Ano ang gagawin sa maitim na singit? Maaaring apektado nito ang confidence mo, pero ang pagkakaroon ng maitim na balat sa singit ay hindi nakababahalang skin condition. Gayunpaman, may mga paraan kung paano mawala ang maitim na singit. Alamin dito ang maaaring subukan kung paano ito pigilan at gamutin para mapaputi.
Dahilan ng Maitim na Singit
May iba’t ibang dahilan kung bakit maitim ang singit . Ang ilan sa mga ito ay:
- Chafing, na maaaring mangyari sa panahon ng ehersisyo o paglalakad. Maaari itong maging manipis, irritated, at magbago ng kulay
- Hormonal imbalance, lalo na sa mga babaeng nagpapasuso, nagdadalang-tao, o nagreregla, gayundin sa mga may polycystic ovarian syndrome (PCOS)
- Ang ilang mga gamot, gaya ng hormonal oral contraceptive o partikular na chemotherapy drugs, ay maaaring magdulot ng discoloration
- Sikat ng araw
- Tuyong balat
- Friction mula sa masikip na damit
- Ang Acanthosis nigricans ay maaaring isang senyales ng insulin resistance o maagang diabetes
Paano Ko Mapapaputi ang Aking Maitim na Singit at Inner Thighs?
Maaari mong subukan ang ilang home remedies para pumuti ang singit. Gayunpaman, bago subukan ang mga ito kumunsulta sa iyong doktor at dermatologist. Ang mga ito ay maaaring magpalala ng malubhang kondisyon ng balat.
Turmeric Paste
Gumawa ng paste na may isang teaspoon ng turmeric powder, isang teaspoon ng yogurt, at dalawang tablespoon ng lemon juice. Hayaan ito ng mga 20 minuto sa iyong balat, pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig.
Maging maingat sa paggamit ng acid (lemon o calamansi) para sa pagpapaputi ng balat. Pwede itong pumuti, kaya lang, kung minsan pwede itong maging sanhi ng higit pang pag-itim ng balat. Huwag gamitin ang mga ito, lalo na sa manipis na balat tulad ng sa kilikili o sa bahagi ng singit.
Lemon Juice at Coconut Oil
Sa loob ng isang linggong paggamit ng paste na ito araw-araw, ang iyong maitim na singit at inner thighs ay magiging mas lighter. Para maghanda ng paste, pagsamahin ang tatlong kutsara ng coconut oil at juice ng kalahating lemon. I-massage ang mixture sa mga hita hanggang sa ma-absorb ito ng balat mo.
Ang coconut oil ay natural moisturizer at maaaring panatilihing malambot ang iyong mga hita. Ang lemon naman ay mayaman sa vitamin C, na maaaring makatulong sa pagpapagaan ng hyperpigmentation.
Baking Soda
Pwede mong i-try ang mixture ng baking soda at tubig para ma-exfoliate ang balat. Hayaan ang paste ng 10-15 minuto at banlawan ito. Maging maingat dahil ang baking soda ay maaring matapang para sa ilang uri ng balat. Ang baking soda ay moderate exfoliator sa tuyo at nangangaliskis na balat.
Aloe vera
Ang aloe vera gel o aloe vera-based product ay maaaring magpaginhawa ng irritated na balat. Ito ay may aloin, na potensyal na pampaputi ng balat. Hindi mo kailangang banlawan ang produkto pagkatapos i-apply sa balat. Gamitin ito na tulad ng isang lotion at hayaan na ma-absorb ng balat.
Hiniwang Patatas
Ang balat sa pinakaloob na layer ng mga hita ay umiitim dahil sa patuloy na pagdikit. Maaaring mabawasan ang pigmentation gamit ang patatas. Ang mga apektadong lugar ay maaaring i-massage ng hanggang 10 minuto gamit ang isang slice ng patatas dahil ang patatas ay naglalaman ng catecholase, na tumutulong upang maging pantay ang texture ng balat.
Pwede mong subukan ang mga sumusunod: Panatilihing malinis ang bahaging ito, iwasan ang irritasyon, at limitahan ang exposure sa araw para hindi mangitim. Kumunsulta sa iyong doktor o dermatologist para sa pinakamahusay na paggamot.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pangangalaga sa Balat at Paglilinis dito.
[embed-health-tool-bmi]