Ang isang kaganapan na hindi madalas makita sa mga balat ng mga Pilipino ngunit madalas sa mga mapuputing Europeo ay ang pekas, o freckles sa balat. Bagaman hindi ito masyadong nakikita sa mga Pilipino, may iba na partikular na mapuputi ang balat ay nagkakaroon nito. Ang mga pekas ba ay sintomas ng karamdaman o sakit na hindi alam ng mga tao?
Ano Ang Mga Pekas (Freckles Sa Balat)?
Ang mga pekas ay dagdag na patches ng kulay (pigment) sa ilalim ng iyong balat na tinatawag ng doktor na ephelides. Ang pekas o freckles sa balat ay nagde-develop mula sa genetics at kadalasan ay lumalabas simula pagkabata. Bagaman, maaari kang patuloy na magkaroon nito sa iyong edad na 20s. Ang mga taong may mapuputing balat at kulay pulang buhok ay ang mga kadalasang nagkakaroon nito.
Ang mga pekas ay kadalasang nakikita kung ang mga bata ay nasa edad na 2-3 taong gulang. Lumalabas ang mga ito matapos magbilad sa araw at kadalasan ay nasa braso, dibdib, mukha at leeg.
Maaari itong maging pula, dark brown o light brown at mawawala sa pagtanda at maaaring tuluyang maglaho kung bumaba ang temperatura. Kadalasan ang mga pekas ay may sukat na 2-3 na milimetro o mas malaki pa at may iregular na borders na hindi masyadong matukoy.
Ang mga pekas o freckles sa balat ay kinikilalang hindi mapaminsala kung ito ay lumabas. Gayunpaman, mahalagang maging maalam sa pagbabago ng balat at maging malay kung ano ang normal sa iyong balat. Dahil ang cancer sa balat ang isa sa pinaka karaniwang cancer, kaya’t mahalagang malaman ang mga senyales at sintomas ng ganitong karamdaman kung nakaramdan ng anumang bagay na hindi karaniwan.
Dapat alalahanin ang sakit na basal cell carcinoma, isang cancer na nakaapekto ng balat na expose sa araw. Ang banta ng basal cell carcinoma ay mas mataas sa mga taong nagpepekas o madaling masunog ang balat o ang mga taong mayroong mapuputing balat, pula o blond na buhok, o light-colored na mga mata.
Paano Nagkakaiba Ang Mga Pekas Sa Ibang Marka Sa Balat
Hindi tulad ng iba pang patches sa balat tulad ng nunal, ang pekas ay nakikitang flat sa halip na angat sa balat. Sa ibang mga kaso, ang mga pekas ay mas nagiging dark kung exposed sa araw. Ito ang dahilan bakit ang mga pekas ay napapansin tuwing tag-araw at nawawala tuwing taglamig.
Isa pa sa mga marking ng balat na kadalasan ay napagkakamalang pekas ay solar lentigines. Kilala rin ito sa tawag na age spots. Ang solar lentigines ay sanhi ng matagal na exposure sa araw ng maraming taon. Sa isang banda, ang pekas o ephelides ay mula sa sanhi ng genetics.
Ang solar lentigines ay mas laganap at mas kumakalat kung ang tao ay tumatanda. Mas makikita sila sa itaas na bahagi ng katawan at mas laganap sa mga lalaki kaysa mga babae. Sa kabilang banda, ang ephelides o pekas ay nawawala sa pagtanda. Nagiging balanse rin ang pagkakaroon nito sa mukha, braso, at itaas na bahagi ng katawan. Ang madalas na nagkakaroon nito ay mga kababaihan.
Ang Mga Pekas Ba Ay Sintomas ng Sakit?
Ugat na sanhi ng mga pekas ang natural na kapaligiran at genetics. Sa pag-aaral ng 523 na middle-aged na mga French na babae, may dalawang elemento na nakita sa pagkakaroon ng mga pekas: madalas na sunburn at pagkakaroon ng gene na MC1R. Ang gene na ito ay nagbibigay ng panuto upang magkaroon ng melanin. Ang ganitong gene, gayunpaman ay hindi nakaaapekto sa lahat ng indibidwal.
May dalawang uri ng melanin: pheomelanin at eumelanin. Ang mga taong nagpo-produce ng pheomelanin ay hindi napoproktekhan laban sa UV radiation. Kadalasan sila ay may pula o blonde na buhok, mapuputing balat, at kutis na hindi maganda ang pagkaka-tan.
Sa kabilang banda, ang mga taong maraming eumelanin ay napoproktekahan laban sa pinsala ng UV radiation sa balat at sila ay mayroong brown, o itim na buhok, mas maitim na balat, at madaling mag-tan na kutis.
Inilabas ng 1988 na pag-aaral na ang mga balat na sensitibo sa araw na type I at type II ay karaniwan sa mga taong may mapuputing balat, pekas o pareho. Ang pag-uugnay ng uri ng balat na type I at type II, pula o blonde na buhok at pekas na may kaunting minimal erythema ay maaaring magkaroon ng kung ano man sa balat. Ito ay kontrolado ng genes na pheomelanin (isang photosentizing molecule) sa balat ng mga taong may ganitong phenotypes.
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng pekas ay kadalasan na nangyayari sa mga taong may mapuputing balat. Hindi eksaktong nakikita kung sintomas ang pekas o freckles sa balat ng sakit. Ang pagkakaroon ng pekas ay hindi pa naiuugnay sa kahit na anong sakit.
Gayunpaman, ang pagiging malay sa pagkakaiba ng iba pang marker sa balat ay makatutulong. Ang kaalaman sa pinagmulan ng pekas at pagbabagong maaaring mangyari sa balat ay maaaring humantong sa maagang pag-alam at pag-iwas ng tiyak na mga sakit tulad ng uri ng cancer sa balat.
Matuto ng higit pang impormasyon ukol sa Sakit sa Balat dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Jason Inocencio.