Madalas nagkakaroon ng mga butlig na may tubig sa paa o kaya naman sa mga kamay. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga ito? Ating alamin ang mga karagdagang impormasyon patungkol sa kung ano ang mga butlig sa artikulong ito.
Madalas nagkakaroon ng mga butlig na may tubig sa paa o kaya naman sa mga kamay. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga ito? Ating alamin ang mga karagdagang impormasyon patungkol sa kung ano ang mga butlig sa artikulong ito.
Ang butlig na may tubig, o mas kilala sa tawag na paltos, ay tumutukoy sa isang kondisyon ng balat kung saan pinupuno ng likido ang puwang sa pagitan ng layer ng balat.
Madalas na nabubuo ang mga ito sa mga kamay at paa buhat ng pagkukuskos at presyon. Sa paa, ito ay karaniwan kapag ikaw ay nagsusuot ng hindi komportableng sapatos. Sa kabilang banda, maaari ka naman magkaroon ng ganito sa kamay kung hindi ka nagsusuot ng mga guwantes kapag gumagawa ng mga bagay tulad ng pagpupok gamit ang martilyo o pagbibisikleta. Bukod sa paa at kamay, maaari rin itong lumitaw sa kahit anong parte ng katawan.
Ito ay maaaring masakit o makati, at kung impeksyon ang dahilan ng pagkabuo nito, maaari itong magkalaman na nana.
Maaari kang makakuha ng mga butlig na may tubig sa iba’t ibang paraan, kabilang ang ilang mga sakit, injury, allergic reaction, at impeksiyon. Ang mga ito ay maaaring ikategorya sa mga sumusunod na mga karaniwang uri ng paltos:
Ang mga kurot sa balat ang pangunahing dahilan ng mga blood blisters. Sa halip na malinaw na likido, dugo ang laman nito sa loob. Ito ay mula sa mga sirang daluyan ng dugo at pinsala sa mas mababang mga layer ng balat.
Ito ang pinakaraniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga butlig na may tubig. Dulot ng pagkiskis sa balat, nabubuo ito kapag naipon ang malinaw na likido sa itaas na mga layer ng balat.
Humahantong sa naturang uri ang sobrang paglalakad na hindi gumagamit ng medyas o paggamit ng hindi komportableng sapatos. Maaari mo ring makuha ang mga ito sa iyong mga kamay mula sa paghawak ng mga bagay tulad ng mga pala o iba pang mga tool.
Gaya ng iminumungkahi ng pangalan ng uring ito, mga paso o sunog (tulad ng sunburn) ang dahilan ng uri na ito. Dagdag pa rito ang mga frostbite.
Ang mga butlig na may tubig ay bahagi ng second-degree burn.
Ilan pa sa ibang mga sanhi ay ang mga sumusunod na sakit ng balat:
Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang mga butlig na may tubig ay karaniwan namang kusang gumagaling sa loob ng ilang araw.
Makatutulong ang mga sumusunod na paraan upang mas maging komportable ka sa mga ito:
Mangyaring obserbahan ang apektadong lugar para sa mga senyales ng impeksyon tulad ng pagtaas ng init, pamamaga, pamumula, pagpapatuyo, pagbuo ng nana, o pananakit. Kung may napansin kang anumang senyales ng impeksyon, tawagan kaagad ang iyong doktor. Maaaring mangailangan ka na ng tulong ng antibiotic.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Blisters, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16787-blisters#:~:text=A%20blister%20is%20a%20painful,Living%20With Accessed June 16, 2022
Blisters, https://www.nhs.uk/conditions/blisters/ Accessed June 16, 2022
Blisters, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/blisters Accessed June 16, 2022
Blisters, Calluses, and Corns, https://kidshealth.org/en/teens/blisters.html Accessed June 16, 2022
Blisters: First aid, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-blisters/basics/art-20056691 Accessed June 16, 2022
How to Prevent and Treat Blisters, https://www.aad.org/public/everyday-care/injured-skin/burns/prevent-treat-blisters Accessed June 16, 2022
Kasalukuyang Version
06/19/2023
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD
In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.