backup og meta

Tips Para Sa First Aid Sa Pagdurugo Ng Ilong: Ano Ang Dapat Gawin?

Tips Para Sa First Aid Sa Pagdurugo Ng Ilong: Ano Ang Dapat Gawin?

Ang nosebleed, o epistaxis, ay karaniwang pangyayari na maaaring maranasan ng ilang beses. Gayunpaman, hindi alam ng mga tao kung bakit nila ito nararanasan o kung paano ito gagamutin. Karamihan sa mga nosebleed ay hindi nakakapinsala. Ngunit, mahalagang malaman kung kailan dapat humingi ng medikal na atensyon. Alamin kung paano gawin ang first aid sa pagdurugo ng ilong.

Ang Mga Uri Ng Pagdurugo Ng Ilong

Mayroong dalawang uri ng pagdurugo ng ilong:

  • Anterior nosebleed. Ito ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo sa harap ng ilong ay nasisira at nagdurugo. 
  • Posterior nosebleed. Nangyayari ito sa pinakamalalim na bahagi o sa likod ng iyong ilong. Dumadaloy ang dugo sa likod ng iyong lalamunan. Mahalagang tandaan na mapanganib ang magkaroon ng naturang uri ng pagdurugo. 

Ano Ang Sanhi Ng Pagdurugo Ng Ilong?

Maraming dahilan kung bakit maaari kang magkaroon ng nosebleed.

Dry Air

Ang pinakakaraniwang sanhi ng nosebleed ay ang dry air. Kung mayroon kang central heating system at nakatira ka sa isang lugar na may tuyong klima, maaari nitong mapatuyo ang iyong nasal membranes.

Maaaring magsimulang mag-crust ang loob ng iyong ilong dahil sa pagkatuyo. Ito ay maaaring makairita. At kung kakamutin o susundutin ang loob ng ilong buhat ng pangangati, may posibilidad na ito ay dumugo.

Decongestants At Antihistamines

Maaari ring mapatuyo ang nasal membranes ng pag-inom ng mga decongestant o antihistamine para sa ilang mga karamadaman tulad ng sipon, allergy, o mga problema sa sinus, dahilan para humantong ito sa pagdurugo ng ilong.

Iba Pang Mga Isyu

Syempre, mayroon pa ring iba pang mga potensyal na sanhi ng pagdurugo ng ilong, tulad ng mga sumusunod:

  • Malamig at tuyo na hangin
  • Mga pinsala sa ilong 
  • Patuloy na pagbahing o allergy
  • Upper respiratory infection 
  • Mga chemical irritants 
  • Mga dayuhang bagay sa loob ng ilong

Bukod pa rito, ang ilang partikular na kondisyon o sakit, gaya ng cancer, mga blood clotting disorders, bleeding disorders, o altapresyon, ay maaaring magdulot ng nosebleed.

Nagtataka ka ba kung ang nasal spray ay nakapagdudulot ng nosebleed? Kung madalas mong gamitin ito, maaaring mairita ang iyong ilong sa dulo ng bote, dahilan para umabot ito sa pagdurugo ng ilong.

Paano Magagamot Ang Nosebleed Sa Bahay?

Karamihan sa mga kaso ng pagdurugo ng ilong ay madaling pamahalaan at hindi naman masakit. Sa katunayan, maraming mga home remedies at first aid sa pagdurugo ng ilong na madali mong maisagawa. 

First Aid Sa Pagdurugo Ng Ilong

Kung mayroon kang dugong tumutulo mula sa iyong ilong, kung gayon mayroon kang anterior nosebleed. Madali mong masusundan ang mga hakbang sa first aid sa pagdurugo ng ilong upang maibsan ang naturang uri ng nosebleed.

  • Pisilin ang malambot na bahagi ng iyong ilong habang nakaupo ka. Maaari mong bawasan ang presyon ng dugo sa mga ugat ng iyong ilong kung mananatili ka sa iyong posisyon.
  • Siguraduhin na ang iyong nostrils ay ganap na nakasara. Panatilihing nakasara ang mga butas ng ilong nang humigit-kumulang 10 minuto, bahagyang sumandal, pagkatapos ay huminga sa pamamagitan ng iyong bibig.
  • Mainam na huwag humiga kung nais mong pigilan ang pagdurugo. Ito ay marahil kapag nakahiga ka, may posibilidad na makalunok ka ng dugo na maaaring mauwi sa pagkairita ng tiyan o pag kasamid.
  • Pagkatapos ng 10 minuto, maaari mong suriin ang iyong ilong upang malaman kung tumigil ang pagdurugo. Kung magpapatuloy pa rin ito, gawin muli ang mga hakbang sa itaas.

Kung gusto mong isara ang iyong maliliit na daluyan ng dugo, mayroon ding iba pang mga simpleng bagay na maaari mong subukan, tulad ng paggamit ng nasal spray decongestant. Maaari ka ring maglagay ng cold compress sa iyong nose bridge.

Pag-Iwas

Bagama’t madaling mapahinto ang karamihan sa mga anterior nosebleeds, pinakamahusay na gumawa ng mga paraan upang maiwasan ito. Halimbawa, ang pagkuha ng sapat na vitamin C sa iyong diyeta ay maaaring makatulong dahil maaari nitong patibayin ang iyong mga ugat at daluyan ng dugo. Gayunpaman, hindi ito pangmatagalan na lunas.

Gaya ng nabanggit kanina, ang mga tuyong kapaligiran ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo ng ilong. Maaari kang gumamit ng saline solution na may tubig upang ma-moisturize at mapaginhawa ang iyong mga nasal membranes. Ang isang simple at mainam na paraan upang mapanatili ang moisture ng nasal membranes ay sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig.

Dapat Ka Bang Mangamba Sa Pagdurugo ng Ilong?

Kadalasan, ang pagkakaroon ng paminsan-minsang o biglaang nosebleed ay hindi naman dapat ikabahala. Gayunpaman, maaari kang magkaroon ng malubhang problema kung palagi itong nangyayari.

Karaniwan Ang Anterior Nosebleed

Karamihan sa mga anterior nosebleed ay maaaring gamutin sa bahay. Gayunpaman, kung ang ito ay nagpapatuloy nang higit sa 20 minuto, pinakamahusay na humingi ka kaagad ng propesyonal na tulong.

Bagay Sa Loob Ng Ilong

Kung mayroon kang isang bagay sa loob ng iyong ilong na nagiging sanhi ng pagdurugo, makabubuti para sa iyo na pumunta kaagad sa doktor. Minsan ang first aid sa pagdurugo ng ilong ay maaaring hindi epektibo sa mas malalang mga kaso. Magtungo sa doktor upang maalis niya nang maayos ang bagay at maiwasan ang karagdagang pinsala sa iyong ilong.

Posterior Nosebleed

Mainam kung hindi mo subukang gamutin ang isang posterior nosebleed mag-isa. Ang mga ito ay hindi kasing karaniwan ng anterior nosebleeds, at kadalasan ay napakaseryoso.

Kung mayroon kang pinsala, buhat ng suntok sa mukha o pagkahulog, at nagsimulang dumugo ang iyong ilong, nararapat na bisitahin ang iyong doktor. Ito ay lalong mabuti na gawin kung sa tingin mo ay nasira ang iyong ilong.

Kung napansin mong mas maraming dugo ang lumabas kaysa sa normal, maaaring ito ay isang senyales na kailangan mo na ng propesyonal na tulong medikal. Bukod pa rito, kung nahihirapan kang huminga, dapat kang kumonsulta kaagad sa isang propesyonal.

Key Takeaway

Karamihan sa mga nosebleed ay hindi nakapipinsala at madaling gamutin sa bahay. Siguraduhing tandaan ang hakbang sa first aid sa pagdurugo ng ilong sa mga pagkakataong maaaring kailanganin itong gawin. Gayunpaman, siguraduhing kumunsulta sa isang doktor kung sakaling madalas mangyari ang nosebleed at kapag nagpatuloy ito sa mga malubhang pinsala sa ilong.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangunang Lunas dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is my nosebleed the cause of winter air? https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/is-my-nosebleed-the-result-of-winter-air, Accessed July 14, 2020

Antihistamine, Decongestant, And Analgesic Combination (Oral Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/antihistamine-decongestant-and-analgesic-combination-oral-route/description/drg-20069904, Accessed July 14, 2020

Hematology, https://www.mayoclinic.org/departments-centers/coagulation-disorders-group/ovc-20201562, Accessed July 14, 2020

Proceedings: The effect of vitamin C on the blood vessels, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC478176/, Accessed July 14, 2020

Preparing Saline Solution, http://www.med.umich.edu/1libr/PedSurgery/ColorectalProgram/SalineSolution.pdf, Accessed July 14, 2020

 

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

5 Dapat Mong Gawin Kapag Tinamaan Ng Kidlat Ang Iyong Anak!

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement