backup og meta

Paano gawin ang ice facial, epektibo ba ito pampakinis sa mukha?

Paano gawin ang ice facial, epektibo ba ito pampakinis sa mukha?

Babae ka man o lalaki marahil ay big deal sa’yo ang pag-achieve ng makinis na mukha dahil gusto natin magkaroon ng flawless skin. Kaya’t hindi nakapagtataka kung nagawa mong subukan ang ice facial na makikita sa recent TikTok trends online. Napatunayan ng maraming user at anecdotal evidences na ligtas, affordable, at kayang-kayang gawin sa bahay bilang DIY skin treatment ang ice facial. Marami rin itong kilalang mga benepisyo na makakatulong sa pagpapaganda ng balat ng ating mukha, ayon sa mga dermatologist at doktor.

Basahin ang artikulong ito para sa mga makabuluhang impormasyon tungkol sa ice facial

Ano ang ice facial?

Kilala rin bilang “skin icing” ang ice facial at itinuturing ito bilang isang cryotherapy treatment na may proseso ng paglalagay ng yelo sa mukha. Kung saan ang pag-rub nito sa balat ay makakatulong para ma-refresh ang isang tao — lalo na kung stress at pagod. Pinapaganda rin nito ang blood circulation sa mukha ng isang tao, at ginagawang mas radiant. Nakakatulong din ito sa pag-stimulate o pagpapasigla sa collagen at elastin production dahilan para mas ma-tighten ang balat. 

Ang cold air ay malaking bagay rin para matanggal ang toxin at CO2 na mula sa superficial layers ng balat. Pinapakalma din ng ice facial ang pamumula at pamamaga ng ating mukha at sinasabi na maganda itong opsyon para sa mga pasyente na may acne, eczema at rosacea.

Kinumpirma rin ni Dr. Karan Lal, isang board-certified dermatologist sa New Jersey — na ang ice facial ay nakakatulong sa pag-tighten ng balat. Ngunit, pwede rin itong mauwi sa facial swelling, herpes rashes sa mukha at labi kung magiging sobrang tagal ng paggamit nito.

Idinagdag pa ni Dr. Rana, ang pag-aaplay ng yelo sa mukha ay maganda. Subalit, dapat itong gawin sa maikling oras lamang. Sapagkat, pwede itong maging dahilan ng pangangati at pamumula ng mukha. Hindi rin ito dapat gamitin ng direct sa balat dahil pwedeng magresulta ito ng frost bites at dead cells sa ating balat. 

Paano gawin ang ice facial?

Simple lamang ang pagsasagawa nito at ang kailangan mo lang gawin ay mag-rub o maglagay ng yelo sa mukha. Ngunit tandaan, hindi ito inirerekomendang direktang ilapat sa mukha. Magandang gumamit ng mga tela para balutin ang yelo upang maiwasan ang iritasyon at pamumula. 

Dahan-dahan itong imasahe sa mukha sa “circular motion” at pwede itong gamitin o gawin sa mga sumusunod na bahagi ng katawan ng tao:

  • Sa paligid ng leeg
  • Pisngi
  • Noo
  • Panga
  • Ilong

Huwag ding kakalimutan na bago gawin ang ice facials mainam na ipaalam ito sa’yong doktor at dermatologist upang maiwasan ang anumang impeksyon sa balat. Maaaring magkaroon sila ng payong medikal tungkol sa skin condition at sa iyong current health status.

Narito ang mga sumusunod na hakbang kung paano gawin ang ice facial:

  1. Kung may ice tray para sa ice cubes, gamitin ito. Linisin ito kada pagkatapos gamitin.
  2. Laging maghilamos muna bago mag-skin icing.
  3. Panatilihing malinis at angkop ang tela na gagamitin para matanggal din ang dumi sa mukha at mas maging epektibo ang paggamit.
  4. Iwasan lamang na patagalin sa mukha ang yelo upang maiwasan ang ice burn.

Gaano katagal dapat gamitin ang ice facial?

Pwedeng isagawa ang skin icing sa loob ng 1-2 minuto ng 2 beses sa isang araw at gawin ito sa pamamagitan ng circular motions. Siguraduhin lamang na angkop ang tela at mild lamang ang pag-rub nito sa mukha.

Paano gawin ang ice facial: Mga benepisyo

Naging popular ang ice facial dahil na rin sa pagiging abot-kaya ng presyo at idagdag mo pa na madali lamang itong gawin. Narito ang mga sumusunod na benepisyo ng ice facial:

Susi para sa glow skin

Pinapabuti ng skin icing ang blood circulation ng ating balat dahil nababalanse nito ang sirkulasyon ng dugo sa mukha at nagiging sanhi para maging radiant at bright ito. 

Dagdag pa rito, pwede rin na magamit ito para sa treatment ng sunburns, at rashes na dahil sa sun exposure. 

Pagtanggal ng dark circles

Nakakatulong ang ice facial sa pag-minimize ng oil production at pamamaga ng ating mukha dahil sa tigyawat. Malaki rin ang naitutulong ice facial treatment sa pagbawas ng ating eyebags dahil sa pagre-release ng fluid buildup at drain toxins.

Pagpapabuti sa acne at skin pores

Ang skin icing ay pwedeng gamitin para sa acne sapagkat pinababagal nito ang pamamaga, at pinapalilit ang skin pores para mabawasan ang sobrang produksyon ng oil sa mukha. Huwag lamang kakalimutan na dapat malinis ang yelo at tela na gagamitin upang maiwasan ang pagkalat ng bakterya.

Tandaan rin na ang ice facial ay nakakatulong para mag-shrink ang pores upang mailabas ang dumi mula sa pores at malinis ang iyong mukha. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit pwedeng magamit na pang-iwas sa tigyawat ang ice facial. 

Pagpapataas ng absorption ng skin care products

Bago gumamit ng skin care products magandang subukan mo muna ang ice facial dahil magandang hakbang ito ay upang mas maabot ang deeper layers ng balat at mas maging epektibo ang mga produkto. Siguraduhin lamang na ang mga produktong gagamitin ay naikonsulta sa’yong dermatologist.

Flawless look 

Ang pagsasagawa ng skin icing ay nakatutulong para mas lalong maging flawless at long-lasting ang foundation sa’ting mukha dahil mas nagiging makinis at bright ang ating complexion sa pagsasagawa ng DIY skin treatment na ito.

Nababawasan ang wrinkles

Sinasabi na ang skin acing ay makakatulong sa pagkontrol ng wrinkles na senyales ng aging dahil nakakatulong ito para maiwasan ang pagkakaroon ng formation ng new lines ng wrinkles.

Paano gawin ang ice facial: Mga Paalala

Iba-iba ang skin condition at types ng ating balat kaya mas maganda kung magpakonsulta muna sa doktor bago gawin ito. Sapagkat ang angkop para sa iba ay maaaring hindi pwede sa’yo. Narito ang ilang mga paalala, bago ikonsidera ang paggamit nito:

  • Maaaring ang ice facial ay makapinsala ng sensitive skin.
  • Ang pagsasagawa ng skin icing ay pwedeng makasira ng balat kapag ginawa ito sa loob ng napakahabang oras.
  • Pwede kang makaranas ng pananakit ng ulo kapag ginawa ang ice facial pagkatapos mabilad o malantad sa init ng araw.
  • Hindi gamot ang skin icing sa long-term skin concerns.

Key Takeaways

Masasabing popular ang facial skin icing kahit hindi ito suportado ng clinical research. Subalit, maraming anecdotal evidences ang nagsasabi at nagpapatunay sa mga benepisyo nito at napakaraming doktor at dermatologist ang nagpapaliwanag ng magandang epekto nito sa balat. Kung ikokonsidera mo ang paggamit nito magandang kumonsulta muna sa’yong doktor para sa mga payong medikal. Sapagkat, iba-iba ang pangangailangan ng ating balat at kondisyon nito at tandaan na hindi mo rin ito dapat gamitin ng sobrang tagal dahil pwede itong magresulta ng pamamaga, iritasyon at pamumula.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A dermatologist explains why rubbing ice on your face daily give you flawless skin https://www.healthshots.com/beauty/natural-cures/a-dermatologist-explains-why-rubbing-ice-on-your-face-daily-can-give-you-flawless-skin/ Accessed May 13, 2022

Cold and compression in the management of musculoskeletal injuries and orthopedic operative procedures: a narrative review https://www.dovepress.com/cold-and-compression-in-the-management-of-musculoskeletal-injuries-and-peer-reviewed-fulltext-article-OAJSM Accessed May 13, 2022

Bags under eye https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bags-under-eyes/diagnosis-treatment/drc-20369931 Accessed May 13, 2022

Skin Icing: How This Chilly Facial Beautifies Skin https://www.byrdie.com/skin-icing-how-this-chilly-facial-beautifies-skin-2442895#:~:text=Also%20known%20as%20an%20ice,and%20a%20healthy%2Dlooking%20glow. Accessed May 13, 2022

Guidelines cryotherapy

https://www.researchgate.net/publication/26845157_Guidelines_for_cryotherapy Accessed May 13, 2022

Kasalukuyang Version

07/05/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement