backup og meta

Paano Gamutin Ang Eczema? Heto Ang Mga Paraang Dapat Subukan

Paano Gamutin Ang Eczema? Heto Ang Mga Paraang Dapat Subukan

Ang eksema ay isang uri ng dermatitis na maaaring mas karaniwang lumitaw sa maliliit na bata. Maaaring mangyari din ito sa anumang edad. Ito ay isang sakit na dulot ng sobrang aktibong immune system na nagdudulot ng mga nakakairitang sintomas. Ang eksema ay nauugnay din sa gene mutations, na nagdudulot ng kakulangan sa produksyon ng filaggrin. Ang Filaggrin ang nagpapanatiling sa balat na hydrated at pumipigil sa karamihan ng bacteria at mga impeksyon na makapasok sa balat. Alamin dito kung paano gamutin ang eksema.  

Ano ang Eczema? 

Ang eksema ay chronic — na nangangahulugang ito ay umuulit at may mga panahong kalmado at mayroon ding matitinding flare-up. Walang lunas ang eksema ngunit mapapamahalaan sa paggamot. Ang kondisyong ito ay maaaring magmukhang halos kapareho sa iba pang mga sakit na nauugnay sa balat tulad ng psoriasis. 

Ang mga sintomas ng eczema ay maaaring mag-iba sa bawat tao ngunit maaaring kabilang ang:

  • Pula hanggang reddish-brown na mga pantal
  • Mga paltos
  • Magaspang na scaly patches
  • Pagkapal ng balat 
  • Pamamaga 
  • Banayad hanggang matinding kati 

Paano Gamutin ang Eczema

Ang eksema, sa mas malubhang mga kaso, ay maaaring maging lubhang nakakapanghina. Paano gamutin ang eksema sa lahat ng mga pag-trigger na ito? Ang ilan sa mga bagay na dapat abangan ay:

Dry Skin 

Ang sobrang tuyo na balat ay maaaring magdulot ng tight, magaspang, cracked na balat, na maaaring mag-trigger ng flare-up. Siguraduhing mag moisturize ng iyong balat gamit ang mga iniresetang ointment o gamot.

Mga Irritant 

Ang mga irritant ay anumang substance o kundisyon na maaaring magdulot ng flare-up. Ang eksema ay maaaring maging sanhi ng sensitibo at manipis na balat. Dapat siguruhin na maiwasan ang anuman at lahat ng pakikipag-ugnay sa mga irritant tulad ng:

  • Tuyong kondisyon. Inirerekomenda na regular na mag moisturize ng iyong balat gamit ang mga iniresetang ointment at sabon. Panatilihing nasa tamang temperatura at moisture ang kapaligiran mo. Maaari kang gumamit ng humidifier para panatilihing moist ang hangin.
  • Harsh temperatures. Dahil sa pagkakaroon ng ganoong sensitibong balat, ang masyadong malamig o masyadong mainit ay maaaring makairita sa iyong balat, na maaari ding maging sanhi ng flare-up.
  • Usok ng sigarilyo. May mga lason sa usok ng sigarilyo na maaaring makapinsala sa collagen at elastin. Ito ang mga bahagi ng balat na nagpapanatiling malambot at elastic. Para sa eczema patients, ito ay lalong nakakairita at nakakasira sa hypersensitive at brittle na balat na mayroon sila.
  • Ilang mga tela at metal. Iwasan ang ilang partikular na tela tulad ng wool at polyester, o mga metal tulad ng nickel, na nagdudulot ng mga allergy at flare-up. 
  • Matapang na mga sabon at panlinis. Ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng labis na pagkatuyo ng iyong balat. Gaya ng nasabi kanina, dapat na pigilan o kontrolin ang pagkatuyo ng balat para maiwasan ang mga flare-up.

Iba pang mga sangkap na dapat iwasan: 

  • Ilang antibacterial ointment tulad ng neomycin at bacitracin
  • Anumang bagay na gumagamit ng formaldehyde, isothiazolinone, cocamidopropyl, at betaine para-phenylenediamine bilang isang sangkap. Ang mga kemikal na ito ay maaaring hindi pamilyar ngunit maaari talagang nasa maraming karaniwang bagay – mula sa mga baby wipes at sabon hanggang sa mga temporary tattoo, leather dyes, at mga bakuna.

Suriing mabuti ang mga label ng produkto para sa mga sangkap na ito.

Gabay sa Pag-iwas sa Eczema Flare-Ups

Dahil walang lunas para sa eczema, sundin ang gabay na ito na makakatulong kung paano gamutin ang eczema at maiwasan ang mga flare-up.

Kilalanin at iwasan ang mga nagti-trigger. Dahil ang bawat uri ng eczema ay may iba’t ibang trigger, dapat agad na kilalanin at iwasan ang mga ito para hindi lumala. 

Regular na mag-moisturize. Ang tuyong balat ay nagdudulot ng flare-ups. Kaya mag-moisturize ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw. 

Warm at short baths. Nakakatuyo ng balat ang matagal na paliligo at cold shower. 

Gentle skincare products. Gaya ng nasabi kanina, dapat iwasan ang anumang matapang na produkto dahil maaaring magdulot ng pangangati at flare-up. 

Maingat na patuyuin ang balat. Ang mga taong may eczema ay may sensitibong balat. Dapat na maging maingat kapag pinupunasan ang balat para maiwasan ang skin damage at irritation.

Key Takeaways

Bagama’t ang eczema ay hindi mapanganib, maaari itong maging lubhang nakakagambala sa iyong pang-araw-araw na buhay. Sa kabutihang palad, ito ay mapapamahalaan kung ginagamot kaagad. Humingi ng tulong medikal kung nakita ang mga sign para maiwasan ang iba pang komplikasyon mula sa skin infections.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

ECZEMA   A TO Z, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/eczema-a-to-z, Accessed Jan 2, 2021

AN OVERVIEW OF THE DIFFERENT TYPES OF ECZEMA, https://nationaleczema.org/eczema/types-of-eczema/, Accessed Jan 2, 2021

ECZEMA  CAUSES AND TRIGGERS, https://nationaleczema.org/eczema/causes-and-triggers-of-eczema/, Accessed Jan 2, 2021

ATOPIC DERMATITIS, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=P00257, Accessed Jan 2, 2021

ECZEMA: OVERVIEW, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279399/, Accessed Jan 2, 2021

ATOPIC DERMATITIS (ECZEMA), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273, Accessed Jan 2, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/11/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Long Term Prognosis sa Eczema: Epekto at Pamamahala


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement