backup og meta

Ano Ang Hyperpigmentation At Paano Nangingitim Ang Balat?

Ano Ang Hyperpigmentation At Paano Nangingitim Ang Balat?

Ang pagkakaroon ng isang healthy lifestyle at wastong skincare routine ay makakatulong para ma-achieve natin ang “youthful-looking skin.” Hindi nakapagtataka kung bakit maraming tao ang nahihimok pagdating sa usaping “hyperpigmentation,” dahil nais nilang mapangalaan ng mabuti ang kanilang balat. Ngunit, hindi lahat ng tao ay may alam tungkol sa hyperpigmentation. Basahin ang artikulong ito upang matuto tungkol sa hyperpigmentation at skin care.

Ano Ang Hyperpigmentation?

Tumutukoy ang hyperpigmentation sa patches ng skin na nagiging mas maitim kaysa sa ibang bahagi ng ating balat. Huwag mo ring kakalimutan na nangyayari ang hyperpigmentation kapag ang balat ay gumagawa o nagpro-produce ng sobra-sobrang melanin na nagbibigay ng kulay sa ating balat.

Bukod pa sa mga nabanggit, tandaan mo rin na ang lahat ng type of skin ng tao ay maaaring magkaroon ng hyperpigmentation. Madalas itong nagaganap sa mga taong may darker skin tones, dahil sila ang mga indibidwal na may mataas ng melanin content sa balat.

Uri Ng Hyperpigmentation

Ang mga paso, rashes, tigyawat, at iba pang trauma sa balat ay maaaring maging dahilan ng mas maraming production ng melanin sa skin. Kung saan ang labis na melanin sa katawan ay pwedeng humantong sa dark spots at hyperpigmentation. Kaya naman mahalagang malaman mo ang mga uri ng hyperpigmentation upang maging madali para sa’yo ang pagbibigay ng treatment sa skin.

Narito ang mga sumusunod na type:

  • Age spots o liver spots. Madalas ito sa kamay, mukha, o sa bahagi ng katawan na madalas ma-overexpose sa araw. Pwedeng makita ang age spots sa pamamagitan ng brown, tan o black spots.
  • Melasma o chloasma (the mask of pregnancy). Karaniwan ito sa noo, tiyan, at mukha na makikita sa anyo ng malalaking patches ng darkened skin.
  • Post-inflammatory hyperpigmentation. Maaaring makita ito sa kahit anong bahagi ng katawan ng tao. Madalas na nasa anyo ito ng spots at patches ng darkened skin na lumalabas pagkatapos ng pamamaga ng balat, gaya ng acne at eczema.

Ano ang dahilan ng hyperpigmentation?

Narito ang ilan sa karaniwang dahilan ng pangingitim ng ating balat:

  • Exposure sa araw
  • Skin inflammation
  • Pagkakaroon ng medikal na kondisyon gaya ng diabetes
  • Pagre-react ng katawan sa ilang medications na ginagamit
  • Melasma

Paano Maiiwasan Ang Pangingitim Ng Balat?

Ang pag-alam ng mga uri ng hyperpigmentation at mga posibleng dahilan nito ay nakakatulong para sa pagkakaroon ng kaalaman kung paano maiiwasan ang pangingitim ng balat. Kaya naman narito pa ang ilang panuto na dapat mong malaman para mas mapangalagaan ang skin:

  • Paggamit ng angkop na sunscreen sa’yong balat
  • Pag-iwas sa pagkutkot ng mga tigyawat, sugat at injury
  • Pagpili ng angkop at tamang skin care products para sa pangangailangan ng iyong balat

Tandaan mo rin na maganda kung magkakaroon ka ng konsultasyon sa dermatologist upang makahingi ng medikal na payo at diagnosis tungkol sa kondisyon ng iyong balat. Huwag mo ring kakalimutan na dahil sa pakikipag-usap sa eksperto at doktor maaari kang makakuha ng mga angkop na paggamot at produkto na magagamit sa’yong balat. 

Key Takeaways

Ang pangangalaga sa ating balat ay pagpapakita rin ng pagmamahal at importansya sa ating mga sarili. Lagi mong tandaan na walang masama sa paghahangad ng pagpapabuti ng kondisyon ng ating balat. Huwag lamang kalimutan na dapat ay maging maingat ka sa mga paraan na iyong gagawin para sa’yong skin care. Maaari kasing mauwi sa medikal na komplikasyon ang mga problema sa balat kung hindi ito mabibigyan ng angkop na paggamot. Ipinapayo ang pagpapakonsulta sa doktor kung may nais kayong ayusin at pagbutihin sa’yong balat. Isa ito sa mga mabubuting hakbang upang malaman kung papaano masosolusyunan ang iyong problema sa hyperpigmentation.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hyperpigmentation, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21885-hyperpigmentation#:~:text=Hyperpigmentation%20is%20a%20common%20condition,can%20make%20people%20self%2Dconscious, Accessed July 27, 2022

How to Get Rid of Hyperpigmentation Based on Your Skin Tone, https://www.apothecopharmacy.com/blog/how-to-get-rid-of-hyperpigmentation-based-on-your-skin-tone/, Accessed July 27, 2022

How To Fade Dark Spots In Darker Skin Tones, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/routine/fade-dark-spots, Accessed July 27, 2022

Are Natural Ingredients Effective in the Management of Hyperpigmentation? A Systematic Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5843359/, Accessed July 27, 2022

Kasalukuyang Version

03/12/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Maitim Na Siko At Tuhod: Alamin Dito Ang Solusyon

Paggamit Ng Sunblock Araw Araw, Kailangan Ba Itong Gawin?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement