Ang ating balat ay nangangailangan ng moisture para manatiling madulas, malambot, at upang maiwasan ang pagiging dry. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng dry skin ay isang karaniwang kondisyong nakaaapekto sa kakayahan ng balat na panatilihin ang moisture. Ang dry skin ay may tendensiyang magmukhang dehydrated, at sa mas malalang mga kaso, ay magdulot ng pamamaga o pagbabalat. Pero ano ba ang maaaring solusyon o gamot para sa dry skin?
Narito ang walong tips para sa pangangalaga sa balat kung ikaw ay mayroong dry skin.
8 Tips Para Alagaan ang Balat
Ang dry skin ay maaaring dulot ng maraming mga bagay, kabilang ang paninirahan sa isang lugar na may tagtuyot na klima, paggamit ng matatapang na sabon, pagsusuot ng mainit at makating pananamit, at ang family history ng isang tao. Ito ay maaaring magdulot ng mga hindi komportableng mga sintomas gaya ng pangangati, pagbibitak-bitak, pamamaga, at pagbabalat o flaking. Ang sumusunod ay ang ilang mga tips para sa pangangalaga ng dry skin na makatutulong para mapanatiling malambot at moisturized ang balat:
1. Magpahid ng Moisturizer
Mainam na gamot para sa dry skin ang moisturizer. Ang mga moisturizer ay makatutulong para mapabuti ang kalusugan ng balat at mabawasan ang banta ng pagbibitak-bitak ng balat, pagkatuyot, at pagiging makaliskis. Maglaan ng isa o dalawang minuto para sa pagmo-moisturize matapos maligo.
2. Paikliin ang Oras ng Iyong Paliligo
Ang paliligo nang matagal at paggamit ng mainit na tubig ay may nakapagpapatuyong epekto sa balat. Paikliin ang oras ng iyong paliligo, at punasan nang dampi-dampi ang iyong balat upang maiwasan ang flaking at pamamalat.
3. Iwasan ang May Amoy at Alcohol-Based na mga Produkto
Isa sa mga pinakamagandang tips sa pangangalaga ng dry skin ay ang pag-iwas sa mga produktong may alcohol at mabangong amoy gaya ng mga deodorant soaps, at mga toner. Ang alcohol ay nakapagpapatuyo ng balat habang ang ilang mga sangkap na ginagamit sa mga pabango ay maaaring maka-irritate sa dry at sensitibong balat.
4. Gumamit ng Humidifier
Isa pang gamot para sa dry skin ay ang paggamit ng humidifier. Ang pagkakaroon ng humidifier sa bahay ay nakapagpapataas ng humidity sa iyong kapaligiran. Makatutulong ito upang mapanatili ang moisture sa balat.