Kakaiba para sa ilang mga tao ang pagpapahid ng oil sa mukha, lalo sa mga taong may oily na uri ng balat. Ngunit, alam mo bang maraming dahilan kung bakit dapat mong subukan ang pagpapahid ng oil sa iyong mukha? Alamin sa artikulong ito ang mga benepisyo ng pagpapahid ng argan oil para sa balat at kung paano ito gamitin nang husto.
Ano Ang Argan Oil?
Ang argan oil ay nagmula sa mga buto ng puno ng argan na tumutubo sa Morocco (Argania spinosa (L.) Skeels). Karaniwang ginagamit ito sa puro nitong anyo na alinman sa mga sumusunod:
- Direktang paglalagay ng argan oil sa balat (topical na paraan)
- Paggamit nito bilang oil sa paghahanda ng pagkain
May mga benepisyo sa mga tao ang paggamit ng argan oil dahil ito ay naglalaman ng fatty acids, carotenes, at marami pang mga phenolic na sangkap.
Ang linoleic acid, o omega 6, ay nagtataglay ng 29-36% ng fatty acid, kung saan 43-49% nito ay oleic acid. Ang komposisyon nito sa olive oil ay nakapagpapababa sa lebel ng blood pressure.
Mayaman din ang argan oil sa bitamina E, isang kilalang antioxidant vitamin na mahalaga para sa malusog na balat, buhok, at mata.
Itinuturing ito ng ilan bilang pinakamahal na uri ng oil.