Nagkaroon ka na ba ng acne? Malamang ang sagot ay “oo” at siguradong naaalala mo pa kung ano ang hitsura at pakiramdam nito. Minsan, ang acne ay pwedeng mangyari hindi lamang sa ating mga mukha kundi pati na rin sa dibdib, likod, at leeg. Karamihan sa mga teenager na dumaraan sa pagdadalaga ay apektado ng kondisyong ito. Ngunit ano ang nagiging sanhi ng nito? Bakit nagkakaroon ng tigyawat?
[embed-health-tool-ovulation]
Ano ang Acne?
Ang acne ay isang kondisyon ng balat kung saan ang sebum, isang labis na sangkap ng langis sa balat, ay pinagsama sa mga patay na cells ng balat at bakterya na bumabara sa mga pores. Ang isang baradong pore na nagreresulta sa isang maliit na bukol sa iyong balat ay tinatawag na whitehead, habang ang isang dark open clogged na pore ay tinatawag na blackhead.
Minsan, bumubukas ang mga pores upang bigyang-daan ang bacteria, dead skin, at oil sa loob ng balat, at ito ay kapag nagsimulang nagkakaroon ng tigyawat. Paminsan-minsan, ang acne na bumubukas nang napakalalim sa balat ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa mga bukol. Ang mga nahawaang cyst at bukol na ito ay mas malaki kaysa sa mga tigyawat at maaaring maging napakasakit dahil sa pamamaga. Bakit nagkakaroon ng tigyawat?
Sa ilang mga pagkakataon, ang acne ay gumagaling nang dahan-dahan at natural. Ngunit sa ibang mga kaso, ito ay lumalala at dumadami. Maaari itong maging sanhi ng emosyonal na pagkabalisa at mag-iwan ng mga peklat sa balat. Ang maagang paggamot ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng kondisyong ito ng balat.
Mga Sanhi ng Pagkakaroon ng Acne
Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang hormonal changes y ang tanging sanhi ng acne ngunit may iba pang mga kadahilanan na dapat isaalang-alang. Narito ang ilan na nag-aambag sa pag-kakaroon ng acne:
Kapaligiran
Ang polusyon at panahon ay maaaring makaapekto sa pagtubo ng acne. Ang pagkakalantad sa dumi at grease ay maaaring makabara sa mga pores at makagawa ng acne at tigyawat. Kasama din ang panahon dahil ang init at humidity ay nagpapataas ng pagdami ng oil glands sa balat. Kahit na sa panahon ng taglamig, maaari pa ring magkaroon ng acne dahil sa dehydration ng balat.
Hormonal Changes
Maaaring magkaroon ng acne sa panahon ng hormonal changes sa puberty. Sa mga babae, ang mga acne breakout ay nagsisimula ring lumabas sa panahon ng regla. Ang ilang mga kabataan ay maaari ring makaranas ng acne dahil sa pagiging sensitibo sa pagtaas ng hormonal levels. Mga dahilan din kung bakit nagkakaroon ng tigyawat.
Genetics
Ang acne ay maaaring genetic o hereditary. Kung ang parehong magulang ay acne-prone, malaki ang posibilidad na maranasan mo rin ito. Ang kalubhaan ng kondisyon ay maaaring mag-iba. Ito ay kung ang isang magulang ay may mga gene na gumagawa ng acne habang ang isang magulang ay maaaring may malakas na inflammatory response mula sa bacteria. Gayunpaman, kung isa lamang sa mga magulang ang may acne, mas mababa ang posibilidad na magkaroon ka ng acne.
Uri ng Balat
May posibilidad tayong magkaroon ng dalawang uri ng balat – oily at dry. Ang parehong uri ng balat ay malamang na magkaroon ng acne. Ang oily skin ay madaling kapitan ng acne dahil sa labis na langis. At ang tuyong balat naman ay maaaring makairita sa mga pores dahil sa dehydration at kakulangan ng oil. Gayunpaman, ang acne para sa parehong uri ng balat ay maaaring gamutin. Kumunsulta sa iyong dermatologist para sa pinakamahusay na pangangalaga sa balat.
Mga Allergy
Ang mga allergy ay hindi mismong nagiging sanhi ng acne. Kaya lang, ang acne ay sanhi ng pagharap sa mga allergic reactions. Dahil ang katawan ay lumalaban sa mga allergy, ang ating balat ay may posibilidad na makagawa ng maliliit na bukol, na maaaring magdulot ng acne breakout.
Mga Produktong Kosmetiko
May mga produktong pampaganda na bumabara sa mga pores at nagiging sanhi ng acne. At gayon din kung bakit nagkakaroon ng tigyawat. Ang paglalagay ng makeup habang mayroon kang acne breakout ay maaaring magpalala sa kondisyon. Gayunpaman, ang ilang mga produkto ng skincare ay maaaring makatulong sa paggamot at pag-iwas sa acne. Pinakamainam na kumunsulta sa isang dermatologist para sa mga produktong angkop para sa uri ng iyong balat.
Mga Kondisyon sa Balat
Hindi lamang ang kapaligiran, mga gene, at mga allergy ang nagdudulot ng acne. Mayroon ding mga kondisyon ng balat na nagdudulot o nagpapalala ng acne tulad ng rosacea at keratosis. Ang mga ito ay madalas na napagkakamalang acne.
- Rosacea. Ito ay isang talamak na nagpapaalab na sakit sa balat na nagdudulot ng acne at mga tigyawat sa ilong, noo, pisngi, at baba. Ito ay mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki at kadalasang lumalabas sa edad na 35.
- Keratosis Pilaris. Ang kondisyon ng balat na ito ay dahil sa buildup ng keratin na nagreresulta sa mga bukol sa balat. Ang pamumula ng mga bukol sa balat na ito ay katulad ng texture ng papel de liha. Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa likod ng itaas na mga braso, hita, puwit, at sa mukha.
Key Takeaways
Ang mga salik na nagpapalitaw ng mga breakout ng acne ay kapaligiran, panahon, mga uri ng balat, kondisyon ng balat, mga gene, at allergic reactions. Kasama din kung bakit nagkakaroon ng tigyawat. Gayunpaman, ang ilang mga kondisyon ng balat tulad ng rosacea at keratosis pilaris ay kadalasang napagkakamalang acne. Maaaring gamutin at pigilan ang mga acne breakout sa pamamagitan ng mga skincare routine o tulong medikal. Kumonsulta sa iyong dermatologist.