backup og meta

Paano Kuminis Ang Balat? Heto Ang Mga Tip Na Maaari Mong Subukan

Paano Kuminis Ang Balat? Heto Ang Mga Tip Na Maaari Mong Subukan

Summer is in the air! Naghahanap na ang mommies, daddies, at teens ng paraan kung paano kuminis ang balat. Para i-flaunt ang kanilang flawless skin sa beach! Handa ka na ba? Basahin ang artikulong ito para sa trendy ideas tungkol sa pag-achieve ng flawless skin!

Ang Ating Balat

Ayon sa mga eksperto, ang skin’s texture ng tao ay naiimpluwensyahan ng external at internal elements. Narito ang mga sumusunod:

External Elements

Internal Elements

  • Kalusugan
  • Diet

Huwag din kakalimutan na pwede ring magbigay ng impluwensya ang edad ng tao sa skin’s texture ng tao. Ito ay maituturing na mga natural na pagbabago sa ating balat. 

Skin Care Tips

Maaari mong mapakinis ang iyong balat sa pamamagitan ng pagpapanatili ng healthy skin. Hindi mo naman kailangan lagi ng intensive skin care, para ma-achieve ang iyong goal para sa pagkakaroon ng glowing skin. Narito ang mga sumusunod na paraan para makuha ang makinis na balat.

Paano kuminis ang balat: Protektahan ang balat mula sa sikat at init ng araw

Isa sa mga dahilan ng tuyong balat ang matinding sun exposure. Bukod dito, pwede na maging sanhi ito ng wrinkles, age spots at iba pang skin problems. Nagpapataas din ito ng panganib ng kanser sa balat. Ang pagprotekta sa ating skin ay daan sa pagkakaroon ng makinis na balat. Narito ang ilang tips kung paano proteksyunan ito:

  • Paggamit ng sunscreen
  • Pagsusuot ng shades kapag sobrang tirik ang araw at mainit
  • Pagsusuot ng protective clothing

Paano kuminis ang balat: Pananatiling hydrated

Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong sa elasticity ng balat. Nababawasan din nito ang mga sintomas ng pagkatuyo ng balat. Sanhi para maging mas malambot ang balat at makinis.

Paano kuminis ang balat: Pag-eehersisyo

Ayon sa animal at human studies ang regular na aerobic exercise ay pwedeng magpabuti ng komposisyon ng balat. Ito ay nagreresulta ng mas bata at makinis na balat.

Paano kuminis ang balat: Huwag Manigarilyo

Ang paninigarilyo ay dahilan para maging matanda ang iyong balat. Dahilan para magkaroon ng wrinkles at kulubot na skin. Sapagkat, dini-deplete o inuubos nito ang oxygen at nutrients para sa ating balat na mahalaga sa skin health. Pinapataas din ng paninigarilyo ang risk ng squamous cell skin.

Paano kuminis ang balat: Pag-take ng mga pagkain na mataas sa antioxidants

Sinasabi na ang mga antioxidant-rich foods ay may protective effect sa balat. Narito ang mga sumusunod na pagkain na mataas sa antioxidants:

  • Madadahong gulay o leafy greens
  • Dilaw at kahel na prutas at gulay
  • Matatabang isda o fatty fish tulad ng salmon

Ang pagdaragdag din ng probiotics sa iyong diet ay nakakatulong na maiwasan ang skin conditions, tulad ng eczema at acne.

Paano kuminis ang balat: Tamang pamamahala ng stress

Huwag kakalimutan na ang uncontrolled stress ay pwedeng maging sanhi ng pagiging sensitibo ng balat — at mag-trigger ng acne breakouts. Para magkaroon ng makinis na balat, kinakailangan na matutunan ng tao na i-manage ang kanyang stress. Sikapin na makakuha ng wastong haba ng tulog. Dahil nakakatulong ito para mas maging klaro ang isip at i-manage ang stress.

Paano kuminis ang balat: Pag-iwas sa pag-inom ng alak

Ang pag-inom ay may kaugnayan sa skin photodamage skin aging at wrinkles. Dahil maaaring humantong sa dehydration ang labis na pag-inom ng alak. Ito ang sanhi ng tuyong balat at premature aging.

Iba pang paraan sa pagpapakinis ng balat

Mayroon tayong mga over-the-counter products na pwedeng gamitin sa pagpapakinis ng balat. Subalit, laging siguraduhin na ito ay inaprubahan ng iyong doktor o dumaan ka sa konsultasyon. Maaari kasing maging sanhi ito ng iritasyon sa iyong balat at allergy. Narito ang mga sumusunod na skin products na pwedeng gamitin:

  • Skin exfoliators
  • Alpha hydroxy acid
  • Moisturizers
  • Dry brushing
  • Mild at gentle cleansers

Home Remedies para sa makinis na balat

Narito rin ang mga sumusunod na home remedies para sa malambot at flawless skin:

  • Honey. Isa itong natural exfoliator na mayroong bioactive properties na may benepisyo sa pagbabawas ng wrinkles.
  • Oatmeal baths. Ito ay makakatulong para sa pagpapanatili ng moisture ng balat. Mabisa rin ito sa paggamot sa skin conditions.
  • Coconut oil. Maganda ito para sa pag-moisture ng balat dahil nagtataglay ito ng anti-inflammatory at antimicrobial properties.
  • Essential oils. Ang ibang essential oils kapag tinunaw o dilute ay makakatulong sa pagbabawas ng wrinkles at skin issues.
  • Humidifiers. Sinasabi na ang paggamit nito ay nakakatulong para maiwasan ang pagkatuyo ng balat.

Key Takeaways

Ang pagpapakinis ng balat ay isa sa paraang ginagawa ng tao upang alagaan ang skin. Sa panahon ngayon, mas lalong dumami ang mga bagay na pwedeng gamitin. Para sa pag-achieve ng flawless skin. Huwag lamang kakalimutan na magpakonsulta pa rin sa doktor para sa mga medikal na payo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Truth About Dry Brushing and What It Does for You https://health.clevelandclinic.org/the-truth-about-dry-brushing-and-what-it-does-for-you/ Accessed May 10, 2022

Anti-inflammatory activities of colloidal oatmeal (Avena sativa) contribute to the effectiveness of oats in treatment of itch associated with dry, irritated skin https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25607907/ Accessed May 10, 2022

Dietary water affects human skin hydration and biomechanics https://www.dovepress.com/dietary-water-affects-human-skin-hydration-and-biomechanics-peer-reviewed-fulltext-article-CCID Accessed May 10, 2022

Factors That Affect Skin Aging https://jamanetwork.com/journals/jamadermatology/fullarticle/712313 Accessed May 10, 2022

Skin care: 5 tips for healthy skin https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/skin-care/art-20048237

Accessed May 10, 2022

Radiation: The known health effects of ultraviolet radiation https://www.who.int/news-room/questions-and-answers/item/radiation-the-known-health-effects-of-ultraviolet-radiation Accessed May 10, 2022

Smoking and the skin https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/j.1365-4632.2011.05205.x Accessed May 10, 2022

Honey: A Therapeutic Agent for Disorders of the Skin http://cajgh.pitt.edu/ojs/cajgh/article/view/241 Accessed May 10, 2022

Exercise-stimulated interleukin-15 is controlled by AMPK and regulates skin metabolism and aging https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/acel.12341 Accessed May 10, 2022

https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/dry/dermatologists-tips-relieve-dry-skin Accessed May 10, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement