backup og meta

Bakit Ba Nagkakaroon Ng Freckles, At Paano Ito Matatanggal?

Bakit Ba Nagkakaroon Ng Freckles, At Paano Ito Matatanggal?

Sa kultura ng ibang bansa ang freckles o pekas sa mukha ay hindi maganda, pero sa kultura ng Pilipino ang pagkakaroon ng freckles ay nakakaganda. Ngunit ang tanong, bakit ba nagkakaroon ng freckles ang isang tao? At paano nga ba ito maaaring matanggal? Nakakasama ba ito sa’ting kalusugan, at sintomas ba ito ng mga malulubhang sakit sa ating balat?

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga kasagutan sa mga katanungang nabanggit tungkol sa freckles.

Ano ang freckles?

Ang freckles ay mga pekas o ang dagdag na mga patches ng kulay o pigment sa ating balat na tinatawag din na “ephelides.” Kadalasan nakikita ang freckles sa edad na 2-3 taong gulang at lumalabas ang mga ito matapos mong ma-expose o mabilad sa araw.

Ano ang itsura ng freckles?

Makikita sa anyo ng mapula, dark, at light brown ang mga freckles sa ating balat. Pero pwedeng mawala ito o maglaho habang ikaw ay tumatanda.

Karaniwan din na may sukat na 2-3 milimetro ang mga freckles sa balat ng tao. Subalit may pagkakataon din na mas malaki pa sa 2-3 milimetro ang sukat nito at nagtataglay ng irregular borders.

Ang freckles ay flat mong makikita sa’yong balat, at sa ibang mga kaso mas nagiging dark ito kapag nagkakaroon ka ng exposure sa araw. Ito ang dahilan kung bakit ang freckles ay mas madalas mapansin sa tag-araw kaysa sa panahon ng taglamig.

bakit ba nagkakaroon ng freckles

Bakit ba nagkakaroon ng freckles sa balat?

Pwedeng madebelop ang freckles mula sa genetics, at karaniwang lumalabas ito sa simula pa lamang ng ating pagkabata. Makikita ang freckles sa braso, dibdib, leeg, at mukha ng isang tao.

Sino ang madalas na magkaroon ng freckles?

Madalas makita ang freckles sa balat ng mga mapuputing European, habang bihira naman ito sa mga Pilipino. Dahil kadalasan ang kulay ng balat ng mga Pilipino ay itim o kayumanggi. Subalit, huwag mo pa ring kakalimutan na may mga Pilipino pa rin na nagkakaroon nito, partikular ang mga Pilipinong may mapuputing kulay na balat.

Maaari kang magkaroon nito sa simula pa lamang ng iyong pagkabata at magpatuloy sa iyong 20’s, at karaniwan sa mga taong mayroong mapuputing balat ang pagkakaroon ng freckles.

Nakakapinsala ba ang freckles sa balat?

Ang freckles ay hindi naman kilala bilang isang mapaminsalang kondisyon sa balat. Subalit, dapat ka pa ring maging aware sa mga nagaganap na pagbabago sa’yong balat dahil pwedeng maging senyales ito ng pagkakaroon ng kanser sa balat o ilang kondisyon sa balat na dapat bigyan ng medikal na atensyon at paggamot. 

Paano mawawala ang freckles sa balat?

Sa kasalukuyang panahon napakaraming paraan ang maaaring gamitin para sa pagpapabuti ng ating balat. Pwedeng mawala ang freckles ng kusa habang ikaw ay tumatanda, o maaari kang gumamit ng mga sumusunod:

  • Lasers
  • Serums
  • Chemical peels

Ang lahat ng mga nabanggit ay pwedeng makatulong upang kumupas ang freckles sa balat ng isang tao. Pero dapat mong tandaan na mas maganda muna na magkaroon ka ng konsultasyon sa isang eksperto, dermatologist, at doktor para makakuha ng angkop na diagnosis at treatment upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.

Hindi kasi pare-pareho ang skin type ng tao kaya’t maaari na maging iba sa bawat isa ang paraan ng paggamot na gagamitin. Ipinapayo ang pakikipag-usap sa eksperto upang magkaroon ka ng gabay sa mga bagay na dapat gawin para sa ikabubuti ng iyong balat.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng freckles ay madalas maganap sa mga mapuputing tao. At hindi ito kilala bilang isang mapaminsalang kondisyon ng balat. Pero dapat ka pa ring maging mapanuri at aware sa mga pagbabago na pwedeng maganap sa’yong balat. Sa ganitong paraan, maaagapan ang mga medikal na kondisyon na kaakibat ng pagbabago ng kulay at sitwasyon ng iyong balat. Hindi ka rin dapat ganoong mabahala kung may freckles ka sa katawan. Ito;y dahil hindi naman nauugnay sa kahit anong sintomas ng sakit ang freckles.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Basal Cell Carcinoma, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/basal-cell-carcinoma/symptoms-causes/syc-20354187, Accessed July 28, 2022

Skin type, hair color, and freckles are predictors of decreased minimal erythema ultraviolet radiation dose, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0190962288701486 ,Accessed July 28, 2022

Ephelides are More Related to Pigmentary Constitutional Host Factors than Solar Lentigines, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1600-0749.1999.tb00765.x, Accessed July 28, 2022

Mayo Clinic Q and A: All about freckles, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-q-and-a-all-about-freckles/, Accessed July 28, 2022

A comparison of Q-switched alexandrite laser and intense pulsed light for the treatment of freckles and lentigines in Asian persons: A randomized, physician-blinded, split-face comparative trial, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0190962206000144, Accessed July 28, 2022

Everything you need to know about getting rid of freckles, https://www.victoriandermalgroup.com.au/information-centre/everything-you-need-to-know-about-getting-rid-of-freckles, Accessed July 28, 2022

Kasalukuyang Version

10/04/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Peklat Remover: Anu-ano ba ang mga Paraan na Pantanggal ng Peklat?

Epekto Ng Araw Sa Balat: Lahat Ng Kailangan Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement