backup og meta

Tigyawat Na May Nana, Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Tigyawat Na May Nana, Ano Ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Ang pangunahing sanhi ng tigyawat na mayroong nana ay ang sobrang sebum na nakulong sa balat, na sinamahan ng iba pang mga dahilan tulad ng bacteria na nagdudulot ng acne at dead skin cells. Mayroong pang ilang uri ng tigyawat na mayroong nana at ang bawat isa ay mayroong mga sanhi:

Cystic Acne

Ito ay masakit na uri ng acne na namamaga at mayroong nana sa ilalim ng balat. Nangyayari ang cystic acne sa balat dahil sa mga baradong pores dahil sa mga sebum at dead skin cells. Ang ganitong uri ng acne ay maaaring lumala kapag ang bacteria ay nakapasok sa balat, na nagreresulta sa acne na mamaga. Bukod pa rito, ang cystic acne ay itinuturing bilang pinaka malalang uri ng acne. Sa paglipas ng panahon, ang cystic acne ay hahantong sa pagpipilat.

Iba pang mga sanhi ng cystic acne: 

  • Pagdadalaga/Pagbibinata– Ang partikular na edad na ito ay mas madaling kapitan ng cystic acne dahil sa labis na pagbabago-bago ng hormones.
  • Maaari ring nasa history ng pamilya ang pagkakaroon ng cystic acne.
  • Pagbabago ng hormones sa Pagtanda– Mayroon mga menopausal na kababaihan ang nakararanas ng cystic acne dahil sa pagbabago rin ng hormones
  • Stress

Ang itsura ng cystic acne sa balat ay magiging pulang bukol na nasa ilalim ng gitnang layer ng balat, at ito ay masakit kung hahawakan. Ang sukat nito ay maaaring maliit o malaki, at magkakaroon ng dilaw na liquid na mabubuo sa loob ng tigyawat, at ito ay magmumukhang magaspang.

Ito ay madalas na nabubuo sa mga bahagi ng katawan tulad ng likod, dibdib, balikat, itaas ng braso, leeg, at puwit. Ang mga bahaging ito ng katawan ay mayroong oil glands kaya doon ito nabubuo.

Nodular Acne

Ang ganitong uri ng tigyawat na may nana ay may pagkakatulad sa cystic acne. Pero ang pinakapagkakaiba ng dalawang ito ay hindi kakikitaan ng nana ang nodules dahil ang nana ay nasa malalim na parte ng balat.

Ang nodular acne ay nabubuo sa balat dahil sa patuloy na pamamaga ng follicles ng buhok na pumuputok sa ilalim ng balat. Ito ay uri ng tigyawat na may nana at masakit kung hahawakan man o hindi. Ang mga taong mayroong nodular acne ay nakararanas ng pananakit na mayroong pakiramdam na ang kanilang tigyawat ay puputok.

Pustules

Ang pustules ay uri ng tigyawat na mayroong nana at ito ay madalas ding tawagin bilang tigyawat o zits. Ito ay maliit, mabukol at pawang mga blisters sa balat. Ang postules ay karaniwan lamang dahil maaari silang makita sa mga acne-prone na balat at folliculitis. (Ito ay tumutukoy sa pamamaga ng mga follicle sa buhok.)

Ang pustules ay puno ng inflammatory cells na tinatawag na neutrophils, at ang ganitong uri ng acne ay nagpapahiwatig na ang balat ay nahawaan (ng may bacterial, fungal, o viral infection). Mayroon ding ilang pustules na hindi nagpapahiwatig ng impeksyon sa balat. Sa halip, ang mga ito ay sterile na dulot ng inflammatory skin disease.

Ang pustules ay karaniwang nasa bahagi ng katawan tulad ng likod, mukha, balikat, breastbone, at mga lugar na pinagpapawisan (singit at kili-kili).

Pag-iwas sa tigyawat na may nana

Palaging mayroong posibilidad na magkaroon ng tigyawat na may nana sa balat kung ang isang tao ay nakararanas ng hormonal fluctuations. Sa kabutihang-palad, mayroong ilang mga paraan upang maiwasan ang pagbuo ng katamtaman hanggang sa malalang acne breakouts.

  • Gawing regular ang paghihilamos. Gumamit ng mga banayad na produkto. Iwasang gumamit ng mga produkto na nakapagpapatuyo sa mukha. (Ang mga produktong ito ay madalas na maglaman ng alcohol.)
  • Gumamit ng moisturizer. Kung ang uri ng iyong balat ay oily, gumamit ng oil-free acne moisturizer.
  • Subukang magpalit ng non-comedogenic na make-up na produkto dahil ang mga ito ay hindi bumabara sa pores ng balat. Hindi man nagbabara ang mga ito sa pores, kailangan pa ring tanggalin ang make-up sa iyong balat sa pagtatapos ng araw.
  • Iwasan ang madalas na paghawak sa iyong mukha.
  • Huwag putukin ang mga tigyawat na mayroong nana. Maaaring nakatutuksong pisilin ang nana na nasa loob ng tigyawat, ngunit dapat mo pa ring iwasan ito. Mainam na hayaan na lamang ito o pumunta sa dermatologist para ligtas ang pag-alis nito.
  • Panatilihing wala sa iyong mukha ang buhok. Ang buhok ay mayroong mga oil na maaaring mapunta sa balat at magsanhi ng iritasyon.
  • Iwasan ang high-glycemic na diet dahil hinihikayat nito ang labis na produksyon ng sebum.

Kailan ka dapat magpatingin sa Derma?

Dapat kang bumisita sa derma kung napansin mo na ang iyong balat ay hindi bumubuti pagkatapos mong sumailalim sa iba’t ibang paggagamot (mga gamot para sa acne at oral medications.) Dapat na ring magpakonsulta sa derma kung ang nana sa loob ay lumalabas sa tigyawat. Ligtas na tatanggalin ng dermatologist ang tigyawat na mayroong nana. Panghuli, kung ikaw ay nakararanas ng malalang mga acne tulad ng cystic acne or nodules, agad na magpakonsulta sa derma.

Key Takeaways

Ang tigyawat na may nana ay normal na kondisyon sa balat at halos lahat ay naaapektuhan nito. Ang mga ito ay maaaring magamot at maiwasan sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng mukha at pag-iwas sa mga sobrang sebum. Kung ang tao ay makararanas ng malalang acne, dapat silang pumunta sa derma at ipasuri ito.

Alamin ang iba pa tungkol sa tigyawat dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng mga medikal na payo, diagnosis, at paggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to treat different types of acne, https://www.aad.org/public/diseases/acne/diy/types-breakouts, Accessed October 21, 2021 

Cystic acne, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21737-cystic-acne, Accessed October 21, 2021 

Pustules, https://medlineplus.gov/ency/article/003234.htm, Accessed October 21, 2021 

Pustular skin conditions, https://dermnetnz.org/topics/pustular-skin-conditions, Accessed October 21, 2021 

Acne Scars: Causes, Diagnosis, Types & Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21222-acne-scars, Accessed October 21, 2021 

Acne: Treatment, Types, Causes & Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12233-acne, Accessed October 21, 2021 

Nodule 

Use of Systemic Agents in the Treatment of Acne Vulgaris, https://www.aafp.org/afp/2000/1015/p1823.html, Accessed October 21, 2021 

Acne (acne vulgaris), https://www.aboutkidshealth.ca/article?contentid=770&language=english, Accessed October 21, 2021 

Kasalukuyang Version

04/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement