Maraming tao ang mas gusto ng isang tasa ng tsaa kaysa sa karaniwang kape dahil naglalaman din ito ng maraming caffeine. Ngunit alam mo bang mayroon pang katangian ito bukod sa pagiging refreshing na inumin? Alamin dito ang benepisyo ng green tea sa balat.
Marami pang tungkol sa paborito mong inumin
Ayon sa International Institute of Sustainable Development, tsaa ang pangalawa sa pinakamaraming may umiinom na inumin sa buong mundo kasunod ng tubig.
Ang lahat ng tsaa — green, black, at oolong — gawa sila mula sa mga tuyong dahon ng Camellia sinensis bush. Nag-iiba lamang sila sa paraan ng preparasyon, na tumutukoy sa level ng leave oxidation.
Isa ang green tea sa pinakasimple at organic na uri ng tsaa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-steam, pagprito, at pagpapatuyo ng mga dahon ng halaman. Bilang resulta, naglalaman ito ng pinakamaraming antioxidant at kapaki-pakinabang na polyphenols.
Gustong-gusto ng mga tao uminom ng green tea, inumin man o dietary supplement, dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugan. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
- Karagdagang mental alertness
- Maibsan ang mga digestive symptom at pananakit ng ulo
- Nakatutulong sa pagpapababa ng timbang
Ang green tea at ang mga bumubuo dito, kabilang ang epigallocatechin-3-gallate (EGCG), pinag-aralan sila para sa kanilang potensyal na anti-heart disease at anti-cancer properties. Bukod pa dito, marami din ang benepisyo ng green tea sa balat.
4 na benepisyo ng green tea sa balat
Marami ang makakakita ng green tea bilang pangunahing sangkap sa ilang mga skincare product. Makikita mo ito sa mga cleanser, cream, toner, o face mask.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng green tea sa balat na maaari mong subukan.
-
Nakakatulong ang green tea sa paggamot ng acne
Nasa pinakataas ng listahan ng mga benepisyo ng green tea sa balat ang kakayahan nitong magpagaling ng acne. Naglalaman ng polyphenols ang green tea na may antimicrobial, anti-inflammatory, at antioxidant properties.
Sinasabi ng mga bagong pag-aaral na maaaring mabawasan ng polyphenols ang produksyon ng sebum sa balat at magamot ang acne vulgaris. Dagdag pa dito, kumikilos din ang EGCG kasama ng polyphenols upang labanan ang paglaki ng mga bakterya at impeksiyon na nagdudulot ng mga acne breakout.
Ang green tea, kapag ipinahid sa balat, nakapagpapaliit sila ng mga blackheads at whiteheads. Ginagawa din nitong kalmado at malinis ang balat.
- Tumutulong din ang green tea para gamutin ang iba pang kondisyon sa balat
Ayon sa isang pagsusuri ng 20 na pag-aaral noong 2012, maaaring epektibo ang pag-inom ng green tea sa mga sumusunod:
- Free radical scavenging activity
- Pag-iwas sa kanser
- Pagkalagas ng buhok
- Pagtanda ng balat
- Proteksyon laban sa mga side effect ng psoralen-UV-A therapy
Dagdag pa dito, maaaring makatulong ang mga anti-inflammatory properties ng green tea na maibsan ang pangangati ng balat, pamumula, at pamamaga nito. Dahil dito, kilala ring paraan ang pagpahid ng green tea extract bilang gamot sa iba pang mga kondisyon sa balat tulad ng:
- Atopic dermatitis
- Rosacea
- Androgenetic alopecia
- Hirsutism
- Mga keloid
- Genital warts
- Cutaneous leishmaniasis
- Candidiasis
Higit pa rito, kumikilos ang mga polyphenol na nasa green tea bilang pharmacological agent upang maiwasan ang mga solar UVB light-induced skin disorder sa parehong hayop at tao. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Melanoma skin cancer
- Nonmelanoma skin cancer
- Photoaging
-
Naglalaman ng anti-aging properties ang green tea
Sunod sa listahan ng mga benepisyo ng green tea sa balat ang promising na anti-aging effect nito.
Mayaman ang green tea sa antioxidant na EGCG, na tumutulong sa pag-regenerate ng namamatay na skin cells. May kakayahan itong labanan ang mga senyales ng pagtanda at gawing mas bata ang balat sa pamamagitan ng cell repair at protection.
-
Nakaka-moisturize ng balat ang green tea
Bukod sa mga antioxidant at polyphenols na nasa green tea, naglalaman ito ng maraming vitamins, katulad ng vitamin E. May kakayahan ang vitamin na ito na mag-revitalize at mag-lock ng moisture sa balat.
Sa isang pag-aaral, naglagay ang mga participant ng experimental formulation ng green tea extract sa kanilang mga bisig sa loob ng 15 at 30 araw. Nakita ng mga mananaliksik na bumuti ang skin moisture ng mga participant at nabawasan ang pagiging magaspang nito pagtapos ng pag-aaral.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa skin care at cleansing dito.