backup og meta

Gamot Sa Food Poisoning: Ano Ba Ang Dapat Gawin Kapag Nangyari Ito?

Gamot Sa Food Poisoning: Ano Ba Ang Dapat Gawin Kapag Nangyari Ito?

Ano ang Food Poisoning?

Sa paghahanda ng pagkain at inumin, mahalagang manatiling malinis sapagkat anumang pagkain na hindi naihanda nang maayos ay maaaring maging sanhi ng kontaminasyon na magdudulot ng food poison. Ang food poison, na mas karaniwang tinatawag na food poisoning ay isang sakit na nakukuha sa mga sirang pagkain at inumin o kontaminadong pagkain at inumin na may bakterya, virus, parasites o toxins na ating nakain. Gayunpaman, tulad ng iba pang mga sakit, may ilang gamot sa food poison na maaari din natin gawin sa ating mga tahanan.

Sintomas ng Food Poison

Bukod sa pag-alam kung ano ang food poison at gamot sa food poison, mahalagang malaman din ang mga sintomas nito.

  • Pagsusuka
  • Pagtatae na minsan ay may kasamang dugo
  • Pananakit ng tiyan
  • Lagnat
  • Panginginig
  • Nausea
  • Pananakit ng ulo
  • Panlalambot o panghihina

Gamot sa Food Poison

Oral Rehydration Powder

Isa sa mga iniiwasang mangyari sa isang taong na-food poison ay dehydration o pagkawala ng likido sa katawan at iba pang mga nutrisyong kailangan nito. Habang hindi pa humuhupa ang pagsusuka at pagtatae, iwasan muna ang solid na pagkain at mga produktong dairy. Manumbalik lamang sa pagkain at pag-inom kapag bumuti na ang pakiramdam. 

Maaaring subukang ang pag-inom ng oral rehydration powder na mabibili sa mga pharmacy. Kung wala man nito, puwede kang gumawa ng sarili mong timpla sa pamamagitan ng pagtunaw ng ½ kutsarita o 3 gramo ng asin, ½ kutsarita ng baking soda at 4 na kutsara ng asukal sa 4 ½ na tasa o isang litro ng tubig. Siguraduhin lamang na sa malinis na tubig gagawin ang mixture na ito upang hindi lumala ang food poisoning.

BRAT Diet

Isa pa sa maaaring makatulong na gamot sa food poisoning ay ang BRAT diet. Ito ay banayad lamang sa tiyan sapagkat binubuo lamang ito ng saging, kanin, applesauce at toast. Kainin mo ito hanggat hindi pa bumubuti ang iyong pakiramdam. 

Ang mga pagkaing ito ay makatutulong upang muling manumbalik ang iyong lakas na nawala dulot ng food poisoning. Kung hindi mo man ito nais, siguraduhin lamang na ang kakainin mo ay mga pagkaing mababa lamang ang taba hanggang sa bumuti ang iyong pakiramdam.

Pag-inom ng Luya o Mint Tea

Kapwa kilalang halamang gamot ang luya at mint. Batay sa ilang pag-aaral, ang luya ay nakatutulong sa pagpapawi ng pagduduwal habang ang mint naman ay nag-aayos ng tiyan. Makatutulong din ang pag-inom ng mga tsaa nito upang manatili kang hydrated habang ikaw ay may sakit.

Over The Counter na Gamot

Sa ibang sitwasyon, maaaring bumili ng mga gamot na over the counter tulad ng gamot sa pagtatae ngunit tandaan na hindi ito ipinapayo lalo na kung bata ang na-food poison.

Bagamat nabanggit ang ilan sa mga posibleng gamot sa food poison na magagawa sa inyong tahanan. Tandaan na kaagad pa rin kumonsulta sa doktor kung hindi nagkakaroon ng pagbabago sa nararamdaman o mas lumalala ito.

Paano Maiiwasan ang Food Poison?

Upang maiwasan ang food poison, gawin ang sumusunod:

  • Regular na paghuhugas ng kamay kapag nagluluto ng pagkain o bago humawak ng pagkain
  • Hugasan ang mga gamit tulad ng kutsara, tinidor, plato at mga panluto
  • Hugasan ang mga gulay , prutas at karne
  • Lutuin nang mabuti ang mga pagkain
  • Ilagay sa refrigerator ang mga tirang pagkain na nakalagay sa selyadong container
  • Huwag kumain ng mga pagkaing may masangsang na amoy
  • Iwasang uminom ng mga tubig na mula sa balon o batis
  • Huwag kakain ng mga expired na pagkain o mga pagkaing sira ang balot
  • Lutuin ang mga frozen na pagkain sa tamang oras na nakalagay sa pakete nito

Key Takeaways

Ang food poisoning ay sakit na nakukuha sa pagkain o inumin na sira at kontaminado kaya naman mahalagang maging malinis at maingat sa paghahanda ng kakainin. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Food Poisoning

https://familydoctor.org/condition/food-poisoning/

Accessed July 12, 2022

Remedies for Food Poisoning

https://www.webmd.com/digestive-disorders/remedies-for-food-poisoning

Accessed July 12, 2022

Food Poisoning

https://www.healthdirect.gov.au/food-poisoning

Accessed July 12. 2022

Food Poisoning

https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/food-poisoning

Accessed July 12, 2022

Food Poisoning

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/food-poisoning/diagnosis-treatment/drc-20356236

Accessed July 12, 2022

Kasalukuyang Version

05/28/2023

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

5 Dapat Mong Gawin Kapag Tinamaan Ng Kidlat Ang Iyong Anak!

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement