backup og meta

Mamaso o Impetigo: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Mamaso o Impetigo: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga magulang na madaling kapitan ng iba’t ibang mga sakit ang mga bata. Isa sa mga sakit na karaniwang nakukuha ng mga bata ang impetigo o mamaso. Alamin kung tungkol saan ang nakakahawang sakit sa balat sa artikulong ito. 

Impetigo, Isang Pagpapaliwanag

Ang impetigo o mamaso ay tumutukoy sa isang pangkaraniwan at lubhang nakakahawa na impeksyon sa balat na pangunahing nakakaapekto sa mga sanggol at maliliit na bata. Ito ay karaniwan sa mga batang 2-6 taong gulang, ngunit maaari ring magkaroon ang mga mas malalaking bata at mga nakatatanda nito. 

Maaari ka ring magkaroon ng mas mataas na panganib kung ikaw ay:

  • Nakatira sa isang tropikal na lugar, na may mainit, mahalumigmig na tag-araw at banayad na taglamig
  • Mayroong mga kondisyon sa balat tulad ng scabies, chickenpox, atopic dermatitis, at contact dermatitis
  • Mayroong mga skin trauma tulad ng kagat ng insekto, thermal burns, lacerations, o abrasions
  • Nagsasagawa ng mga aktibidad o sports kung saan karaniwan ang mga hiwa at gasgas
  • Naninirahan sa malalapit at matataong lugar; kadalasang nangyayari ang mga impeksyon sa mga taong nakatira sa iisang bahay o mga bata sa day care
  • Mayroong poor personal hygiene 

Ang makati at masakit na sakit sa balat na ito ay lumilitaw bilang mapupulang mga sugat sa mukha. Kadalasan itong makikita sa paligid ng ilong at bibig, maging sa mga kamay at paa. Ito ay dulot ng mga bacteria, partikular na nasa pangkat ng A Streptococcus at Staphylococcus aureus. Nagiging sanhi ng pagsusugat ang paghawa ng group A strep sa balat. Ang naturang bacteria ay maaaring kumalat sa iba kung may humawak o dumikit sa likidong mula sa mga sugat. 

Sa loob ng humigit-kumulang isang linggo, ang mga sugat o paltos ay mabilis na  napuputok at nag-iiwan ng magaspang na golden-brown patches. 

Klasipikasyon ng Mamaso

Maari itong uriin bilang non-bullous (o school sores) o bullous impetigo. Ang intact na balat ay karaniwang lumalaban sa kolonisasyon mula sa mga bacteria. Ang pagkagambala sa integridad ng balat ay nagbibigay-daan para sa pagsalakay ng mga ito sa pamamagitan ng nagambalang unang bahagi ng proteksyon ng balat. Ito ang dahilan kung bakit nagiging magaspang ang balat. Sa kabilang banda, ito ay tinatatawag na bullous kung nagkakaroon nang mas malalaking paltos na hindi agarang pumuputok. Madalas din itong lumilitaw sa leeg, katawan, kilikili, o singit. 

Ecthyma naman ang tawag sa isang malalim na anyo ng mamaso na nagdudulot ng mas malalim na pgkasira ng bahagi ng layer ng balat na tinatawag na dermis.

Mga Sintomas ng Mamaso

Karaniwan, kapag nariyan na ang impeksyon, ang mga sintomas ay nangyayari sa loob ng tatlong araw. Maaaring kumalat ang impeksyon dahil sa pagkamot sa mga sugat. Ang mga sintomas ay unang nagsisimula sa paligid ng bibig at ilong.

Ilan sa mga sintomas ng mamaso ay ang mga sumusunod:

  • Isa o higit pang mga paltos na puno ng nana at madaling maputok. Ito ang nagiging sanhi ng pula, hilaw na balat
  • Makakating mga paltos na naglalaman ng likido (dilaw o kayumanggi) na tumutulo at bumubuo ng crust o langib
  • Kumakalat na pantal 
  • Mga sugat sa balat sa labi, ilong, tenga, braso at binti, na maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan
  • Namamaga na mga lymph node o kulani malapit sa apektadong lugar

Kung pinaghihinalaan mo na ikaw o ang iyong anak ay may mamaso, agad na kumunsulta sa doktor kung paano ito magagamot. 

Paggamot sa Mamaso

Nagagamot ang impetigo sa pamamagitan ng mga antibiotic na ipinapahid sa mga sugat (topical antibiotics) o iniinom (oral antibiotics). Maaaring irekomenda sa iyo ang mga pamahid tulad ng mupirocin o retapamulin, para lamang sa ilang mga sugat. Kung ang pinaguusapan naman ay mas maraming mga sugat, nagrereseta ang doktor ng mga oral antibiotics.

Madalas naman itong nawawala sa loob ng ilang linggo, kahit walang paggamot. Subalit, maaari itong lalong tumagal. Hangga’t hindi ito tuluyang nawawala, maaari itong makahawa ng iba pang mga tao. 

Kung kaya, mas mainam na iwasan ang pagkakaroon ng naturang impeksyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawi:

Key Takeaways

Maraming mga nakakahawang sakit ang maaari mong makuha pati na rin ng iyong anak tulad na lamang ng impetigo. Kung kaya, mahalagang mapanatiling malinis at malusog ang iyong pangangatawaan upang maiwasan ang pagdapo nito.  

Alamin ang iba pa tungkol sa Nakakahawang Sakit sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Impetigo, https://dermnetnz.org/topics/impetigo, Accessed July 20, 2022

Impetigo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15134-impetigo, Accessed July 20, 2022

Impetigo, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/impetigo/diagnosis-treatment/drc-20352358, Accessed July 20, 2022

Impetigo, https://kidshealth.org/en/parents/impetigo.html, Accessed July 20, 2022

Impetigo: All You Need to Know, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/impetigo/diagnosis-treatment/drc-20352358, Accessed July 20, 2022

Kasalukuyang Version

08/02/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa Pantal: Heto Ang Dapat Mong Tandaan At Malaman!

Mga uri ng allergy sa balat: Heto ang dapat mong malaman


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement