backup og meta

Karaniwang Sakit sa Balat: Anu-Ano Ito?

Karaniwang Sakit sa Balat: Anu-Ano Ito?

Pinoprotektahan ng balat ang katawan mula sa pinsala at kinokontrol ang temperatura ng katawan. Sa kabutihang palad, ang mga sintomas ng mga kondisyong ito ay kadalasang madaling makita. Anu-ano ang mga pinaka karaniwang sakit sa balat at ang mga sintomas nito?

Mga Senyales ng Karaniwang Sakit sa Balat

1. Mga patch ng balat na nagiging puti

Ang isang pangunahing senyales ng kondisyon ng balat ay ang kapansin-pansing pagbabago sa kulay ng balat ng isang tao. Nangangahulugan ito na ang balat ay nawawalan ng melanin, na siyang pigment na nagbibigay ng kulay ng balat. Ang isang tao na lantad sa araw ng matagal ay nangangailangan ng mas maraming melanin sa kanyang balat upang maprotektahan sya mula sa pinsala sa balat.

Kapag ang balat ng isang tao ay tila nawawala ang kulay, maaaring ito ay isang pangunahing sintomas ng isang skin pigment disorder. Kasama sa mga kondisyong ito ang:

Vitiligo. Ito ay isang chronic condition ng balat na kung saan may mga puting patch na lumilitaw sa buong balat. Nangyayari ang Vitiligo kapag ang cells na responsable sa paglikha ng melanin ay biglang namamatay.Ang resulta, ang mga puting patch na ito ay maaaring lumaki sa paglipas ng panahon.

Albinismo. Ang mga taong may albinismo ay may mga katawan na hindi kayang gumawa ng melanin. Bilang resulta, ang isang taong may albinismo ay may napakaputing balat, buhok, at mata at napaka sensitibo sa sikat ng araw.

2. Mga pulang sugat na mukhang magaspang o namamaga

Lumilitaw ang mga ulser sa balat bilang open sores o mga crater na may magaspang na balat sa palibot nito. Ang mga sugat ay kadalasang sintomas ng mga kondisyon tulad ng:

Impetigo. Ito ay isang nakakahawa na bacterial skin infection na kadalasang nakakaapekto sa mga sanggol o bata. Ang mga sugat ng impetigo ay maaaring maging sobrang pula at makati, at maaaring umagos ang likido na natutuyo sa isang dilaw na crust sa paligid ng sugat. Lumilitaw ang mga sugat na ito sa mga braso o binti, o sa paligid ng ilong o bibig.

Cold Sores. Fever blisters o cold sores  ay sanhi ng herpes simplex virus (HSV). Karaniwang lumilitaw ang mga ito bilang mga paltos o open sores sa paligid ng bibig. Ito rin ay lubhang nakakahawa, kahit na ang mga sintomas ay maaaring hindi agad na lumitaw pagkatapos ng impeksyon.

3. Makapal, magaspang, at nangangaliskis na balat

Ang dry skin ay isang pangkaraniwang irregularidad sa balat na kadalasang magaspang o nangangaliskis na balat na natutuklap o nagbabalat. Ano ang mga pinaka karaniwang sakit sa balat na may magaspang, nangangaliskis na balat?

Psoriasis. Isang chronic skin condition na nagiging sanhi ng pagbuo ng mga plaque sa balat. Nagmumula ito sa cells ng balat na mas mabilis na dumami dahil sa malfunction ng immune system.

Dermatitis. Ito ay ang isang grupo ng skin disorders na nagreresulta mula sa pangangati ng balat. Kasama sa mga uri ng dermatitis ang eczema, seborrheic dermatitis, at contact dermatitis.

4. Raised bumps sa balat

Ang ilang mga kondisyon ng balat ay maaaring maging sanhi ng pagbuo ng mga bukol sa balat. Maaaring katulad ng mga bukol na ito ang isang pantal, ngunit maaaring hindi kumpol kumpol.

Ang mga papules ay pula at namamagang bukol, habang ang may madilaw-dilaw na nana (pus) ay pustules. 

Ang mga sumusunod ay mga kondisyon na maaaring magdulot ng mga bukol na ito:

5. Acne

Ang skin condition na ito ay nasa anyo ng mga whiteheads, blackheads, o pimples na resulta ng pagbabara ng mga follicle ng buhok na may dead skin at oil (sebum).

Keratosis Pilaris. Ito ay isang harmless na skin condition na nagdudulot ng magaspang, tuyo, at bumpy skin sa mga hita at itaas na braso. Ang iregularidad ng balat na ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng keratin sa mga follicle ng buhok na may texture na katulad ng “chicken skin.”

Pangangalaga sa Iyong Balat

Madaling maiwasan ang mga sakit sa balat kasama ang good hygiene at proper skin care habits. Ang pag-unawa din kung ano ang mga pinaka karaniwang problema sa balat ay mahalaga, dahil maaari kang humingi ng medikal na tulong kapag lumitaw ang mga sintomas.

Nasa ibaba ang ilang madaling paraan upang pangalagaan ang iyong balat: 

  1. Gumamit ng sunscreen kapag lalabas upang protektahan ang iyong balat mula sa sobrang pagkakalantad sa UV rays. 
  2. Mag-hydrate at mag-moisturize gamit ang lotion upang maiwasan ang tuyong balat.
  3. Iwasan ang anumang matapang o mabangong produkto ng balat dahil ang mga pabango ay maaaring pagmulan ng pangangati.

Key Takeaways

Maaaring lumitaw ang mga sintomas sa iyong balat dahil sa iba’t ibang skin conditions.Kung napapansin mo na may problema ka sa balat, mabuting humingi ng payo sa isang health professional. Ang self-treatment ay maaaring magpalala sa iyong kondisyon, o humantong sa higit pang mga isyu sa iyong balat.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin Pigment Disorders https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=skin-pigment-disorders-85-P00304 Date Accessed November 19, 2020

Vitiligo https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vitiligo/symptoms-causes/syc-20355912#:~:text=Vitiligo%20is%20a%20condition%20in,of%20skin%20color%20in%20patches Date Accessed November 19, 2020

Albinism https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/albinism/symptoms-causes/syc-20369184 Date Accessed November 19, 2020

Impetigo: All You Need To Know https://www.cdc.gov/groupastrep/diseases-public/impetigo.html Date Accessed November 19, 2020

About Psoriasis from: National Psoriasis Foundation https://www.psoriasis.org/about-psoriasis/ Date Accessed November 19, 2020

Acne https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047#:~:text=Acne%20is%20a%20skin%20condition,affects%20people%20of%20all%20ages Date Accessed November 19, 2020

Keratosis pilaris: Diagnosis and treatment https://www.aad.org/public/diseases/a-z/keratosis-pilaris-treatment Date Accessed November 19, 2020

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement