Ano ang eczema? Ang eczema ay karaniwan, hindi nakakahawa, at malalang skin condition. Pagtagal, nagiging sanhi ito na lalong gumagaspang at nagiging makati ang balat. Alamin sa artikulong ito ang long term prognosis sa eczema.
Bagamat ang eczema ay pangunahing nakakaapekto sa mga bata, ang mga matatanda ay nasa panganib din nito. Ang eczema ay ang pamamaga, pamumula ng balat at nagiging sanhi ng napaka-kating mga pantal. Karaniwan, ito ay bumubuti sa paglipas ng mga taon sa kondisyon na kailangan ng mabuting pangangalaga at mga angkop na hakbang. Ibig sabihin, mahalagang alamin ang pangmatagalang prognosis sa eczema.
Mga Sintomas na Dapat Bantayan
Ang mga sintomas ng eczema, lalo na kapag inaalala ang pangmatagalang prognosis sa eczema, ay mga pagbabago sa mga apektadong bahagi ng balat. Ang mga apektadong bahagi ay nagiging pula at makati.
Pagtagal, maaaring lalong lumala ang balat, nagbibitak, tuyo, at kumakapal. Pwede itong umabot sa bahagi na nagbabago ang structure ng balat. Ito ay nagiging magaspang, kasabay ng paglala ng sintomas ng pangangati.
Mahalagang tandaan na habang mas lumalabas ang mga sintomas, nagiging mas mahirap itong gamutin nang sabay-sabay.
Long Term Prognosis sa Eczema
Karamihan sa mga bata na may eczema ay malalampasan ito o kahit papaano ay bubuti ang kondisyon pagdating nila ng puberty. Sa adults, ito ay maaaring lumala at paulit-ulit, kung hindi ginagamot at hindi nasusuri.
Karaniwan, maaaring magamot ang sakit. Ito ay kung may mabuting pangangalaga sa balat, treatment, at pagpapanatili ng mahusay na komunikasyon sa isang medical professional.
Gayunpaman, maaaring mag-flare up ang mga sintomas sa buong buhay ng isang tao, sa iba’t ibang mga panahon.
Maaaring magkaroon ng eczema ang isang tao sa iba’t ibang panahon sa kanyang buhay. Pwede rin itong manatili sa ilang tao mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at tumagal sa kanyang buong buhay. Sa ibang tao, maaari itong lumitaw sa kanilang teenage years at humupa kapag young adult na sila.
Isa pang importanteng dahilan para maintindihan ang long term prognosis sa eczema ay ito maaaring maging malala at paulit-ulit. Sa kasalukuyan ay walang mga lunas para sa eczema. Gayunpaman, ang mga treatment na iniakma para labanan ang mga sintomas nito ay naging napaka-epektibo. At napatunayang talagang napabuti ang kalidad ng buhay ng mga pasyente na may ganitong malalang sakit.
Pag-iwas sa Eczema
Mahirap ang pag-iwas sa eczema dahil ang pagkakaroon nito ay madalas nakasalalay sa hereditary factors. Para sa mga taong may eczema na, talagang posible pa rin ang pag-iwas dito.
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang pagpapasuso ay nagpapababa ng panganib ng eczema sa mga sanggol, ngunit hindi pa ito napatunayan. Kasunod nito, ang World Health Organization, noong 2011, ay nagrekomenda sa mga ina na ganap na pasusuhin ang kanilang mga anak upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng atopic dermatitis o eczema. Nakita rin na nakakabawas ng tyansang magkaroon ng eczema o gawin itong hindi gaanong malubha. Ito ay sa pagpapanatili ng magandang skin care routine na may mild cleansers at fragrance-free moisturizer habang bata pa.
Kapansin-pansin din na ang mga sanhi ng eczema ay hindi pa ganap na natutuklasan. Dahil ito sa napakaraming dahilan ang kasangkot.
Key Takeaway
Bilang pangwakas, ang long term prognosis sa eczema ay malamang na kailanganin ng pasyente na pamahalaan ito sa buong buhay niya. Ang eczema ay hindi ganap na maiiwasan, at hindi rin ito mapapagaling. Gayunpaman, ito ay ganap na mapapamahalaan sa kondisyon na ang mga pasyente ay gumagawa ng tamang mga hakbang.
Matuto pa tungkol sa Dermatitis dito.
[embed-health-tool-bmi]