Maaaring makuha ng parehong babae at lalaki ang virus na ito, maging ang sakit sa balat. Gayunpaman, ito ay mas madalas sa mga bagong silang na sanggol at mga bata na may atopic dermatitis dahil mayroon silang mababang immunity sa herpes infection. Maaari itong nasa mild hanggang malala, aktibo o hindi aktibo.
May mga kaso rin na ang mga trauma o cosmetic operations (hal. lasers, skin peels, at dermabrasion) ay potensyal na sanhi nito.
Ano ang mga Senyales at Sintomas nito?
Kadalasan na tina-target ng virus ang mukhat at ang bahagi ng leeg, ngunit maaari din itong makita sa ibang parte ng katawan tulad ng mga kamay. Matapos ang unang interaction sa herpes simplex virus, ang ilang senyales at sintomas ay maaaring mangyari matapos ang dalawang linggo.
Ang nakikitang senyales sa balat ay ang mga sumusunod:
- Makati at masakit na cluster ng maliliit na blisters (monomorphic o uniform kung tingnan)
- Pula, purple, o itim na blisters
- Blisters na pumuputok na may nana sa loob
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap