backup og meta

Uri ng Tigyawat: Anu-ano Ang mga Ito, at Paano Ito Ginagamot?

Uri ng Tigyawat: Anu-ano Ang mga Ito, at Paano Ito Ginagamot?

Tinatawag na tigyawat ang isang karaniwang problema sa balat o kondisyon na nangyayari kapag nagbabara ang hair follicles sa ilalim ng balat ng tao. Ito ang dahilan kung bakit naiipon sa pores ang mga sebum (natural na substance na pinoproduce ng balat) ng isang tao, pati na rin mga dead skin cell. Kapag nangyari ito, nagiging breeding ground ang pores ng mga bakterya na nagdudulot ng impeksyon. Sa article na ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang uri ng tigyawat at treatment para dito.

Mga sanhi ng tigyawat

Maaaring lumitaw ang tigyawat kahit saan sa balat, bagaman karaniwan itong lumalabas sa mukha, dibdib, balikat, at likod. Ito ang mga lugar kung saan mas madalas nangyayari ang oil production ng balat. Kapansin-pansin, nagiging sanhi din ng tigyawat ang mga baradong hair follicle dahil konektado sila sa ating oil glands.

Maraming bagay ang maaaring magsanhi ng acne breakouts:

Hormonal changes. Ang androgens ang pangunahing hormone na responsable sa acne. Ito ang nagiging sanhi ng paglaki ng mga sebaceous gland at gumagawa ng mas maraming sebum. Bilang resulta, mas nagiging madali magkaroon ng tigyawat ang mga lalaki at babae na nakararamdam ng matinding hormonal changes (lalo na sa panahon ng kanilang kabataan).

Pag-inom ng gamot. Maaaring side effect ng mga gamot tulad ng lithium, testosterone, at corticosteroids ang tigyawat.

Stress. Kahit na hindi sila direktang responsable sa paglabas ng tigyawat, maaaring mapalala ng stress ang epekto ng tigyawat at pabagalin nito ang proseso ng paghilom.

Diet o pag-inom ng pagkain. May ilang uri ng pagkain na maaaring magpalala sa epekto ng tigyawat. Kasama sa mga halimbawa ang chips, tinapay, bagel, at mga pagkaing puno ng carb. Gayunpaman, kinakailangan ng karagdagang pananaliksik upang magkaroon ng tamang diet para sa mga taong madaling kapitan ng tigyawat.

Mga Uri ng Tigyawat at Treatment

Whiteheads at blackheads

Ang paglitaw ng whiteheads at blackheads sa balat ang kadalasang pinaka-mild na kaso ng uri ng tigyawat. Bagaman halos magkapareho, kadalasang nagkakaiba sa kulay ang whiteheads o blackheads. Resulta ito ng nakabukas (blackhead)  o saradong (whitehead) follicle.

Bagaman maaaring mawala nang mag-isa ang blemishes (posibleng humantong ang pagputok ng mga ito mag-isa at mauwi sa karagdagang impeksiyon), maaaring makatulong ang retinoid cream sa pag-alis ng bara sa pores. Nakatutulong din ang benzoyl peroxide sa pag-alis ng natirang bakterya, ngunit nakatutuyo ito ng balat.

Pustules

Namamaga at naglalaman ng nana ang mga pimples o pustules. Mayroong bakterya ang nana na nagdudulot ng impeksyon, oil, at dead skin cells na nakapalibot sa ilalim ng balat. Samantala, ang pamumula at pamamaga naman ang resulta ng immune system ng katawan na lumalaban sa impeksyon.

Pinakamabuting iwasan ang pagputok ng pimples, dahil iniiwan nitong bukas ang balat sa mas maraming mikrobyo at bakterya at maaaring humantong sa pagkakaroon ng pilat. Maaaring makatulong ang mga acne products na may benzoyl peroxide o salicylic acid para mapabilis ang proseso ng pagpapagaling nito.

Papules

A.k.a. early pimples, malambot ang papules. Ito ang pink bumps na napakaliit. Madalas silang magkakadikit. Habang karamihan sa mga kaso ng papules ang kusang nawawala, maaaring gumamit ng acne products na may benzoyl peroxide o salicylic acid ang mga taong may papules para magamot ang mild outbreaks. Para sa mas matinding outbreaks,  pinakamabuting komunsulta sa isang dermatologist.

Nodules o Nodular Acne

Karaniwang malaki ang sukat, tinatawag na nodules ang mga namamagang bukol sa loob ng balat. Natural itong masakit hawakan at maaari ding kulay pula o kapareho ng kulay ng balat. Galing ito sa bacterial infection, at maaaring makaapekto sa maraming pores. Ang mga nodule, kung ihahambing sa iba pang acne blemishes, kaya nitong magdulot ng permanenteng pagkasira ng skin tissue at maaari ding magsanhi ng mga kapansin-pansing acne scar.

Mga Cyst o Cystic Acne

Tinatawag na acne cyst o cystic acne ang malalaking blemishes na kadalasang nabubuo kapag pumutok ang internal wall ng pore. Dahil dito kaya kumakalat sa balat ang oil at bakterya na nagiging sanhi ng impeksyon. Bilang resulta, nabubuo ang malalaking cyst na puno ng nana sa ilalim ng balat. Maaari itong lubhang masakit at hindi komportable.

Dahil malubha at seryosong uri ng tigyawat ang nodular at cystic acne, nangangailangan ang treatment nito ng de-resetang gamot mula sa isang dermatologist. Mahalagang ipaalam sa doktor ang lahat ng anumang allergy sa gamot, dahil maaari itong makaapekto sa treatment.

Mga Tip sa Pangangalaga ng Balat: Pagsisimula ng Iyong Skin Care Routine

Key Takeaway

May iba’t ibang uri ng tigyawat at paraan para gamutin ang mga ito. Karamihan sa mga kaso ng tigyawat, tulad ng whiteheads, blackheads, pustules, at papules, maaari sila mawala nang mag-isa o sa tulong ng over-the-counter na gamot. Para sa mga mas malubhang kaso, tulad ng nodular o cystic acne at malala, matagal na breakout, komunsulta sa isang dermatologist.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne https://www.niams.nih.gov/health-topics/acne/advanced Accessed December 28, 2020

Acne Resource Center https://www.aad.org/public/diseases/acne Accessed December 28, 2020

Why do I get Acne? https://kidshealth.org/en/teens/acne.html Accessed December 28, 2020

Acne – Symptoms & Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acne/symptoms-causes/syc-20368047 Accessed December 28, 2020

Facing facts about Acne https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/facing-facts-about-acne Accessed December 28, 2020

Types of Acne Blemishes https://nyulangone.org/conditions/acne/types Accessed December 28, 2020

How to treat different types of Acne https://www.aad.org/public/diseases/acne/diy/types-breakouts Accessed December 28, 2020

Acne: Overview https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279211/ Accessed December 28, 2020

Kasalukuyang Version

10/24/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement