iba’t ibang kondisyon kabilang ngunit hindi limitado sa diabetes, osteoarthritis, kakulangan sa vitamin B3, at maging ang cancer.
Kalimitang nakikita ang niacinamide sa mga produkto na panggamot sa mga kondisyon sa balat tulad ng:
- Tigyawat
- Skin discoloration at hyperpigmentation
- Inflammation
- Pangangati
- Sun damage
- Wrinkles at tumatandang balat
Bilang resulta, ito ay karaniwang isinasama sa maraming topical skincare na produkto, kabilang ang serumshttps://wp.hellodoctor.com.ph/skin-health/skincare-cleansing/anti-aging-treatment/, sunscreens, at ibang cosmetic agents.
Tinatawag din ito ng ibang mga tao na nicotinamide o nicotinic acid amide.
Paano Makikinabang ang Balat mula sa Niacinamide?
Ang topical niacinamide ay mainam para sa balat, salamat sa anti-inflammatory, anti-itching, anti-microbial, at antioxidant properties.
Nakatutulong sa Paglunas ng Acne
Isa sa mga kilalang benepisyo ng niacinamide ay ang kakayahan nito na magpagaling ng problema sa tigyawat dahil sa anti-inflammatory properties nito.
Sa isang controlled clinical trial ng 76 na kalahok na may moderate na tigyawat, 4% ng nicotinamide gel ay epektibo kumpara sa topical antibiotic na 1% clindamycin gel sa pagpapagaling ng tigyawat. Karagdagan, ito rin ay nakatutulong sa pagbawas ng sebum production sa mukha na makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
Nagpapabuti ng Skin Barrier
Nagpakita rin sa pag-aaral na ang niacinamide ay nagpapabuti ng function ng skin barrier. Ito ay posible sa pamamagitan ng pagbawas ng kawalan ng tubig sa epidermis, na nagreresulta sa pagpapabuti ng skin hydration.
Sa isa pang pag-aaral, ang niacinamide ay nakatutulong upang protektahan ang skin cells mula sa oxidative stress.
Karagdagan, ang mga taong may rosacea ay nakikinabang din mula sa partikular na gamot ng niacinamide. Nabanggit ng dalawang pag-aaral ang pagiging epektibo nito sa pagbawas ng reaksyon sa mga irritants tulad ng cleansers at cosmetics.
Mayroong Anti-aging Properties ang Niacinamide
Maraming mga clinical studies na nagsabing ang topical niacinamide ay may mabuting epekto sa balat sa pamamagitan ng pagpapabuti ng fine lines, wrinkles, at elasticity. Maliban dito, ito rin ay nakatutulong sa paggamot ng hyperpigmented spots at red blotchiness.
Ayon sa isang pag-aaral, ito ay nags-stimulate ng produksyon ng ceramides sa balat na kilala sa natural na emollients at skin protectants. Kaya’t ito ay nakatutulong sa pagpapabuti ng itsura ng balat maging ang hydration.
Nakatutulong sa Hyperpigmentation at Melasma
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang paggamit ng niacinamide sa paggamot para sa melasma ay nagbigay ng magandang resulta sa pagbawas ng hyperpigmentation.
Ang palagiang paggamit ng produkto sa loob ng dalawang linggo ay nagpakita ng pagbawas ng erythema at papules ng nasa 50-75%.
Mahalagang Tandaan
Ano ang niacinamide? Ang niacinamide ay isang potent substance na makatutulong upang lunasan ang iba’t ibang alalahanin sa balat. Maliban sa pagiging lunas nito, ang skincare na produktong ito ay nakaiiwas din sa mga senyales ng pagtanda.
Dahil ito ay potent substance, maaari mong ikonsidera muna ang pagsasagawa ng patch test sa iyong kamay upang tignan kung nag-react ang iyong balat.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.