Ang mga nagdurusa sa patuloy na pagkakaroon ng acne ay kadalasang nahihirapan sa paghahanap ng tamang paggamot para sa kanilang balat. Ngunit ano ang pinakamahusay na uri ng sabon para sa pimples? At anong mga sangkap ang dapat mong hanapin? Sa pangkalahatan, ang pinakamahusay na uri ng sabon para sa pimples ay dapat lamang magsama ng mga natural na sangkap tulad ng mga langis, lihiya (halo ng sodium hydroxide at tubig), na maaring may kaunting pabango at pangkulay, o wala. Dapat din silang maglaman ng mga epektibong aktibong sangkap na kumokontrol sa labis na produksyon ng langis at pumapatay ng bacteria sa balat.
Pagdating sa mga pabango, ang isang magandang sabon para sa pimples ay dapat na walang pabango o mabangong essential oils. Ang mga essential oils ay nag-aalok ng mga katangiang antibacterial na pumipigil sa pagdami ng bacteria sa balat. Ang ilan sa mga pinakamahusay na sabon na mabisa para sa kontrol ng acne ay kinabibilangan ng mga essential oils ng citrus tulad ng orange at lemon na may katangiang antibacterial.
Sa pangkalahatan, ang pinakamahusay na sabon para sa pimples ay isang natural na sabon. Ito ay banayad sa balat at hindi magiging sanhi ng pangangati o iritasyon. Sa kabila ng pagiging mild na mga sabon, ang mga natural na sabon ay mahusay parin dapat na naglilinis ng balat nang hindi nagtatanggal ng mga natural na langis sa loob ng mga selula ng balat at mahusay sa pagtanggal ng mga patay na selula ng balat.
Anong Mga Sangkap Ang Dapat Magkaroon Ng Sabon Para Sa Pimples?
Maraming aktibong sangkap ang gumagana nang mahusay sa paggamot at kontrol sa acne, katulad ng salicylic acid, sulfur, alpha hydroxy acids, benzoyl peroxide, tea tree oil, retinoid, at essential oils.
Kaya ano ang mga pakinabang ng mga aktibong sangkap na ito?
Salicylic Acid
Ang aktibong sangkap na ito ay matatagpuan sa karamihan ng mga produkto ng skincare na target ang acne-prone na balat. Mayroong ilang mga tatak ng acne care soap na mayroon ding salicylic acid bilang kanilang aktibong sangkap. Ang benepisyo ng salicylic acid sa sabon ay pinipigilan nito ang acne, nag papatuyo sa acne at pinapupusyaw ang blemishes o peklat.
Sulfur
Maaaring narinig mo na ang mga sabon na ginagamit sa pag kontrol ng acne na gumagamit ng sulfur bilang kanilang aktibong sangkap. Ang mga sabon na katulad nito ay partikular na target ang acne-prone at oily na balat dahil ang sulfur ay nag-aalis ng labis na langis sa balat. Ang sulfur acne care soap ay nagbubukas din ng mga pores sa balat, nagpapa ganda ng tubo ng balat, pumapatay ng mga mikrobyo na nagdudulot ng taghiyawat, at may mga katangiang antibacterial, anti-fungal, at anti-parasitic.
Mga Alpha Hydroxy Acids
Kilala rin bilang AHA, ginagamot ng aktibong sangkap na ito ang acne-prone na balat sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga patay na selula ng balat at pagbabawas ng pamamaga. Pinapabuti din nito ang texture ng balat sa pamamagitan ng bahagyang panunuklap nito at pagkakaroon ng bagong balat na parang mas maliit ang mga pores.
Benzoyl Peroxide
Ang aktibong sangkap na ito ay responsable para sa pag-aalis ng bacteria na nagdudulot ng acne sa balat, pag-alis ng labis na langis, at pag-exfoliate ng balat, na nagpapanatili sa mga pores na malinis.
Tea Tree Oil
Ang sangkap na ito ay matatagpuan sa maraming mga produkto ng pangangalaga sa balat na gumagamot partikular sa acne-prone na balat. Mayroon itong mga anti-inflammatory properties.
Retinol
Ang sangkap na ito ay kadalasang matatagpuan sa mga anti-aging na produkto. Ito’y dahil sa mga benepisyo nito sa pagbabawas ng mga fine lines at wrinkles. Ang retinol ay idinagdag din sa sabon na gumagamot sa mga iba pang isyu sa balat tulad ng acne.
Ang mga natural na sangkap na ito ay may papel sa pagbibigay ng amoy ng isang acne care soap. Higit pa rito, mayroon din silang mga antibacterial properties na nagpapanatili sa mga acne breakouts na hindi mangyari.
Ang lahat ng mga sangkap na ito ay karaniwang matatagpuan sa mga sabon na pang kontrol ng acne at iba pang mga produkto ng acne tulad ng mga facial cleanser, toner, at iba pa. Ang mga ito ay ligtas sa balat at makakatulong sa pag-iwas sa acne.
Tandaan ang mga sangkap at palaging basahin ang label sa mga kahon ng acne care soaps na bibilhin mo. Maraming tao ang nagpapabaya sa hakbang na ito kapag bumibili ng sabon para sa pimples. Ito ay maaaring humantong sa isa o higit pang mga sangkap na nakakairita sa balat at nagpapalitaw o nagpapalala ng acne. (Halimbawa, ang palm oil sa mga sabon ay maaaring magpatuyo ng balat. Maari itong humantong sa lalong pagtaas ng produksyon ng sebum at mas maraming acne.)
Key Takeaways
Kapag naghahanap ng sabon para sa pimples, ugaliing basahin ang mga sangkap sa label. Sasabihin nito sa iyo kung ang sabon ay naglalaman ng mga tamang sangkap. Mag-ingat sa mga sabon na sinasabing mabuti para sa paggamot sa iyong balat na madaling kapitan ng acne ngunit may mga nakakapinsalang kemikal pala tulad ng parabens.
Matuto pa tungkol sa Acne dito.
[embed-health-tool-bmi]