backup og meta

Ano ang Keratosis Pilaris at Paano Ito Gagamutin o Lulunasan?

Ano ang Keratosis Pilaris at Paano Ito Gagamutin o Lulunasan?

Ikaw ba ay mayroong maliliit at tuyong mga umbok sa iyong balat? Nag-aalala ka ba kahit hindi ito makati at masakit? Maaaring mayroon kang keratosis pilaris. Ano ang keratosis pilaris? Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa sanhi, at paggamot dito.

Ano ang keratosis pilaris?

Magaspang, at dry patches o butlig sa balat na madalas matatagpuan sa pisngi, braso, hita, at puwet ang keratosis pilaris. Tipikal itong hindi masakit o makati ngunit may mga taong nababahala rito. Nagkakaiba-iba ito sa kulay: maaaring brown, reddish, white, o skin-colored.

Ayon sa mga eksperto, karaniwang skin condition ang keratosis pilaris. At minsan, isinasaalang-alang ito ng mga dermatologist na “variant of a normal skin” o isa pang uri ng balat.

Ano ang mga sanhi ng keratosis pilaris?

Nabubuhay ang karaniwang skin condition na ito dahil sa nabuong keratin. Pinoproteksyunan ng keratin, na isang uri ng protein, ang balat mula sa impeksyon at nakakapinsalang mga sangkap. Bumabara ang keratin sa opening ng hair follicles na nagdudulot ng dry at rough bumps.

Hindi pa nalalaman kung ano ang dahilan ng keratin buildup. Ngunit, may nakakapagsabing ito ay dahil sa genetics.

Mga bata at teenager ang kilalang puwedeng magkaroon ng keratosis pilaris na maaaring mawala sa takdang panahon.

Kung nararanasan ang mga sumusunod na kondisyon, tumataas din ang panganib na ikaw ay magkaroon ng:

  •   Nanunuyong balat
  •   Asthma
  •   Eczema
  •   Hay Fever
  •   Pagtaas ng timbang
  •   Ichthyosis vulgaris (nagdudulot ng matinding dry skin)
  •   Melanoma

Mayroon bang remedies at treatment sa keratosis pilaris?

Oo, mayroong gamot dito. Gayunpaman, tandaang walang lunas ang skin condition na ito; hindi rin ito maaaring maiwasan. Ang mabawasan ang sukat ng mga butlig at siguraduhing hindi ito dry ang pinakamainam mong gawin.

Makatutulong ang mga sumusunod na remedies at treatment:

  1. Humingi ng moisturizer sa iyong dermatologist

Sinasabi ng mga eksperto na mas nakakapagpalala ng keratosis pilaris ang dry skin. Kaya naman, magandang ideya na madalas gumamit ng moisturizer. Kaysa mag-eksperimento kung ano ang pinakamagandang pang-moisturize, pinakamainam na komunsulta sa iyong doktor tungkol sa kung anong produkto ang mabuti at akma sa iyong skin type.

  1. Maging gentle sa balat at gumamit ng mild products

Isa pang bagay na makatutulong ay ang maging malumanay sa apektadong balat. Iwasang kuskusin gamit ng magagaspang na tela. Sa halip, gumamit ng mild soap at sabunin ito gamit ang iyong mga daliri.

  1. Gawin ang ilang pag-iingat upang maiwasan ang dry skin

Makatutulong ang paliligo nang mas maikli pa sa 15 minuto, paggamit ng humidifier, at paliligo gamit ng maligamgam na tubig kaysa sa mainit upang maiwasan magkaroon ng dry skin.

  1. Paggamit ng medicated products

Minsan, nirerekomenda ng mga dermatologist ang prescription-strength moisturizers kung hindi epektibo ang mga produktong nabibili over the counter.

Kung nais mong matanggal ang dead skin cells, maaari nilang irekomenda ang retin-A products. Maaari rin nilang ibigay sayo ang mga produktong may urea, alpha-hydroxy acids (AHA), lactic acid, glycolic acid, at salicylic acid. Tinatawag na keratolytic ang mga produktong ito na makakatulong sa pagtanggal ng dead skin cells at mabawasan ang paglabas ng keratosis pilaris.

Tandaan:

Gagamitin mo ang keratolytics pagkatapos mong mag-exfoliate ng iyong balat. Siguraduhing mailagay nang naaayon sa prescription. Maaaring mairita ang balat kung sobra o madalas na inilalagay ito. Minsan, kahit ang paggamit nito ayon sa nirekomenda ay nakakairita rin para sa balat na senyales upang ihinto ang paggamit nito.

Maaaring Asahan

Tulad ng nasabi kanina, walang lunas ang keratosispPilaris. Kaya naman, kahit na may mga gamot na makakatulong sa itsura ng iyong balat, hindi nito matatanggal ang mga butlig.

Mahalaga ring tandaan na sa ilang pagkakataon, hindi tumatalab ang mga gamot sa keratosis pilaris.

Key Takeaways

Isang karaniwang skin condition ang keratosis pilaris na tumutukoy sa maliliit at tuyong butlig sa balat. Hindi ito delikado: hindi rin ito nagdudulot ng sakit o kati. Wala man itong lunas at gamot, nakatutulong sa skin condition na ito ang ilang home remedies at treatment.

Matuto pa tungkol sa Skincare and Cleansing dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Keratosis pilaris, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/keratosis-pilaris/symptoms-causes/syc-20351149#:~:text=Keratosis%20pilaris%20develops%20when%20keratin,from%20harmful%20substances%20and%20infection., Accessed March 14, 2022

KERATOSIS PILARIS: WHO GETS AND CAUSES, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/keratosis-pilaris-causes, Accessed March 14, 2022

Keratosis Pilaris, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17758-keratosis-pilaris, Accessed March 14, 2022

Keratosis Pilaris (KP), https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/k/keratosis-pilaris-kp.html, Accessed March 14, 2022

Keratosis pilaris, https://www.nhs.uk/conditions/keratosis-pilaris/, Accessed March 14, 2022

KERATOSIS PILARIS: SELF-CARE, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/keratosis-pilaris-self-care, Accessed March 14, 2022

Kasalukuyang Version

12/06/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement