backup og meta

Malassezia Yeast Na Sanhi Ng Fungal Infections, Paano Nga Ba Gamutin?

Malassezia Yeast Na Sanhi Ng Fungal Infections, Paano Nga Ba Gamutin?

Ang Malassezia yeast ay natural nang nahahanap sa balat ng tao. Ang yeast o fungi na ito ay sanhi ng iba’t-ibang kondisyon, kabilang na ang dandruff, atopic eczema, dermatitis, seborrheic dermatitis, pityriasis versicolor, and folliculitis, at iba pa. Posible rin itong maging sanhi ng mga systemic na infection. Ngunit ano nga ba ang ginagawa nito sa ating katawan, at paano nagagamot ang Malassezia yeast?

Infection Ng Malassezia Yeast

Para sa marami sa atin, normal na ang pagkakaroon ng yeast o fungi sa balat. Sa katotohanan, halos lahat ng tao ay mayroong ganitong yeast, at wala naman itong kadalasang nagiging masamang epekto.

Ngunit mayroong mga tao kung saan sadyang hindi napipigilan ng katawan ang overgrowth ng yeast na ito. Ito ay humahantong sa mga skin infections at iba pang sakit na kaugnay sa Malasezzia.

Kabilang na rito ang dermatitis pati ang inflammation ng balat.

Bakit Nagkakaroon Ng Malasezzia Yeast?

Heto ang ilang bagay na posibleng magdulot ng overgrowth ng Malasezzia:

  • Mataas na humidity – ito ay kapag mataas ang levels ng water vapor sa hangin. Tipikal itong nararanasan tuwing tag-ulan sa Pilipinas.
  • Oily na balat- Bukod sa humid na lugar, natatagpuan rin ang Malasezzia sa mga oily na bahagi ng katawan. Kabilang na rito ang mukha, anit, at sa may dibdib.
  • Pagpapawis- Kapag masyadong nagpapawis at hindi ito natutuyo ng maayos ay maaaring magdulot ng overgrowth ng Malasezzia.
  • Immunodeficiency – Kapag ang tao ay mayroong immunodeficiency o mahina ang immune system, mas posible silang magkaroon ng Malassezia fungus infection. Kabilang na rito ang mga umiinom ng immunosuppresant na gamot, corticosteroids, pati na ang mayroong HIV infection.
  • Acne at pag-inom ng antibiotic – Ang mga tao na mayroong acne ay maaaring magkaroon ng Malassezia, lalo na kung gumagamit sila ng mga gamot na tetracyclines.

Sintomas Ng Infection

Ang sintomas ng Malassezia yeast infection ay mapula at makating mg pantal sa balat, lalong lalo na sa anit, sa dibdib, at sa mukha.

Diagnosis

Para sa mga doktor, benign na kondisyon lamang ang Malasezzia infection. Gayunpaman, hindi maikakaila na hindi maganda ang mayroong ganitong sakit sa balat.

Minsan, mahirap ang diagnosis para sa ganitong impeksyon. Ito ay dahil may kahalintulad ang mga sintomas nito, tulad ng sa acne vulgaris.

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng Malasezzia yeast infection, at hindi ka pa rin gumagaling kahit umiinom ka ng over-the-counter na gamot, magpakonsulta agad sa iyong doktor.

Gamot Para Sa Malassezia Yeast

Ang pangkaraniwang gamot sa Malassezia infection ay ang mga antifungal. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Fluconazole
  • Itraconazole
  • Ketoconazole

Kung scalp infection naman ang sintomas, maaaring mag-reseta ang iyong doktor ng mga sumusunod:

  • Selenium sulfide
  • Ketoconazole
  • Zinc pyrtihtione

Karamihan ng mga anti-dandruff shampoo ay mayroong ganitong mga ingredients.

Key Takeaways

Ang Malassezia yeast ay natatagpuan sa ating katawan kahit hindi natin alam. Para sa mga taong may ganitong fungal infection, ang kaalaman kung paano gamutin ang Malassezia yeast ay mahalaga upang magamot ang kondisyon na ito. Huwag rin mag-atubiling magpakonsulta sa dermatologist para sa diagnosis at treatment.

Alamin ang tungkol sa mga Infectious Skin Diseases dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malassezia yeasts – everywhere and sometimes dangerous, https://www.eurekalert.org/pub_releases/2015-01/p-mya010615.php, Accessed January 11, 2021

Malassezia infections in Humans and Animals: Pathophysiology, Detection and Treatment, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4287564/, Accessed January 21, 2021

Human infections due to Malassezia spp., https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC358230/, Accessed January 11, 2021

Malassezia, https://cmr.asm.org/content/5/2/101, Accessed January 11, 2021

Malassezia-Associated Skin Diseases, the use of Diagnostics and Treatment, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fcimb.2020.00112/full, Accessed January 11, 2021

Malassezia Pachydermatis carriage in dog owners, https://wwwnc.cdc.gov/eid/article/11/1/04-0882_article, Accessed January 11, 2021

Malassezia Fungi are specialized to live on skin and associated with dandruff, eczema, and other skin diseases, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3380954/#:~:text=Malassezia%20is%20a%20monophyletic%20genus,2%5D%3B%20Figure%201), Accessed January 11, 2021

Skin conditions associated with Malassezia, https://dermnetnz.org/topics/malassezia-infections/, Accessed January 11, 2021

Dermatitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20352380, Accessed May 18, 2021

Kasalukuyang Version

03/26/2024

Isinulat ni Amable Aguiluz

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Yeast Infection Sa Vagina: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Fungal Infection Sa Balat: Maaari Ba Itong Maging Sanhi Ng Pangangati?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Amable Aguiluz · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement