backup og meta

Gamot sa Ingrown sa Kuko: Heto ang Dapat Tandaan

Gamot sa Ingrown sa Kuko: Heto ang Dapat Tandaan

Maaaring masakit at nakakairita ang mga ingrown sa kuko. Narito ang lahat ng dapat mong malaman sa gamot sa ingrown ng kuko.

Ano ang Sanhi ng Ingrown sa Kuko?

Ang ingrown sa kuko ay maaaring sanhi ng isa o kombinasyon ng mga sumusunod na rason:

1. Congenital

Ang ilang mga tao ay maaaring may ingrown sa kuko dahil sa congenital. Maaaring natural na malaki ang kuko para sa paa o daliri sa paa, na nagiging sanhi ng ingrown nang walang partikular na sanhi.

Ang ilang mga tao ay maaaring may natural na kurba ng kuko kaysa sa iba. Maaari itong mas magkaroon ng ingrown sa kuko.

2. Injury

Trauma sa kuko tulad ng pag-stub sa kuko o pagkaipit, ito ay humahantong sa ingrown sa kuko.

3. Hindi maayos na size ng footwear

Ang pagsusuot ng sapatos at medyas na sobrang liit o masyadong masikip ay nagreresulta sa ingrown sa kuko. Ang sobrang sikip na footwear ay nakadaragdag sa pressure sa iyong daliri na nagreresulta sa kuko ng abrnomal na pagtubo sa iyong nail bed.

4. Pagsusuot ng loose shoes

Ang mga tao na madalas mag jog, maglaro ng sports, tumakbo at iba pa habang suot ang masikip na sapatos ay mapapansin na laging nagkakaroon ng ingrown.

5. Hindi maayos na paglilinis

Maraming mga tao ang ginugupit ang kuko upang maging semi-circle ito, na tulad ng daliri sa paa. Gayunpaman, hindi inirerekomenda ng mga tao na gawin ito. Ang paggupit ng kuko sa hugis na bilog ay humahantong ng pagkakaroon ng ingrown sa kuko. Ang gilid ng kuko ay bumibilog pababa sa iyong balat, na nagreresulta sa ingrown.

Kaya’t ipinapayo na gupitin nang tuwid ang kuko. Huwag iksian ang gupit sa kuko. Kabilang dito ang mga kuko sa paa, at huwag sobra sa mga kuko sa kamay. Karamihan ng mga tao ay ginugupit ang kanilang kuko sa iba’t ibang hugis nang hindi nagkakaroon ng ingrown sa kuko.

4. Paulit-ulit na Gawain

Ang ilang gawain na nakapaglalagay ng pressure sa iyong mga kuko ay nagreresulta sa ingrown sa kuko. Halimbawa, ang palagiang pagsipa sa bola ay mas magde-develop ng ingrown.

Komplikasyon ng Ingrown sa Kuko

Kung ang ingrown sa kuko ay hindi nalunasan, maaari mong maranasan ang mga sumusunod na komplikasyon:

1. Impeksyon sa Buto

Ang ingrown sa kuko ay maaaring mag-iwan sa katawan ng exposed na bacteria at germs, dahil dito mas maaaring maimpeksyon ang buto. Bagaman ito ay bihira, posible itong mangyari lalo na kung ang kuko ay hindi nalunasan sa mahabang panahon.

2. Impeksyon

Gaya ng nabanggit sa taas, ang bahagi ng ingrown ng kuko ay mas maaaring maimpeksyon. Maaaring maging malala ang komplikasyon at mas magiging malala kung ang isang tao ay may diabetes. Maaaring makapinsala sa nerves ang diabetes at magresulta sa mahinang sirkulasyon. Napatatagal din nito ang proseso ng paggaling kung ikaw ay may sugat.

Kaya’t kung ang ingrown sa kuko ay may sugat, matagal itong gagaling at mas magkakaroon ng tsansa na mag-develop sa impeksyon.

3. Sores

Kung mayroon kang hindi nagagamot na ingrown sa kuko, partikular na sa iyong mga kuko sa paa, maaari itong humantong sa sores at foot ulcers. Mapapansin mo rin ang pagkaagnas ng tissue malapit sa impeksyon/ingrown.

Paano Gamutin ang Ingrown sa Kuko

1. Bulak

Para sa minor cases ng ingrown sa kuko, maglalagay lang ang doktor ng bulak sa ilalim ng edge ng kuko. Ihihiwalay ng bulak ang nasa ibabaw na balat mula sa kuko. Kalaunan, ang kuko ay tutubo sa ibabaw ng balat, kaya’t maaari na itong putulin at gupitan nang maayos.

Sa ideal, kailangan na mapanatiling tuyo ang bulak at palitan ito kung kinakailangan. Ang paggamit ng basang bulak ay mas magpaparami ng bacteria sa apektadong bahagi.

2. Ibabad ang paa

Upang maiwasan ang impeksyon at mawala ang sakit, maaari mong ibabad ang infected na kuko sa loob ng 20 minuto sa mainit na tubig na may asin. Maaari mo itong gawin ng 2-3 beses kada araw.

Isaisip na huwag iasa lamang sa tip na ito ang paraan upang gamutin ang ingrown sa kuko. Laging konsultahin ang iyong doktor, lalo na kung ito ay infected at masakit.

Surgery

Maaaring kailangan mo ng foot specialist (podiatrist) kung ikaw ay may malalang ingrown sa kuko o palaging may ingrown. Sa maraming mga kaso, ang foot specialist ay maaaring magbigay ng payo ng treatment plan kabilang ang surgery upang matanggal ang problema.

May iba’t ibang uri ng pamamaraan sa operasyon. Halimbawa, maaaring magmungkahi ang doktor ng partial nail removal kung ang isang parte lang ng kuko ang malalim sa balat.

Ang partial nail removal surgery ang isa sa pangunahing paraan sa gamot ng ingrown sa kuko. Maglalagay rin ang doktor ng phenol upang maiwasan na tumubo ang kuko sa balat.

Kung ang iyong mga kuko ay makapal at nakakurba sa iyong nail bed, ipapayo ng doktor ang total at permanenteng pagtanggal ng kuko. Ang pamamaraan ay tinatawag na matrixectomy.

Key Takeaways

Maaaring napakasakit ng mga ingrown sa kuko at maaaring humantong ito sa komplikasyon. Bagaman matututo ka ng ilan sa mga paraan sa ng gamot sa ingrown sa kuko, ipinapayo pa rin na konsultahin ang doktor lalo na sa mas masasakit at komplikadong kaso.

Matuto pa  tungkol sa Pangangalaga ng Kuko dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ingrown Toenail,  https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases–conditions/ingrown-toenail#:~:text=Ingrown%20nails%20may%20develop%20for,and%20trimming%20of%20the%20nail,Accessed January 6, 2021

Ingrown Toenail, https://www.foothealthfacts.org/conditions/ingrown-toenail Accessed January 6, 2021

Ingrown Toenails (for Teens)https://kidshealth.org/en/teens/ingrown.html#:~:text=Nails%20that%20are%20ripped%2C%20instead,Poorly%20fitting%20shoes Accessed January 6, 2021

Interpretation of radiologic abnormalities in patients with chronically infected ingrown toenails with regard to a possible exogenic osteomyelitis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19944230/ Accessed January 6, 2021

Wound healing in the patient with diabetes mellitus, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/2179891/ Accessed January 6, 2021

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Alagaan Ang Kuko? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Nawawala Ba Ng Kusa Ang Ingrown Sa Paa? Ano Ang Puwedeng Gawin?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement