Benepisyo ng vitamin C sa balat — marami ang nagtatanong nito. Dahil ito ay sustansyang nakukuha mula sa prutas at gulay, upang maging malusog. Ngunit, anu-ano nga ba benepisyo sa balat ng vitamin C? Totoo nga ba na bitamina ito para sa balat?
Ang Papel ng Vitamin C para sa Balat
Gumagana ang vitamin C para sa balat. Ito ay kilala sa pagpapahusay ng keratinocyte differentiation at pagbaba ng melanin formation. Kaya, nagreresulta ito ng antioxidant protection laban sa UV-induced photodamage.
Sinasabi na ang normal skin ay nangangailangan ng mataas na antas ng vitamin C. Kung saan, gumaganap ito ng iba’t ibang mga papel sa balat. Kabilang ang mga sumusunod:
- Pag-unlad ng skin barrier at collagen sa dermis
- Kakayahang labanan ang skin oxidation
- Modulation ng cell signal pathways ng cell proliferation at differentiation
Mga Benepisyo ng Vitamin C para sa Balat
Ang topical application ng bitamina C ay pwedeng magbigay sa balat ng mga benepisyo sa mga sumusunod na aspeto at higit pa.
Photoprotection
Masasabi na ang paggamit ng bitamina C, kasabay ng broad-spectrum na sunscreen ay makakatulong na protektahan ang balat, mula sa nakakapinsalang UV radiation. Ipinakita sa mga clinical study ang pagsasama-sama ng bitamina C sa iba pang topical agents, tulad ng ferulic acid at bitamina E. Makikita na pwedeng i-minimize ang pamumula at makakatulong na protektahan ang balat mula sa long-term UV damage.
Photodamage/Wrinkling
Makikita na ang buildup ng oxidative damage sa protina ay na-distinguish ang parehong photodamage (photoaging) at intrinsic aging. Kung saan, pwede itong magresulta sa mga pagbabago sa skin structure. Ang bitamina C, bilang karagdagan sa antioxidant properties nito ay nagtataguyod ng formation ng structural protein collagen.
Ayon din sa ilang clinical trials, nagpakita ang bitamina C ng kakayahang makatulong sa wrinkles. Isiniwalat ng pag-aaral na ang paggamit ng vitamin C formulation, sa daily basis ng hindi bababa sa 3 buwan ay epektibo. Dahil nabawasan ang epekto ng fine wrinkles sa mukha at leeg, pati na rin ang pangkalahatang texture at hitsura ng balat.
Pagpapagaling ng Sugat at Acne Treatment
Maaaring tumulong ang topical vitamin C sa gamutan ng acne. Dahil binabawasan nito ang pamamaga at pagkontrol sa produksyon ng langis sa balat. Kung ihahambing ito sa placebo, ang twice a day na paggamit ng vitamin C ay nakatulong sa pagbawas acne scars sa clinical trials
Higit pa rito, nakakatulong ang vitamin C na bawasan ang hitsura ng dark spots. Sa pamamagitan ng pagpigil sa pigment formation sa’ting balat. Sa clinical research, karamihan ng mga pasyente na gumamit ng topical vitamin C — ay napapushaw ang kanilang dark spot. Nagkaroon lamang ng kaunting discomfort. Subalit, wala itong side effects. Gayunpaman, kailangan pa ring mag-establish ng vitamin C’s brightening effects.
Paano Gumagana ang Vitamin C para sa Balat?
Para maunawaan ang mekanismo ng topical application, kailangan mo ring maunawaan ang pakikipag-ugnayang nagaganap sa pagitan ng free radicals at antioxidant sa katawan.
- Ang free radicals ay tumutukoy sa molecules na ginawa bilang isang byproduct ng metabolismo ng oxygen. Kapag ang ating mga katawan ay bumubuo ng enerhiya sa cellular level, makikita na ang oxygen molecule ay nawawalan ng isang elektron. Ito ay nagreresulta sa pagbuo ng free radical.
- Samantala, ang external variable kabilang ang polusyon, sikat ng araw, radiation, mental stress, paninigarilyo, maging ang labis na alak, pag kakasakit, at ilang mga gamot ay pwedeng mag-ambag sa pagbuo ng free radical generation.
- Isa pa, ang free radicals ay gumagalaw sa paligid ng katawan upang maghanap ng electron, para matulungan silang mag-adjust. Kung kinakailangan, ang free radicals ay kumukuha ng electrons mula sa normal healthy cells. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang mga karamdaman. Mula sa pinabilis na pagtanda hanggang sa mga nakamamatay na sakit.
- Pinoprotektahan ng antioxidants ang malusog na cells laban sa free radicals. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng electron sa kanila. Ang antioxidants ay natural na ginawa ng katawan. Ngunit maaari rin nating makuha ang mga ito, mula sa mga pagkaing kinakain natin at sa supplementation.
Key Takeaways
Pwede mong isama ang isang potent topical vitamin C sa’yong skincare routine. Pagkatapos hugasan ang iyong mukha gamit ang mild na panlinis, at bago ilagay ang iyong moisturizer at sunscreen.
Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito.