backup og meta

Tandaan: Paano gumawa ng first aid kit

Tandaan: Paano gumawa ng first aid kit

Isa sa mga bagay na dapat meron ka sa bahay ay ang first aid kit. May mga anak ka man o wala, makabubuti na palaging may first aid kit sa bahay. Pwede kang bumili ng kumpletong set sa pharmacy o gumawa ng sarili. Narito ang lahat na dapat mong malaman kung paano gumawa ng first aid kit.

Bakit Kailangan ang First Aid Kit?

Kailangan sa bawat bahay ang first aid kit. Ito ay handy, praktikal at malaking tulong kapag ginagamot ang minor injuries at karamdaman, nang hindi kinakailangang pumunta sa isang klinika.

Kapag may first aid kit ka, pwede mong maiwasan ang minor problems na maging mas malala pang kondisyon. Halimbawa, kung may maliit na sugat, maaari mo agad itong gamutin mag-isa. Sa ganoong paraan, maiiwasan mo ang panganib na magkaroon pa ito ng impeksyon.

Depende kung ano ang laman ng first aid kit mo, maaari mo pang gamutin ang mas malubhang pinsala. Sa kabila nito, mainam na dumalo sa isang klase para mas matuto kung paano gumawa ng first aid kit at gamitin ito ng maayos.  

Madaling makahanap sa mga tindahan ng first aid kit para sa bahay at pang-outdoor na gamit. Gayunpaman, medyo madali naman at abot-kaya ang gumawa ng first at kit. Pwede mo itong i-personalize para umangkop sa pangangailangan mo. 

Ano ang Dapat Kong Ilagay sa Aking First Aid Kit?

Paano gumawa ng first aid kit? Una, kailangan mong pag-isipan kung anong klaseng lalagyan ang kailangan mo para sa lahat ng first aid supplies mo. Pumili ng waterproof bag kung gusto mo itong dalhin kahit saan.

Bagamat maganda ang medical bag, hindi mo kailangang gumastos para dito. Karamihan sa mga murang makeup case, fanny packs, nylon bag, at iba pa ay pwedeng magamit. Pwede rin ang resealable oven bags o sandwich bag para paghiwalayin ang mga item at panatilihing tuyo ang mga ito. 

Ang dami ng items na kakailanganin mo  para sa first aid kit ay iba-iba. Depende ito sa kung gaano karaming tao ang nakatira sa tahanan mo. 

Ang Checklist

Kapag nag-assemble ka ng first aid kit mo, dapat sundin ang ultimate first aid kit checklist. Gayunpaman, mahalagang tandaan na dapat mo rin itong i-personalize sa iyong mga pangangailangan.

Basic Supplies

Una, magsimula sa basic supplies. Narito ang mga kakailanganin mo:  

  • Hydrogen peroxide (a disinfectant)
  • First-aid manual
  • Spoon, medicine cup, o syringe
  • Surgical mask 
  • Sterile saline para sa pag-flush
  • Turkey baster o katulad na bulb suction device para sa pag-flush ng mga sugat
  • Thermometer
  • Eyewash solution
  • Antiseptic towelettes at solution
  • Antibiotic ointment
  • Hand sanitizer
  • Tweezers at gunting 
  • Iba’t ibang laki ng mga safety pin
  • Iba’t ibang laki ng mga plastic bag
  • Lubricant tulad ng petroleum jelly
  • Duct tape
  • Ilang pares ng disposable non-latex examination gloves
  • Cotton-tipped swabs at cotton balls
  • Instant cold packs
  • Aluminum finger splint
  • Malaking triangle bandage na pwedeng gamitin na sling
  • Eye pad o shield
  • Iba’t ibang laki ng roller gauze at non-stick sterile bandage
  • Superglue
  • Iba’t ibang laki ng butterfly bandage at bandage strips
  • Elastic wrap bandages
  • Adhesive tape o micropore

Mga gamot

Susunod, lumipat tayo sa mga gamot. Mahalagang tandaan na dapat mayroon kang dagdag na gamot na kailangan mo kung mayroon kang kondisyon. Mahalagang ayusin ang mga gamot sa iyong first-aid kit upang umangkop para sa iyo at sa iyong pamilya sa isang emergency.

  • Pain relievers (tulad ng ibuprofen at acetaminophen)
  • Kung iminungkahi ng iyong doktor, auto-injector ng epinephrine
  • Personal na gamot na hindi kailangang ilagay sa refrigerator
  • Gamot sa sipon at ubo
  • Hydrocortisone cream
  • Antihistamine tulad ng diphenhydramine
  • Mga antacid
  • Laxative
  • Anti-diarrhea medication
  • Calamine lotion
  • Aloe vera gel

Maaari ka ring magdagdag ng aspirin sa iyong mga gamot. Kung may adult na nakakaranas ng chest pain, maaaring mailigtas siya ng aspirin mula sa atake sa puso. Kung ang isang tao ay may biglaang pananakit ng dibdib at sa tingin mo ay inaatake siya sa puso, tumawag kaagad para sa propesyonal na tulong medikal, at dapat siyang ngumuya o mag babad sa dila ng regular-strength aspirin.

Hindi dapat magbigay ng aspirin sa mga bata. Hindi mo rin dapat ibigay ito sa isang taong allergic sa aspirin, umiinom ng ibang gamot na pampababa ng dugo, o may mga problema sa pagdurugo.

Iba pang mga item na maaari mong idagdag sa iyong kit

Ang pagdaragdag ng iba pang items ay maaaring hindi kailangan, pero maaaring makatulong. Narito ang items na maaari mong idagdag:

  • Insect repellent
  • Sunscreen
  • Cell phone at isang solar charger
  • Emergency space blanket
  • Waterproof na panulat at isang maliit na notebook.
  • Waterproof na posporo
  • Headlamp o isang maliit na waterproof flashlight na may extra batteries
  • Medical history forms ng bawat household member
  • Medical consent forms para sa bawat household member
  • Emergency contact information, kasama ang poison helpline, emergency road service providers, local emergency services, contact information ng family pediatrician o doctor  

Saan Ko Dapat Ilagay ang Aking First Aid Kit? 

Ilagay ang first aid kit sa lugar na madaling ma-access. Hindi ito dapat itago at mahirap hanapin. Sa ganoong paraan, mabilis mo itong makukuha kapag may injury o karamdaman. 

Ang pinakamagandang lugar para ilagay ang iyong first aid kit ay sa gitnang lugar. Mainam na lugar upang itago ang iyong first aid kit ay nasa banyo o kusina.

Bukod pa rito, tiyakin na hindi ito maabot basta-basta ng mga bata dahil maaari nilang masaktan ang kanilang sarili. Ilagay ang iyong first aid kit sa mataas na lugar tulad ng ibabaw ng cabinet.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng first aid kit ay maaaring makatulong sa iyo na magamot kaagad ang mga biglaang pinsala at posibleng makapagligtas ng buhay. Depende sa bilang ng tayo sa bahay mo, pwede kang gumawa ng malaking first aid kit o mas maliit na pack para sa bawat isa sa pamilya. Bilang karagdagan sa first aid kit, maaaring mag-imbak ng de-latang pagkain, tubig, at mga katulad nito sakaling may mga emergency.
Tiyaking sundin ang payo sa itaas upang matulungan ka kung paano gumawa ng first aid kit.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chemical Disinfectants, https://www.cdc.gov/infectioncontrol/guidelines/disinfection/disinfection-methods/chemical.html, Accessed June 23, 2020

Ibuprofen (Oral Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/ibuprofen-oral-route/description/drg-20070602, Accessed June 23, 2020

Acetaminophen (Oral Route, Rectal Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/acetaminophen-oral-route-rectal-route/description/drg-20068480, Accessed June 23, 2020

Epinephrine (Injection Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/epinephrine-injection-route/description/drg-20072429, Accessed June 23, 2020

Antihistamine (Oral Route, Parenteral Route, Rectal Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/antihistamine-oral-route-parenteral-route-rectal-route/description/drg-20070373, Accessed June 23, 2020

Kasalukuyang Version

06/12/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

5 Dapat Mong Gawin Kapag Tinamaan Ng Kidlat Ang Iyong Anak!

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement