backup og meta

Bakit Nagkakaroon Ng Batik Batik Na Puti Sa Balat? Alamin Dito

Bakit Nagkakaroon Ng Batik Batik Na Puti Sa Balat? Alamin Dito

Kadalasang nagbabago ang kulay ng balat kapag ito ay nakararanas ng sobrang sun exposure. Ito ay marahil ang sun exposure ay maaaring magkaroon ng direktang epekto sa pagtaas o pagbaba ng mga cells na gumagawa ng pigments sa katawan. Nagmumukhang mga puting spots, patches, o discoloration. Mayroong iba’t ibang mga kondisyon sa balat na maaaring magdulot ng mga batik batik na puti sa balat. Alamin kung ano-ano ang mga ito sa artikulo. 

Mga Kondisyon Na Nagdudulot Ng Batik Batik Na Puti Sa Balat

Mayroong iba’t ibang mga kondisyon at mga salik na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng batik batik na puti sa balat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 

Tinea versicolor

Isa ang Tinea versicolor, o pityriasis versicolor, sa mga karaniwang fungal infection na nakikita sa balat. Ang naturang fungus ay nakakaapekto sa normal pigmentation ng balat, na humahantong sa maliliit na discolored patches. Maaaring mas maliwanag o mas madilim ang kulay nito kaysa sa nakapaligid na balat. Ngunit, karaniwan itong mas maliwanag dahil sa sun exposure. Kadalasang itong nakikita sa may dibdib at balikat. 

Ang mga patches ay maaaring lumitaw na puti, rosas, pula, kayumanggi, light tan o yellow. Sa mas maitim na balat, ang tinea versicolor ay lumilitaw na puti o light tan. Samantala sa mas magaan o mas maputlang balat, ito ay mukhang mapusyaw na pula o rosas.

Makatutulong ang paggamit ng mga antifungal cream, lotion, o shampoo upang magamot ito. 

Vitiligo 

Ang vitiligo ay isang autoimmune condition na nagdudulot ng pagkawala ng kulay ng balat. Ito ay nangyayari kapag ang mga melanocytes ay sinisira ng immune system ng katawan, dahilan para magkaroon ng batik batik na puti sa balat. Ito ay karaniwang unang lumilitaw sa mga kamay, mukha, at iba pang parte ng katawan sa paligid ng body openings at genitals. Bukod sa balat, maaari ring magkaroon ng pamumuti o pag-gray ng buhok sa scalp, pilikmata, kilay, o balbas. Sa paglipas ng panahon, lumalaki ang mga bahaging ito.

Makatutulong ang paggamot ng vitiligo upang manumbalik ang kulay sa apektadong lugar. Ngunit, dahil ito ay isang autoimmune condition, hindi nito napipigilan ang patuloy na pagkakaroon ng batik batik na puti sa balat. 

Pityriasis Alba

Minsan, kapag nairita ang maliit na bahagi ng balat, ito ay nagreresulta sa batik batik na puti sa balat na tinatawag na pityriasis alba. Ito ay tumutukoy sa isang low-grade eczema o dermatitis na pangunahing nakikita sa mga bata. 

Maaari gamitan ng moisturizing cream, mild topical steroid (hydrocortisone), at calcineurin inhibitors upang magamot ito. Makatutulong din ang pag-iwas sa mga drying soaps at pagkakaroon ng proteksyon mula sa araw.

Idiopathic Guttate Hypomelanosis

Bagaman hindi karaniwang napaguusapan, ang kondisyong ito ay karaniwang acquired form ng leukoderma. Ito ay nagpapakita bilang maliliit na flat pale o puting batik sa mga braso at binti marahil ang mga naturang parte ang kadalasang nakararanas ng sun exposure. Gayunpaman, benign ito at hindi naman masakit. 

Ang cryotheraphy, topical treatments (steroids, retinoids, tacrolimus), chemical peel, excimer laser, at skin grafting ang ilan sa mga inirerekomendang paggamot. 

Key Takeaways

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng mga puting batik sa balat. Karaniwan nagkakaroon ng ganito kapag masyado nang nalalantad ang balat sa makapangyarihang sinag ng araw. Kung kaya, patuloy ang pagpapalala na panatilihin ang paggamit ng sunscreen at moisturizer upang labanan ang posibleng epekto nito. At, kumunsulta rin sa iyong doktor kung napapansin mo na ang paglaganap nito sa iyong katawan. Ito ay upang mabigyan ka rin ng agaran at angkop na paggamot ayon sa iyong pangangailangan. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

White patch on skin: A cause for concern?, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dermatitis-eczema/expert-answers/white-patch-on-skin/faq-20058027, Accessed August 5, 2022

Why Do I Get White Spots on My Skin From the Sun?, https://health.clevelandclinic.org/white-spots-on-skin-from-sun/, Accessed August 5, 2022

Idiopathic guttate hypomelanosis, https://dermnetnz.org/topics/idiopathic-guttate-hypomelanosis, Accessed August 5, 2022

Idiopathic Guttate Hypomelanosis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482182/, Accessed August 5, 2022

Tinea versicolor, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tinea-versicolor/symptoms-causes/syc-20378385#:~:text=Tinea%20versicolor%20is%20a%20common,affect%20the%20trunk%20and%20shoulders, Accessed August 5, 2022

Tinea versicolor, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17719-tinea-versicolor, Accessed August 5, 2022

Vitiligo, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vitiligo/symptoms-causes/syc-20355912,  Accessed August 5, 2022

Vitiligo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12419-vitiligo, Accessed August 5, 2022

Pityriasis alba, https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/pityriasis-alba, Accessed August 5, 2022

Pityriasis alba, https://dermnetnz.org/topics/pityriasis-alba, Accessed August 5, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Fungal Infection Sa Balat: Maaari Ba Itong Maging Sanhi Ng Pangangati?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement