Pagdating sa unwanted hair, aminin natin na ang pagbubunot, pag-aahit, o maging ang paminsan-minsang pagwa-wax ay mahirap at nakakapagod. Kailangang bigyan mo ng oras ang pagtaggal ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan mo. Mabuti na lang at dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, matutugunan mo ang mga pangangailangan mo. Ito ay sa pamamagitan ng hair removal. Alamin dito kung paano gumagana ang laser hair removal.
Ano ang laser Hair Removal?
Ang laser hair removal ay isang non-invasive medical procedure na gumagamit ng highly concentrated light (matinding pulsed light o IPL) upang alisin ang unwanted hair. Ito ay nagpapainit at nagpapahina sa mga follicle ng buhok sa balat, na nagiging sanhi ng pagkagambala sa proseso ng paglago ng buhok.
Paano gumagana ang laser hair removal? Maaaring gamitin ang mga hair removal laser sa halos anumang parte ng katawan. Maraming mga laser ang may kakayahang gamutin ang malalaking lugar. Maaaring gamutin ng laser hair removal ang mga sumusunod na bahagi ng katawan:
- Kili-kili
- Likod
- Bikini area
- Dibdib
- Mukha (partikular ang itaas na labi at baba, kung saan maaaring tumubo ang balbas at bigote)
- Mga binti
- Leeg
- Mga balikat
Mahalagang malaman na ang procedure na ito ay direktang nakakaapekto lamang sa aktibong tumutubong hair follicles. Ibig sabihin na ang hair reduction ay maaaring mangailangan ng ilang session ng treatment. Bukod dito, kahit na ang laser hair removal ay maaaring epektibong makapagpabagal ng hair growth, hindi nito sinisigurado ang permanenteng hair removal. Maaaring tumagal ng ilang session ( 4-6 o minsan higit pa) para magkaroon ito ng makabuluhang epekto. Bukod pa riyan, maaaring kailanganin mong regular na magsagawa ng treatments upang mapanatili ito.
Paano gumagana ang laser hair removal?
Ang laser hair removal ay gumagamit ng isang teknik na kilala bilang selective photothermolysis. Ang init ng laser ay sumisira sa cells na may magandang halaga ng pigment (kulay).
Maaring makaapekto ang kulay ng buhok at skin type sa success rate ng procedure sa panahon ng anagen o growth stage ng follicle ng buhok. Ang dark hair ay nakakatulong na mag-absorb ng pinakamaraming init dahil sa mataas na pigment content nito. Pagkatapos ay dumadaloy ang init sa buhok patungo sa hair follicles, sumisira sa kanila at pinipigilan ang hair growth.
Paano Ka Maghahanda para sa Laser Hair Removal?
Ang unang step ay ang pag-book ng appointment sa isang certified board dermatologist. Sasabihin ng doktor ang maraming pagsasaalang-alang, panganib, at benepisyo sa iyo. Matapos suriin ang medical history mo, tutulungan ka ng doktor mo na alamin ang pinakamahusay na treatment option para sa iyo. Maaari silang kumuha ng mga larawan para sa before-and-after assessment at long-term review.
Kasunod nito, ang iyong dermatologist ay maaari ring magpatuloy sa pagbabahagi ng mga partikular na tagubilin bago ang treatment tulad ng:
- Iwasan ang pagkakalantad sa araw at lagyan ng sunscreen na may hindi bababa sa SPF30.
- Huwag gumamit ng lightening products.
- Iwasan ang paggawa ng iba pang paraan ng pagtanggal ng buhok.
- Iwasan ang blood-thinning medications.
- Shaving treatment area bago ang naka-iskedyul na appointment.
Ano ang Mangyayari Sa Laser Hair Removal?
Ang procedure ay sumusunod sa isang serye ng mga hakbang na kinabibilangan ng:
- Nililinis ang bahagi bago ang treatment. Ang ilang mga pasyente, lalo na ang mga gustong takpan ang mga sensitibong bahagi ng katawan, ay maaaring mangailangan ng tulong ng numbing gel para maka-relax.
- Pagsusuot ng protective eyewear habang isinasagawa ang procedure. Ito ay para sa lahat ng nasa treatment room.
- Treatment sa iyong balat gamit ang laser, na maaaring makaramdam ng magkakasunod-sunod ng mga sting. Inihahambing ito ng ilan sa isang rubber band na pinipitik sa kanilang balat.
Ang haba treatment ay inaalam sa laki ng treatment area. Tulad halimbawa ng upper lip treatment procedure na maaaring tumagal lamang ng ilang minuto o higit pa. Gayunpaman, kung ginagamot ang isang napakalaking lugar, tulad ng likod o binti, ang procedure ay maaaring tumagal ng mas mahaba sa isang oras.
Side Effects
Ang mga side effect ay nag-iiba ayon sa uri ng balat, kulay ng buhok, treatment plan, at pagsunod sa pangangalaga bago at pagkatapos ng paggamot. Pinakakaraniwang epekto nito ay pangangati ng balat tulad ng discomfort, pamumula, at pamamaga.
Ang iba pang posibleng epekto, bagaman bihira, ay maaaring kabilang ang:
- Blistering
- Crusting (outbreaks ng herpes simplex)
- Mga impeksyon
- Peklat
- Skin lightening o darkening
Key Takeaways
Karaniwang ligtas at epektibo ang laser hair removal dahil ito ay ginagawa ng isang kwalipikadong dermatology specialist. Sa karamihan ng mga kaso, hindi ito nangangailangan ng anumang totoong downtime. Gayunpaman, ang balat mo ay maaaring magpakita kaagad ng mga palatandaan ng pamumula at pamamaga. Ngunit madali mong mai-pagpapatuloy ang mga regular na gawain pagkatapos ng procedure.
Maaaring kailanganin mong sumailalim sa ilang mga maintenance treatment upang mapigilan ang pagtubo ng buhok.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Buhok at Anit dito.
[embed-health-tool-bmi]