backup og meta

Buni Treatment: Ano ang Mainam na Gamot sa Buni?

Buni Treatment: Ano ang Mainam na Gamot sa Buni?

Ringworm, o karaniwang tinatawag sa Pilipinas na “buni,” ay isang sakit na balat na nagmumula sa fungi na nakatira sa ating balat, kuko, anit, buhok at iba pang bahagi ng katawan. Bagama’t tinatawag itong ringworm, hindi ito nanggaling sa mga uod. Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng ringworm, lalo na ang mga bata at matatanda o ang may mahihinang immune system. Alamin dito kung ano ang mga mainam na buni treatment. 

Sintomas ng Buni

Hindi man komportable ang sintomas ng buni, pero mayroong mga home remedies at buni treatment na nakakatulong upang mabawasan ang mga sintomas. Kung hindi agad magamot ang buni ay maari itong kumalat sa buong katawan, o kaya ay makahawa pa sa ibang tao.

Home Remedies Para sa Buni

Kung nalaman mo na mayroon kang buni, mahalagang gamutin ito agad. Heto ang ilang mga natural home remedies para gamutin ang buni.

Heto ang dapat gawin:

Hugasang Mabuti

Siguraduhing malinis ang iyong balat sa papamagitan ng paghugas gamit ng sabon at tubig. Matapos nito, tuyuing mabuti ang iyong balat gamit ang malinis na twalya. Ito ay dahil mas tumutubo ang fungi sa basang balat.

Gumamit ng Bawang

Marami ang nagsasabi na nakakatulong ang bawang laban sa fungal infection, ngunit kailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang mapatunayan ito. Upang gamitin ang bawang, durugin lamang ito at ipahid sa lugar na mayroong buni.

Apple Cider Vinegar

Ayon sa ilang pag-aaral, ang apple cider vinegar (ACV) ay nakakapatay rin ng fungi. Upang gamitin ito, lagyan lang ng apple cider vinegar ang isang malinis na panyo o tela, at ipahid sa lugar na mayroong buni.

Aloe Vera

Ayon sa isang pag-aaral, ang aloe vera ay mayroong antibacterial at antifungal properties. Dahil dito, mainam itong buni treatment. Nakakatulong rin itong makabawas ng pangangati na dala ng buni.

Coconut Oil

Ang mga acids na nahahanap sa coconut oil ay posibleng makatulong para sugpuin ang fungi. At ayon sa ilang pag-aaral, mainam gamitin ang coconut oil sa iba’t-ibang sakit sa balat, kabilang na ang buni. Ipahid lang ito sa balat tatlong beses isang araw. Puwede rin itong gamiting lotion para hindi kumalat ang buni.

Turmeric

Maaaring gamitin ang turmeric bilang pamahid sa pamamagitan ng paghalo nito sa coconut oil. Pagkatapos ipahid, hintaying matuyo bago ito hugasan o punasan.

Proper Hygiene

Mahalaga ang pagkakaroon ng proper hygiene kung mayroon kang buni. Siguraduhing maligo ng mabuti palagi, at pagkatapos ay tuyuing mabuti ang iyong katawan. Makakatulong itong makawas sa pagdami ng fungi.

Magpalit Palagi ng Punda at Bedsheet

Nakakahawa ang buni, at isa sa paraan na kumakalat ito ay sa punda at bedsheet. Upang mapigilan ang pagkalat nito sa ibang tao, ugaliing magpalit palagi ng punda at bedsheet at linisin itong mabuti matapos gamitin. 

Ano ang Mainam na Buni Treatment?

Kapag ang buni ay hindi pa rin gumaling sa loob ng dalawang linggo, mainam na tumawag na sa doktor. Bagama’t ang karaniwang buni treatment ay nabibili nang walang reseta, minsan hindi sapat ang mga ito. Sa ganitong sitwasyon oral na antifungal ang inirereseta ng mga doktor.

Topical Treatment

Ang mga topical treatment na ito ay may mabisang antifungal properties. Puwede itong maging spray, cream, lotion, o kaya powder na inilalagay sa balat. Umaabot ng dalawa hanggang apat na linggo ang gamutan sa treatments na ito. Mas mababa rin ang posibilidad na bumalik ang impekson matapos gumamit ng ganitong gamot. Heto ang ilang inirerekomenda ng mga doktor:

  • Clotrimazole
  • Miconazole
  • Terbinafine
  • Ketoconazole

Oral Treatment

Kapag hindi kaya ng topical medication, dito na nagrereseta ng oral medication. Kaso posible itong magkaroon ng side effects tulad ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, at diarrhea. Heto ang ilang pangkaraniwang gamot na nirereseta ng mga doktor:

  • Terbinafine. Iniinom ito ng once a day sa loob ng apat na linggo. Ito ang isa sa pinakamabisang gamot sa buni.
  • Griseofulvin. Ang gamot naman na ito ay iniinom sa loob ng walo hanggang sampung linggo. Bawal uminom nito ang mga nagbubuntis at nagpapadede. Ito ay dahil posible itong magdulot ng birth defects, at nakakaapekto rin sa pagiging epektibo ng birth control pills.
  • Itraconazole. Iniinom naman ito mula 7 hanggang 15 na araw. Hindi ito pinapainom sa mga bata, matatanda, o kaya may problema sa atay. 

Key Takeaways

Ano ba ang mainam na buni treatment? Ang ringworm o buni ay isang nakakahawang skin disease na dulot ng fungi. Bagama’t nagagamot ito ng mga home remedy, mainam pa rin na magpakonsulta sa doktor upang malaman kung ano ang mabisang gamot para dito.  

Alamin ang tungkol sa Skin Infections dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ringworm Treatment, https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/what-is-the-treatment-for-ringworm#1, Accessed January 2, 2021

6 RINGWORM TREATMENTS, https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-ringworm, Accessed January 2, 2021

Are there any home remedies for ringworm?, https://www.medicalnewstoday.com/articles/320911#_noHeaderPrefixedContent, Accessed January 2, 2021

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Ruby Anne Hornillos

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Impeksyon Sa Balat: Protektahan Ang Sarili Laban Sa Virus, Bacteria At Fungi

Fungal Infection Sa Balat: Maaari Ba Itong Maging Sanhi Ng Pangangati?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Ruby Anne Hornillos · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement