Paggamot at Pamamahala
Karaniwan, ang pag-atake ng allergic rhinitis ay maaaring pangasiwaan sa bahay sa pamamagitan ng gamot. O siguraduhing maiiwasan mo ang mga pag-trigger hangga’t maaari. Gayunpaman, makabubuti rin ang pagpapatingin sa isang allergist o health practitioner kung nararanasan mo ang mga sumusunod dahil sa allergic rhinitis:
- Hindi ka nag-e-enjoy sa iyong pang-araw-araw na gawain. Ang mga sintomas ng allergic rhinitis ay maaaring lumitaw anumang oras. At kung gaano katindi ang mga ito ay maaaring humadlang sa mga bagay na iyong kinagigiliwan o sa pagiging produktibo mo.
- Hindi ka nakakatulog nang maayos. Dahil sa allergic rhinitis maaring manatili kang gising o putol putol ang pagtulog. Pwede itong magresulta sa fatigue o pagod.
- Lumalala ang iyong hika. Para sa mga taong may hika ang allergic rhinitis maaaring magpalala ng mga sintomas na nauugnay sa hika.
- Nagkakaroon ka ng impeksyon sa tainga. Ang allergic rhinitis ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa tainga, lalo na sa mga bata.
- Nagkakaroon ka ng sinusitis. Dahil ang mga daanan ng ilong ay masikip, ang allergic rhinitis ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng iyong mga sinus. Pagtagal ito ay maaaring humantong sa sinusitis.
Ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi o magreseta ng mga sumusunod na paggamot para sa kung ano ang allergic rhinitis:
Intranasal Corticosteroids, na kilala rin bilang nasal sprays. Ang mga ito ay isa sa mga pinaka-epektibong paggamot para sa mga sintomas ng allergic rhinitis. Hindi tulad ng mga gamot na iniinom o tinuturok, ang intranasal corticosteroids ay bihirang magkaroon ng anumang side effect.
Antihistamines. Ito ang mga gamot na pinakakaraniwang ginagamit sa paggamot sa allergic rhinitis. Gumagana ang mga gamot na ito sa pamamagitan ng pagkontra sa histamine, na siyang nagiging sanhi ng allergic rhinitis reactions. Ang ilang antihistamine medications ay may mga side effect tulad ng antok o pagkatuyo sa ilong, bibig, at sa may mata.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap