Ointment para sa kati sa balat ang kailangan mo kung nangangati ka. Ang bawat tao’y nakakaranas ng pangangati paminsan-minsan. Gayunpaman, kung ang isang kati ay tumatagal ng higit sa anim na linggo, ito ay itinuturing na isang chronic itch at malamang na nakakagambala na sa iyong buhay.
Ang ointment ay isang makinis at madulas na gamot na ipinapahid sa balat para sa layuning pang gamot o cosmetic. Pruritus ang tawas sa pangangati na hindi lamang nakakainis na kondisyon, kung hindi nagdadala rin ng hindi maginhawang pakiramdam. Maaaring nagtataka ka kung gaano kalubha ang pangangati at kung paano mo malulunasan ito.
Alamin ang kondisyon bago pumili ng ointment para sa kati sa balat
Maraming posibleng dahilan kung bakit makati ang iyong balat tulad ng sumusunod:
- Nahawakan mo ang makating halaman tulad ng ragweed o poison ivy
- Psoriasis
- Eczema
- Allergy sa pagkain
- Rashes
- Tuyong balat
- Pagbubuntis
- Kuto
- Kagat ng insekto
- Pagpapagaling mula sa paso o hiwa
Anuman ang sanhi ng pangangati ng balat, ang pinakamahusay na paraan upang mahinto ito ay malaman kung ano ang sanhi nito. Pagkatapos ay mahahanap mo ang mga tamang paggamot. May iba’t-ibang pormulasyon ng gamot sa kati ng balat tulad ng sumusunod:
- Antihistamines tulad ng Benadryl, Zyrtec, Claritin, Clarinex at iba pa
- Anti-itch creams na kinabibilangan ng mga topical corticosteroids
- Antibiotics para sa mga bacterial skin infections
Ointment para sa kati sa balat
Ang karaniwang paggamot sa pangangati ay alinman sa cream o ointment. Parehong mabisa ngunit may pagkakaiba sa pormulasyon at taglay nitong langis at tubig. Habang ang isang anti-itch cream ay may pantay na bahagi ng langis at tubig, ang mga ointment ay naglalaman ng humigit-kumulang 80 porsyento ng langis kung kaya mas malagkit at madulas ito. Maaari mong gamitin ang ointment para sa sumusunod na kondisyon:
Pampaginhawa para sa Eczema at Psoriasis
Maaaring mahirapan ang iyong balat na panatilihin sa loob nito ang tubig at sa labas nito ang mga bacteria. Kapag tuyo ang balat, maaari itong pumutok at mapasukan ng bacteria. Makakatulong ang ointment para sa kati sa balat gaya ng petroleum jelly at magbibigay ng karagdagang ginhawa sa pangangati. Maaari nitong mapawi ang pamamaga at panatilihing basa ang iyong balat. Para maging mas epektibo, ipahid ang ointment kapag medyo basa ang iyong balat.
Ang petrolyo, na pangunahing sangkap ng petroleum jelly, ay lumilikha ng protective barrier. Tinutulungan nito na mapanatili ang moisture sa balat upang mapadali ang pag galing. Tunghayan ang mga kakayahan ng petroleum jelly upang mabawasan ang mga sintomas ng eczema:
- Hypoallergenic
- Anti-inflammatory
- Anti-bacterial
- Antifungal
Diaper rash
Maaaring kabilang sa mga sintomas ng diaper rash ang pula, masakit, o makati na balat kung saan nailapat ang diaper. Ang ointment tulad ng petroleum jelly ay may kakayahang mag-hydrate, moisturize, at magpagaling ng nasugatan na balat. Ito ay nagbibigay ng makapal na layer ng proteksiyon sa sensitibong balat. Nakakatulong ito upangmapawi ang pangangati, pamumula, at pamamaga.
Atopic Dermatitis sa mga sanggol
Maaaring mapawi ng ointment ang makati na balat sa mga bagong silang at mga sanggol. Kung ang atopic dermatitis ay tumatakbo sa iyong pamilya, ang petroleum jelly ay maaaring isang murang paraan upang matulungan ang iyong anak na maiwasan ito. Maaari itong gamitin sa balat ng sanggol mga tatlong linggo pagkatapos nilang ipanganak.
Sinasabi ng mga eksperto sa pangangalaga sa balat na ang mga ointment para sa kati sa balat ay tumutulong sa pag-seal ng balat upang maiwasan ang pagkawala ng tubig. Ngunit ang kanilang mamantika na pakiramdam ay maaaring maging isang turn-off para sa ilang mga tao.
Kung ang patuloy na pangangati at pagkamot ay patuloy na nagpapahirap sa pakiramdam, humanap ng ointment para sa kati sa balat. Maraming gamot na maaaring inumin para sa pangangati subalit mas mabuting subukan muna ang mga gamot na pwedeng ipahid sa balat gaya ng ointment.