backup og meta

Benepisyo ng Glycerin sa Balat, Alamin Dito!

Benepisyo ng Glycerin sa Balat, Alamin Dito!

Ang glycerin ay isang karaniwang sangkap na kabilang sa maraming iba’t ibang mga skincare product. Ngunit ano ang mga benepisyo ng glycerin sa balat? Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung ano-ano ang mga pakinabang na maaaring ibigay nito.

Ano ang Glycerin?

Ang glycerin, o ang kilala ng ibang tao bilang glycerol, ay isang natural na walang kulay at walang amoy na sangkap. Ito rin ay matamis na syrupy liquid. Ang trihydroxy sugar alcohol na ito ay nanggaling mula sa mga vegetable o animal fats, na maaaring natural o sintetiko.

Nalikha ang natural glycerin sa pamamagitan ng pag-hydrolyze ng nasabing mga vegetable fats o animal fats. Sa kabilang banda, ang mga prosesong kemikal na kinasasangkutan ng iba pang mga sangkap tulad ng petrolyo, propylene, at chlorine ay tumutulong sa paggawa ng synthetic glycerin.

Kamangha-mangha ang sangkap na ito dahil sa 1,500 kilalang paggamit dito tulad ng mga sumusunod:

  • Humectant
  • Solvent
  • Emollient
  • Sweetener
  • Bodying agent
  • Preservative
  • Filler ng mga low-fat na pagkain
  • Alcohol-free solvent para sa mga botanical extracts, cosmetics, and pharmaceutical agents
  • Thickening agent sa mga likor
  • Hydrating agent sa mga sports at energy drinks, maging sa mga meat casings, cellophane, at cosmetics

Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa mga produkto mula sa mga pampaganda hanggang sa pagkain. Ngunit, sa panahong ito, ang mga tao ay mas interesado dulot na benepisyo ng glycerin para sa balat.

3 Benepisyo ng Glycerin sa Balat

Ang glycerin ay kilalang sangkap sa mga produktong tulad ng iba’t ibang cleansers, toners, sunscreens, at moisturizers. Narito ang ilan sa mga benepisyo ng glycerin sa balat. 

Nakatutulong ang Glycerin sa Pag-moisturize ang Balat

Nangunguna sa listahan ng mga benepisyo ng glycerin ay ang pagbibigay nito ng pambihirang moisture sa balat. 

Ilang mga siyentipikong pag-aaral ang nagpapatunay ng kahusayan at bisa ng glycerin sa pag-moisturize at pag-hydrate ng balat. Inihambing ng isang pananaliksik na inilathala sa Asian Journal of Beauty and Cosmetology ang glycerine-containing creams sa mga cream na walang nasabing sangkap. Napagalaman ng mga siyentipiko na ang mga cream na may parehong glycerin at silicone oil sa listahan ng mga sangkap ay may pinakamataas na moisturizing value at nagpapanatili ng pinakamatagal na hydration ng balat. Ito ay kumpara sa mga wala nito. Bukod dito, ang cream na naglalaman ng glycerin ay mas mabisa sa pagtaas ng hydration ng balat at pagpapababa ng pagkawala ng tubig.

Pinapanatili Nito ang Pagkabata at Pagkalambot ng Balat

Isa pang benepisyo ng glycerin sa balat ay kaugnay din ng nauna. Ang pag-lock ng moisture ay nagpapanatili din ng balat na malambot, na nagbibigay sa iyo ng malusog at nakababatang ningning.

Ang moisture sa dermis (itaas na layer ng balat) mula sa humectant na ito ay nagtatanggal ng mga wrinkles at nagpapanatili na malambot at makinis ang balat. 

Isang pag-aaral mula sa Journal of Investigative Dermatology ay nagmungkahi rin na maaari itong makatulong sa tamang pag-mature ng skin cells. Pinapadali ng glycerin ang paggalaw ng mga batang skin cells mula sa pinakamalalim na layer hanggang sa ibabaw, kung saan itinatatag nila ang skin barrier. Bilang resulta, pinapabuti nito ang pangkalahatang hitsura, texture, at function ng balat.

Higit pa rito, inirerekomenda ng American Academy of Dermatology (AAD) ang paggamit ng facial moisturizer araw-araw. Ipinapaalalahan din nila ang dahan-dahang paglinis ng balat upang maiwasan ang maagang pagtanda nito.

Mainam ang glycerin sa paglilinis at pag-moisturize marahil hindi nito inaalis ang mga natural na langis mula sa iyong mukha.

Nakakatulong Ito sa Acne at Iba Pang Kondisyon ng Balat

Ang glycerine ay isang oil-free at non-comedogenic na sangkap. Kung kaya, hindi nito nababara ang iyong mga pores, na maaaring magdala ng bakouts.

Dahil ang layunin ay pagalingin ang tagyawat, ang ilang mga sangkap sa acne cleansers at moisturizers ay maaaring masyadong malakas at matapang para sa balat. Samakatuwid, maaari itong humantong sa paglubha ng pamamaga at pangangati. Buti na lang, ang glycerine ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kondisyon ng balat na walang side effects mula sa mga matatapang na skincare products. Nagpapakita rin ito ng antimicrobial properties na mainam para sa pagpapagaling.

Dagdag pa rito, ang mga taong may tuyong balat ay maaaring mahkaroon ng malaking pakinabang sa glycerin sa isang skincare tub. Ito ay dahil makatutulong ito sa pag-hydrate ng balat kapag ito ay tuyo, sira, o basag. Nagagamot nito ang mga kondisyon ng balat tulad ng eczema at psoriasis, gayundin ang pagpapagaling ng mga sugat na dulot ng cracked skin.

Key Takeaways

Sa pangkalahatan, ang glycerin para sa balat ay nagtataguyod ng kalusugan ng balat sa pamamagitan ng pag-lock ng moisture, pagpapabilis sa proseso ng pagpapagaling ng sugat, at pagprotekta sa balat mula sa iba pang mga irritant. Kung mayroon kang oily, dry, o kahit sensitive na balat, ang glycerin ay makakatulong sa iyong magkaroon ng balat na malambot at punong-puno ng moisture.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

11 Ways to Reduce Premature Skin Aging, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/anti-aging/reduce-premature-aging-skin Accessed December 17, 2021

Glycerin – Handling/Processing, https://www.ams.usda.gov/sites/default/files/media/Glycerin%20Petition%20to%20remove%20TR%202013.pdf Accessed December 17, 2021

Glycerine May Help Skin Disease, Study Finds, https://www.sciencedaily.com/releases/2003/12/031203075525.htm Accessed December 17, 2021

The Effect of Glycerin, Hyaluronic Acid and Silicone Oil on the Hydration, Moisturization and Transepidermal Water Loss in Human Skin – 

Seung Bin Kwon, Ghang Tai Lee, Seong Jin Choi, Na Kyeong Lee, Hyun Woo Park, Kwang Sik Lee, Kun Kook Lee, Kyu Joong Ahn, and In Sook An, http://www.e-ajbc.org/m/journal/view.php?number=640 Accessed December 17, 2021

Glycerol and the skin: holistic approach to its origin and functions – J.W. Fluhr,R. Darlenski,C. Surber, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/epdf/10.1111/j.1365-2133.2008.08643.x Accessed December 17, 2021 

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement