backup og meta

Ano Ang Skin Type At Bakit Mahalaga Na Malaman Mo Ito?

Ano Ang Skin Type At Bakit Mahalaga Na Malaman Mo Ito?

Pinakamalaking panlabas na organ ng katawan ang balat, at gumaganap ito ng maraming mahahalagang tungkulin para maging protektado tayo sa iba’t ibang sakit at impeksyon. Mahalaga na malaman natin kung paano iingatan ang ating balat. At ang isa sa pinakamahusay na hakbang sa pangangalaga ng ating balat ay ang pag-alam sa kung ano ang skin type ang mayroon tayo. 

Ang skin type ay tumutukoy sa balat na mayroon ang isang tao na may iba’t ibang pangangailangan na nakadepende sa kung anong uri nito. Mahalaga na matukoy mo ang skin type na mayroon ka upang makaiwas ka rin sa iba’t ibang iritasyon na pwede mong makuha mula sa maling pangangalaga ng balat.

Basahin ang artikulong ito para malaman mo ang iba’t ibang uri ng balat at kung ano ang skin type na mayroon ka.

Disclaimer: Mas maganda kung magkakaroon ka ng konsultasyon sa isang eksperto o dermatologist para makumpirma kung ano ang skin type mo, at makakuha ng angkop na paggamot sa oras na mayroon kang problema sa iyong balat.

Mga Uri Ng Balat

Oily Skin

Ang oily skin o madulas na balat ay nangangahulugan na ang iyong oil glands ay mas aktibo kaysa sa kinakailangan. Karaniwang ginagamit na palatandaan ng isang tao na oily ang kanilang skin type kapag mamantika tingnan ang kanilang balat. Dagdag pa rito, ang mga taong may mamantika na balat ay may posibilidad na magkaroon ng mas malalaking pores acne.

Isa pa sa mga katangian ng oily skin ay ang pagiging humid at maliwanag (bright) na itsura ng balat. Ito ay sanhi ng sobrang “fat production” ng sebaceous glands, at kadalasang tinutukoy na dahilan dito ang genetic at/o hormones. 

ano ang skin type

Normal Skin

Ang ilang mga dermatologist ay nagtatalo tungkol sa usapin na wala namang medikal na kahulugan para sa normal na balat, dahil ang normal na balat ay maaaring mag-iba sa bawat tao. 

Gayunpaman, masasabi na ang normal na balat ay kayang tiisin ang karamihan ng mga bagay nang hindi nag-overreact, well-hydrated, at mayroong balanseng produksyon ng langis.

Dry Skin

Maaaring makita ang tuyong balat sa anyo ng mapurol at magaspang na kutis. Ito ay dahil ang balat ay natatakpan ng mga patay na cells ng balat, at kadalasan ang mga taong may tuyong balat ay may “almost-invisible pores.” 

Sa maraming mga kaso, ang tuyong balat ay sanhi ng mga external factors gaya ng panahon, mababang kahalumigmigan ng hangin, at imersyon sa mainit na tubig. Gayunpaman para sa ilang mga tao, ito maaaring madalas silang magkaroon ng tuyong balat at maging isang panghabambuhay na kondisyon ito. Ang tuyong balat ay maaaring pumutok at maging dahilan upang mas maging lantad ka sa bakterya at impeksyon.

Maaaring mag-iba-iba ang mga palatandaan at sintomas ng tuyong balat depende sa iba’t ibang salik gaya ng mga sumusunod:

  • edad
  • estado ng kalusugan at sanhi ng mga sakit na taglay

Pwede ring makita ang tuyong balat sa anyo ng maabong kulay na balat na may desquamation. Bukod rito, pwede ka ring makaranas ng pangangati, pamumula, at pagkakaroon ng mga maliliit na bitak sa balat. Kadalasan ang mga bitak ay nakikita sa mga sobrang tuyong balat sa ating balat na maaaring dumugo sa mas malubhang mga kaso.

Combination Skin

Ang combination skin ay madalas na nagpapakita ng mga katangian ng tuyong balat at oily skin dahil ang pamamahagi o distribution ng sebaceous at sweat glands ay hindi homogenous. Kadalasan rin ang mga lugar na mayroong mas maraming langis ay ang T-zone (noo, ilong, at baba), habang ang balat sa pisngi ay normal o tuyo.

Sensitive Skin

Ang sensitibong balat ay mas madaling tumugon o mag-react sa stimuli kung saan ang normal na balat ay kadalasang walang reaksyon.  

Isang marupok na balat ang sensitive skin na kadalasang sinasamahan ng pagkakaroon mo ng discomfort, tulad ng paninikip ng balat, pamumula, o pangangati. Ang ganitong uri ng balat ay madalas nawawalan ng protective function na sanhi para mas madali sa mga mikroorganismo na makapasok sa ating katawan. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagtaas ng posibilidad ng pagkakaroon natin ng impeksyon at allergic reactions.

Ang pagkakaroon ng maselan na balat ay nangangailangan ng higit na pangangalaga upang labanan ang pagkatuyo at pagkamagaspang nito. 

Key Takeaways

Ang pag-alam kung ano ang skin type na taglay ay isang magandang hakbang sa pangangalaga ng ating balat. Base kasi sa uri ng balat, mas malalaman natin kung paano ito dapat pangalagaan at ingatan. Gayunpaman, ipinapayo pa rin ang pagpapakonsulta sa doktor o dermatologist para sa mga medikal na payo at diagnosis para sa kalusugan ng ating balat.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Learn about the different types of skin, https://www.almirall.com/your-health/your-skin/types-of-skin#:~:text=The%20type%20of%20skin%20is,and%20dry%20skin)%20and%20sensitive, Accessed September 16, 2022

Atopic dermatitis (eczema), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273, Accessed September 16, 2022

Oily Skin, https://medlineplus.gov/ency/article/002043.htm, Accessed September 16, 2022

Peeling Skin, https://www.mayoclinic.org/symptoms/peeling-skin/basics/causes/sym-20050672, Accessed September 16, 2022

Slide Show: Common Skin Rashes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dermatitis-eczema/multimedia/skin-rash/sls-20077087?s=1, Accessed September 16, 2022

Moles, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/moles/symptoms-causes/syc-20375200, Accessed September 16, 2022

Dry Skin, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dry-skin/symptoms-causes/syc-20353885, Accessed September 16, 2022

Maintaining Healthy Skin – Part 1, http://sci.washington.edu/info/pamphlets/skin_1.asp#:~:text=Healthy%20skin%20is%20smooth%2C%20with,mirror%20of%20a%20healthy%20body., Accessed September 16, 2022

Principles of dermatological practice – Functions of the skin, https://dermnetnz.org/cme/principles/functions-of-the-skin/, Accessed September 16, 2022

Common skin conditions, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/common-skin-conditions/, Accessed September 16, 2022

Cellulitis, https://www.nhs.uk/conditions/cellulitis/, Accessed September 16, 2022

Acne, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047#:~:text=Acne%20is%20a%20skin%20condition,affects%20people%20of%20all%20ages., Accessed September 16, 2022

Aging Skin | Sunlight | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/skinaging.html#:~:text=Skin%20Aging,-On%20this%20page&text=Your%20skin%20changes%20as%20you,take%20longer%20to%20heal%2C%20too., Accessed September 16, 2022

Skin Type & Skin Care, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/10981-know-your-skin-type-before-choosing-skin-care-products, Accessed September 16, 2022

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Psoriasis: Higit pa sa Tuyot at Nagbibitak-bitak na Balat

Gamot Para Sa Dry Skin: Ano Ba Ang Maaaring Solusyon?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement