backup og meta

Peklat ng tigyawat: Mga pagkain na nakakapagpagaling nito

Peklat ng tigyawat: Mga pagkain na nakakapagpagaling nito

Ang pagkakaroon ng flawless na balat nang walang anumang peklat ng tigyawat ay pangarap ng lahat. Gumagastos tayo ng libu-libong piso sa mga mamahaling skin care products. Para maalis lamang ang mga nakakainis na acne scars. Mula sa facial wash hanggang sa moisturizers, over-the-counter medication, at hanggang sa topical creams. 

Ngunit paano kung sabihin namin sa’yo, na hindi ang outer skin ang dapat alagaan, kundi ang panloob nito? Para tuluyang maiwasan at matugunan ang problema sa acne scars.  Alam mo rin ba na may mga ilang pagkain ang pwedeng magpagaling ng acne scars? Karamihan sa mga ito ay madaling makuha sa’ting kusina. 

Basahin ang artikulong ito para malaman ang tungkol sa mga pagkain na nagpapagaling ng acne scars.

Mga pagkain na pwedeng kainin!

Peklat ng tigyawat: Turmeric

Ang turmeric ay isang pampalasa na pwedeng magamit sa bawat household. Ito’y kasalukuyang idinaragdag sa bawat iba pang skin care products. Makikita na ang pampalasa o spice na ito ay puno ng  anti-inflammatory at antioxidant properties. Madali at simple lang rin ang pagsama ng turmeric sa’yong diyeta. Maaari mo pang idagdag ang turmeric powder sa’yong curries, gulay, at soups — o idagdag ang turmeric powder sa isang baso ng maligamgam na tubig, para inumin ito.

Sinasabi rin na ang turmeric ay pwede ring ipahid sa balat. Ang paglalagay nito sa mukha ay nakakatulong para maiwasan ang acne at mapagaan ang acne scars. Dahil ang anti-inflammatory properties ng turmeric ay nakakatulong upang maiwasan ang acne breakout.

Ang paggawa ng turmeric face pack ay simple lamang. Sapagkat, ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng turmeric, honey, at gatas sa isang mangkok. Haluin ito ng mabuti — at gawin itong pinong paste. Ilagay ang paste sa’yong mukha at hayaan ito sa iyong balat sa loob ng 15-20 minuto. Pagkatapos ay hugasan ang iyong mukha ng tubig, at patuyuin ang iyong balat.

Tandaan na ang turmeric kapag nilagay sa’yong balat ay maaaring maging dilaw. Hindi mo kailangan na mag-alala tungkol sa mga mantsa nito. Dahil pansamantala lamang ito sa’yong mukha at damit kung malalagyan man. Ngunit kung nakakaranas ka ng pangangati sa’yong balat o pamumula. Maaaring manifestation ito ng isang allergy reaction. Sa ganitong mga kaso, makipag-usap sa’yong doktor. Pwede ka ring gumawa ng patch test sa likod ng iyong tainga. Bago ilapat ang produkto sa iyong mukha.

Peklat ng Tigyawat: Papaya

Ang papaya ay isang prutas na mayaman sa nutrients — at puno ng antibacterial at anti-fungal properties. Mayaman din ito sa mga bitamina at mineral. Sinasabi na kapag ang prutas na ito ay na-consume. Ito ay makakatulong para mapuksa ang wrinkles, at mapabuti ang skin elasticity. Maaari mong kainin ang papaya nang direkta, o idagdag sa fruit salad, juice, o smoothie.

Makikita rin na ang prutas na ito ay naglalaman ng papain. Isang digestive enzyme, na kapag inilagay sa’yong balat ay nakakatulong para ma-hydrate ang iyong balat. Mag-fade ang acne scars, at mag-alis ng dead skin cells. Ang papaya ay mayaman din sa vitamin A. Kung saan, ito ay kapaki-pakinabang sa paggamot ng acne. Hindi rin magpapahuli, ang raw papaya masks. Sapagkat, tumutulong din ito para mapuksa ang acne scars, sa pamamagitan ng pagpapababa ng dami ng melanin.

Para makagawa ng raw papaya masks, narito ang mga kailangan mo lang gawin:

  • Kumuha ng isang hilaw na papaya at balatan ito.
  • Hiwain ito sa mga piraso at gumamit ng blender para ma-extract ang juice.
  • I-apply ang juice nang direkta sa’yong mukha.
  • Hayaan ito sa’yong mukha sa loob ng 15-20 minuto.
  • Hugasan ang iyong mukha ng tubig, at pagkatapos ay patuyuin ang iyong balat.

Peklat ng Tigyawat: Lemon

Ang Lemon ay kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na pagkain na nagpapagaling ng acne scars. Kung saan, ang acidic na prutas na ito ay may antibacterial properties — at tumutulong din sa pagtaas ng collagen levels. 

Nagtataglay rin ang lemon ng anti-inflammatory properties na tumutulong sa paggamot sa acne at fade acne scars. Sinasabi na ang citric acid na nasa loob nito ay nakakatulong para mabawasan ang produksyon ng sebum.

Pwede mong isama ang lemon sa’yong diyeta. Sa pamamagitan ng pagpiga ng ilang drops nito sa’yong salad. Maaari mo rin itong inumin sa anyo ng juice. Ang pag-inom ng lemon juice ay marami ring benepisyo sa balat. Kabilang ang pagbabawas ng wrinkles at pagtaas ng produksyon ng collagen.

Para maiwasan ang acne o mabawasan ang acne scars. Maaari mong subukan ang spot-treatment. Ang kailangan mo lang gawin ay pisilin ang lemon juice sa isang mangkok. Gamit ang cotton, ilapat ang juice sa acne scars. Hayaan ito sa balat ng ilang minuto, at pagkatapos ay hugasan ang iyong mukha ng maligamgam na tubig. Huwag maglagay ng lemon juice sa’yong mukha nang mas madalas. Dahil ang labis na paggamit nito ay pwedeng magdulot ng side effects. Kabilang ang pagkatuyo, pangangati, pagkasunog, o pamumula.

Mahalagang paalala: Higit pang pag-aaral ang kailangan upang matukoy kung ang pag-inom ng lemon juice ay pwedeng makatulong sa pag-iwas ng acne o acne scars.

Peklat ng Tigyawat: Quinoa

Kadalasang nire-refer ang Quinoa bilang isang superfood. Ito ay isa sa mga mayamang source ng fiber, vitamin, potassium, magnesium, at calcium. Pinakamahusay rin ang Quinoa sa pagpapagaling ng acne scars.

Dagdag pa rito, ang vitamin B na nasa Quinoa ay kapaki-pakinabang sa tritment sa wrinkles at acne scars. Ang Niacinamide ay isang organic compound na nasa quinoa. Kung saan, nakakatulong ito para maiwasan ang acne, at pagalingin ang inflamed skin. Makikita rin na ang riboflavin na nasa superfood ay nakakatulong — para maiwasan ang labis na produksyon ng sebum. Ang pagsama ng Quinoa sa’yong diyeta ay madali at simple. Maaari mo itong idagdag sa’yong salad o mag-bake ng ilang quinoa cookies.

Lagi ring tandaan, na ang Quinoa ay mayaman sa fiber na tumutulong para mapanatili ang good digestive health, at maiwasan ang constipation. Ang good digestive health ay nakakatulong para maalis ang waste products mula sa katawan. Para makamit ang malusog na hitsura ng balat. Samakatuwid, ang Quinoa ay potensyal na mahusay para sa acne scars.

Key Takeaways

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng good skin hygiene. Paggamit ng chemical-free skin care products, at pagkonsumo ng mga masustansyang pagkain, maaalis mo ang mga hindi magandang marka sa’yong katawan. Kaya, bago mo gastusin ang iyong pinaghirapang pera sa mga mamahaling skin care products. Tingnan mo muna kung ano ang iyong kinakain. Ngayon, alam mo na ang mga pagkaing nakakapagpagaling ng acne scars. Kaya siguraduhin mo na isama ang mga ito sa’yong diyeta. Para ma-achieve ang pinapangarap na flawless skin.

Matuto pa tungkol sa Acne dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Herbs and Natural Remedies/https://www.psoriasis.org/treating-psoriasis/complementary-and-alternative/herbal-remedies/Accessed on 21/05/2020

Curcumin: A Novel Treatment for Skin-Related Disorders/https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24085048/Accessed on 21/05/2020

A Novel Elastic Liposome for Skin Delivery of Papain and Its Application on Hypertrophic Scar/https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28040601/Accessed on 21/05/2020

A review of diagnosis and treatment of acne in adult female patients/https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5986265/Accessed on 21/05/2020

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement