backup og meta

Pumutok Na Tigyawat: Paano Ito Ginagamot, At Paano Maiiwasan?

Pumutok Na Tigyawat: Paano Ito Ginagamot, At Paano Maiiwasan?

Mahalaga ang pag-aalaga sa iyong tigyawat matapos mong hindi sinasadyang mapisat o maputok ito. Kapag hindi ito maayos na naaksyunan at nabigyang lunas, maaaring maapektuhan ang bukas na pores at mag-iwan ng sugat at peklat. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga dapat at hindi dapat gawin kung paano gagamutin ang mga pumutok na tigyawat. 

Paano Ginagamot Ang Pumutok Na Tigyawat?

Bago tayo dumako sa paggamot ng pumutok na tigyawat, pakitandaan na HINDI mo dapat putukin o pigain ang isang tigyawat.  Ito ay lalo kung may nana ito sa loob. Gayunpaman, kung hindi mo sinasadyang napisil ang isa, isaalang-alang ang mga sumusunod na tips. 

Huwag Pisatin Ang Natitirang Nana

Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay tigilan ang paghawak sa tigyawat matapos mo itong maputok. Kahit gaano man kaakit-akit na pisilin ang nana mula dito, ang paggawa nito ay maaari lamang magpalala ng sitwasyon.

Dahan-Dahang Hugasan Ang Blemish

Ang susunod na hakbang naman sa kung paano gamutin ang pumutok na tigyawat ay nasa paghuhugas ng apektadong bahagi ng balat. Dahan-dahang hugasan ang mukha gamit ang regular at mild cleanser.

Siyempre, bago gawin ito, kailangan mo munang hugasan ang iyong mga kamay.

Huwag kuskusin ang tigyawat, marahang sabunin ito upang maalis ang anumang nana na maaaring lumabas dahil sa aksidenteng pagkapisil o paglabas nito.

Isaalang-Alang Ang Mga “Restorative” Products

Ano ang susunod sa balangkas ng paggamot ng pumutok na tigyawat?

Matapos ang paghugas ng naiwang sugat at pagpapahinga rito, ikonsidera ang paggamit ng acne o antibiotic cream na dati nang inirekomenda ng iyong dermatologist. Ang cream ang makatutulong upang maiwasan ang pamamaga at impeksyon. Sa halip na cream, ang iba naman ay gumagamit ng pimple patches upang hindi na nila maisip na hawakan at pakialaman ito. 

Mayroon din namang iba na gumagamit ng mga produktong nagtataglay ng witch hazel dahil sa nababalitang anti-inflammatory properties nito. 

Huwag Pakialaman Hangga’t Hindi Pa Ito Gumagaling

Iwanan ang tigyawat na kapipisil mo lang; huwag mo itong hawakan. Ito ay isang pangunahing panuntunan upang maiwasan ang pagdadala ng mas maraming bakterya sa balat. At, ito ay partikular na mahalaga pagkatapos mapisil ang mga naturang tigyawat.

Ang apektadong lugar ng tigyawat ay lubha nang sensitibo dahil ang balat ay nabuksan. Kung palagi mo itong hinawakan, maaari kang magpasok ng maraming nakakapinsalang bakterya sa bukas na sugat, na nagiging sanhi ng impeksyon sa mga pores at lumikha ng mga kondisyon upang bumalik ang acne.

Kung mayroon pa ring nakikitang pamamaga, maaari mo ring lagyan ng cold compress ang apektadong bahagi. Huwag kalimutang gumamit ng malinis na tela para balutin ang ice cube.

Maging Mas Maingat Sa Paglagay Ng Makeup

Panghuli, kabilang sa mga hakbang ng paggamot ng pumutok na tigyawat ang pag-iingat sa paglagay ng makeup sa mukha. 

Huwag maglagay ng foundation o concelear direkta sa hindi pa gumagaling na balat. Maaari itong magdulot ng mataas na panganib na pumasok ang bakterya at magkaroon ng sugat. Kung kinakailangan, maglagay ka muna ng isang layer ng gel o acne cream upang maprotektahan ang sugat bago maglagay ng anumang makeup. Mas higit na mainam kung maiiwasan ang paglalagay ng makeup.

Paano Ginagamot Ang Pumutok Na Tigyawat Gamit Ang Mga Natural Ingredients?

Bago dumiretso sa paggamit ng mga mababanggit na ingredients na may potensyal sa paggamot ng pumutok na tigyawat, mangyaring kumunsulta muna sa iyong doktor.

  • Aloe vera: Mayroon itong antibacterial at anti-inflammatory properties na maaaring makatulong na mapabilis ang proseso ng paggaling ng mga peklat. Kumuha ka ng aloe vera gel, hugasan ito, palamigin, pagkatapos ay ilapat ito sa bahagi ng balat kung nasaan ang acne.
  • Tea Tree Oil: Nakatutulong ito upang labanan ang mga bakterya, bawasan ang pamamaga at pigilan ang pangangati ng balat. Maaari kang maghalo ng 2 patak ng essential oil na ito sa dalawang patak ng malinis na tubig. Pagkatapos, gumamit ng cotton ball para maidampi sa acne. Iwanan ito ng 20 minuto, at pagkatapos ay dahan-dahang punasan ito. 
  • Tea bags: Kumuha ng tea bag na isinawsaw sa mainit na tubig at ilapat ito sa nasirang parte ng balat. Ang mga tannin sa tsaa ay umaaksyon bilang astringent, na mabilis na binabawasan ang pangangati ng balat. Nakatutulong din ito sa pamumula at pamamaga. 
  • Honey: Nakatutulong ito na mabawasan ang pamumula at pamamaga ng balat pagkatapos ng aksidenteng pagkapisil ng tigyawat. Maaari kang direktang maglagay ng malinis na pure honey sa balat. Iwanan ito sa loob ng 15-20 minuto at pagkatapos ay hugasan ito.
  • Fresh turmeric: Ang fresh turmeric naman ay nakatutulong mag-regenerate ang balat at mabisang matanggal ang mga dead cells. Dagdag pa rito, ang pag-aplay ng fresh turmeric sa iyong balat ay isa ring paraan upang alagaan ang balat matapos ng naturang aksidente. 

Key Takeaways

Siyempre, nararapat ding maalala na ang mga natural remedy na nabaggit ay hindi palaging epektibo para sa lahat. May mga pagkakataon na maaari pa nilang palalain ang kondisyon kapag mali ang pagkakalapat. Halimbawa, ang isang kontaminadong sangkap ay maaaring magpasok ng bakterya at mag-trigger ng impeksyon, imbes na maging lunas.
Para sa kadahilanang ito, ang pinakamahusay na paraan para magamot ang pumutok na tigyawat ay ang pagkonsulta pa rin sa isang dermatologist.

Alamin ang iba pa tungkol sa Acne dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The epidemiology of acne vulgaris in late adolescence, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4769025/, Accessed January 23, 2022

9 THINGS TO TRY WHEN ACNE WON’T CLEAR, https://www.aad.org/public/diseases/acne/DIY/wont-clear, Accessed January 23, 2022

ACNE CLINICAL GUIDELINE, https://www.aad.org/member/clinical-quality/guidelines/acne, Accessed January 23, 2022

Antioxidant and potential anti-inflammatory activity of extracts and formulations of white tea, rose, and witch hazel on primary human dermal fibroblast cells, https://journal-inflammation.biomedcentral.com/articles/10.1186/1476-9255-8-27, Accessed January 23, 2022

Should You Pop That Pimple?, https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/live-well/2019/04/should-you-pop-that-pimple/, Accessed January 23, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement