Karaniwan din na may sukat na 2-3 milimetro ang mga freckles sa balat ng tao. Subalit may pagkakataon din na mas malaki pa sa 2-3 milimetro ang sukat nito at nagtataglay ng irregular borders.
Ang freckles ay flat mong makikita sa’yong balat, at sa ibang mga kaso mas nagiging dark ito kapag nagkakaroon ka ng exposure sa araw. Ito ang dahilan kung bakit ang freckles ay mas madalas mapansin sa tag-araw kaysa sa panahon ng taglamig.

Bakit ba nagkakaroon ng freckles sa balat?
Pwedeng madebelop ang freckles mula sa genetics, at karaniwang lumalabas ito sa simula pa lamang ng ating pagkabata. Makikita ang freckles sa braso, dibdib, leeg, at mukha ng isang tao.
Sino ang madalas na magkaroon ng freckles?
Madalas makita ang freckles sa balat ng mga mapuputing European, habang bihira naman ito sa mga Pilipino. Dahil kadalasan ang kulay ng balat ng mga Pilipino ay itim o kayumanggi. Subalit, huwag mo pa ring kakalimutan na may mga Pilipino pa rin na nagkakaroon nito, partikular ang mga Pilipinong may mapuputing kulay na balat.
Maaari kang magkaroon nito sa simula pa lamang ng iyong pagkabata at magpatuloy sa iyong 20’s, at karaniwan sa mga taong mayroong mapuputing balat ang pagkakaroon ng freckles.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap